Wednesday, May 31, 2006

You Can't Please Everybody

“’Tis our judgments like our watches, none go just alike, yet one believes his own”
– Alexander Pope


Kalalabas lang ng lampoon issue ng TNB last week... The Big Blunder ang pangalan. Muli, nagpapasalamat ako kay Fritz sa kanyang impormasyon ukol kay Jimmy Santos.

May mga natuwa sa issue namin, at siyempre merong hindi… (insert title here) talaga… ang okay sa’yo ay maaaring hindi ok sa iba… sa akin ok lang, pero baka biased ako di ba? ano kaya kung wala ako sa Builder? ano kaya ang masasabi ko? malamang ok pa rin, mababaw naman akong tao e atsaka madaling matuwa…hehe. Atsaka lalong lalo na hindi ako KJ.

May mga tao kasing napakaseryoso sa buhay nila, parang kasalanan sa kanila ang matuwa…hindi ko sila maintindihan…kung habang buhay kang seryoso ano mangyayari sa yo, para saan pa yung ginagawa mo, kung pinagbabawalan mo ang sarili mong maging masaya?

May mga tao naman napakasarado ng mga isip… napaka-conformist. ang pinapakinggan lang nila ay yung gusto nilang marinig. Kapag ganito ang palagay nila eto lang yun…wala nang ibang karapat-dapat na palagay. Kung ganito ang nakasanayan na, hindi na pwedeng baguhin… pag binago mo, sasabihin nila pangit…

kung normal na mga tao ito para sayo…nagpapasalamat ako at abnormal pala ako. ay mali, hindi pala abnormal…special lang n_n

bago ko tirahin ang mga tao na ito, ieexplain ko lang yung term na lampoon…para hindi na kayo titingin sa dictionary…bago nyo sabihin na mayabang ako, this year ko lang din naman nalaman ang ibig sabihin nito e. no need to feel inferior. wahahaha. ^_^

Lampoon - satirical attack in writing or verse: a piece of satirical writing or verse ridiculing somebody or something.

Ngayon, bakit kami naglabas ng lampoon issue? May mga bagay na ginagawa ng walang malinaw na dahilan…bukod sa gusto mo lang talagang gawin ang mga ito. Bakit hindi nyo tanungin ang mga taong nag-imbento ng satire o kaya ng lampoon…baka may maibigay silang dahilan na mas nakakapukaw ng inyong atensyon at diwang makabayan. Dahil hindi ako yun.

Maraming nagcomment, may mga violent reactions , may mga natuwa, may hindi. WTH. Parang blog lang yan e, may kalayaan kang huwag basahin kung ayaw mo. wala naman pumipilit sayo e… Para sa akin hindi porke hindi totoo, kalokohan na yun, at hindi porke kalokohan yun ibig sabihin wala nang kwenta yun. PINAGHIHIRAPAN po yun… hindi po yun kinukuha sa hangin tapos nilalagay na kaagad sa dyaryo…pinag-iisipan din yun.

Tirahin nyo kami kung hindi namin pinaghihirapan…yung iba kasi reklamo na lang nang reklamo nang hindi man lang isinasaalang-alang kung baka sakali, kahit paano, malamang, pinaghirapan din namin itong lampoon issue… yung iba kasi kung makapagsalita akala mo kung sinong magaling…kung talagang magaling kayo, sige nga, sa loob ng kalahating oras gumawa kayo ng isang valid lampoon article at kapag natuwa ako ng sobra-sobra sa article mo. I’ll shut up. Magaling ka nga talaga…ang maipapayo ko sayo, gumawa ka na ng sarili mong dyaryo then you can shove everything ** your ******* ***!!!

Para kay concerned mapuan, ewan ko sayo kung ano ang gusto mong palabasin, kung ano ba talaga ang gusto mong gawin namin. Alam mo naman pala ang sitwasyon e, baka may maisusugest ka na paraan kung pano maisasagawa yang sinasabi mo. Do you bite the hands that feed you? Ang katotohanan ng buhay, you don’t. At least, not yet. Kung estudyante ka nga talaga dapat sinabi mo na kung ano yung mga reklamo mo sa buhay at titingnan namin kung magagawan ba yan ng paraan…

Para kay B.S. Arch, dalawang version ang message ko sau.

Filtered version:
Dear b.s arch, maraming salamat sa iyong pagkomento sa lampoon issue… hindi ko na po pupunahin ang spelling at grammar mo…baka may chance na sinadya mo naman yun, atsaka in-edited na sya nung iba. Sana po ay matuwa kayo sa unfiltered version ng sagot ko sau…

Unfiltered version

Dearest B.S. (b***s***) Arch, tinawag mo na trash yung gawa namin, para mo na kaming dinuraan sa mukha. Wala akong magagawa at wala akong pakialam kung killjoy ka at gusto mong mamatay nang nakasimangot, pero *******a mo, kung ayaw mong basahin ang sinasabi mong trash na yan para sayo, walang pumipilit sayo, *******a ka ulit. Kung hindi ka ba naman g**o, sino ka ba? napaka-bigtime mo umasta ah.

Responsible journalism? it was a lampoon issue, you **** ***** of ****!!! patunay lang yan na hindi mo binabasa ng mabuti yung paper. Title pa lang, iba na e, hindi ka man lang nagtaka? hindi lahat ng nakasulat, ibig sabihin totoo na kaagad…isipin mo naman muna kahit ten seconds lang, malalaman mo na hindi totoo yun.

Napaka-ignorante mo naman kung palagay mo kami lang ang gumagawa ng lampoon. May lampoon issues din po ang ibang school publications, even UP! Kahit Daily Tribune meron nun *****!!! And don’t lecture us about responsible journalism…alam namin yun, ikaw, alam mo ba talaga?
____________________________

(hingal…hingal...) Tama na nga, napapasama ako sa’yo e…pasalamat ka at nakalimutan ko na yung ibang part ng message mo kung hindi tinira ko bawat point mo dun sa bulok mong pilosopiya sa buhay…

Kaya nga nilagay ko dun sa isang article ko, for violent reactions, keep these thoughts to yourself, we don’t need them.

Pasenya na po, may mga bagay lang na nakakainit talaga ng ulo.

1 comment:

  1. isa parin ako sa mambabasa mo perez! nakakarelax kasi mga kadramahan mo eh. totoo! ingat ka lagi

    ReplyDelete