Thursday, May 11, 2006

Pleasing Everybody

“Hindi dahil hindi nagustuhan yung gawa nyo, ibig sabihin pangit na yun. Iba-iba lang talaga ang taste ng mga tao” – kuya ray

Haay. Busy lang po, pasensya na... gusto ko man magblog, nagiging hobby ko na yata ang pag-aaral ngayon…wahahaha. Kaya heto na, special novel edition ulit. mahaba-haba na namang pagbabasa...n_n
________________________________

Busy ako dahil sa report ko sa STELEC (special topics in electronics). Dahil tamad ang prof ko dun, o baka gusto nya lang maiba, lahat ng topic sa syllabus namin ay gagawing report. Powerpoint presentation with matching LCD projector pa dapat. At dahil 20 lang kami sa klase, nadoble tuloy yung topic assignments. Ibig sabihin mas maraming irereport ang bawat isa. Grinupo na kami nung first day pa lang. O_o

Ok lang naman yun. Kaklase ko naman yung top one ng coe sa batch namin…magkalapit pa kami ng apelyido…kapag naging kagroup ko siya, tiyak wala nang problema. Kasi obsessed yun sa pag-aaral, saka gusto nun lahat perfect. yun nga lang kailangan mong tiisin ang malakas na chakrang nagmumula sa kanya (daig nya pa ang may industrial fan sa katawan). Pero naiintindihan ko naman, sa totoo lang marami akong kilalang ganyan. Atsaka ok naman sya e.

Ayos! Groupmate ko sya…alphabetically kasi yun pag-aasign sa groups…tig-aapat na members. E class number 12 ako tapos class number 9 sya. Hehe.

Huh?! Teka…pwede daw tiglilima…waah…bakit? Ayos na eh…wag na…

Walangjo, ginawa ngang tiglilima. Napahiwalay pa ako…hihirap pa ang buhay ko…tsk tsk. Sige ok lang. tatlong babae sa group namin…base sa aking karanasan madalas na 50% mas masipag at mas responsable ang mga babae pagdating sa academics. Inherently obsessed din sila sa pag-aaral pero mas mababang level kumpara sa mga henyo.

Ok, bunutan na ng mga mauunang magrereport… siguro naman hindi mauuna ung group namin… wala pa ako sa mood magreport e. gaano ba kataas ang posibilidad na mauna kami? 20% lang. hehe. Malabo.

O janet, bakit ikaw ang bubunot? Magaling ka ba diyan? Maswerte ka ba? Hindi? E bakit ikaw ang representative namin? Unahan mo sila, yung isa yung no. 5 oh, yung nasa kanan. Hindi yan. waah. Bakit yan ang kinuha mo? Ano yan? Walangjo. No. 1?! T_T

Ngee…may napapansin yata ako, parang walang sumusunod sa gusto ko…o sige na nga ok na rin ang mauna…siguradong mas madali yung topic namin. Kasi kadalasan review muna yan diba? Ano ba yung mauunang topics? Ah, diodes…madaming makukunan yan. Napag-aralan ko na yan dati.

Ano ung IC regulators saka practical power supply circuits? Meron ba nun sa book?

Bunutan ulit kung alin ang irereport? O sige, siguro naman ung diodes na ang mapupunta sa akin…dyaran!!!! …what the… no. 5?!

Hulaan nyo kung alin yung no.5? Aba ang galing…IC regulators nga saka practical power supply circuits…ang saya…saan kaya ako makakakuha ng souces dun?
________________________________

Dahil maaga naman dismissal, naghanap ako sa internet nung gabi ring un…wow ang dami…click click…error…error…naman… blah blah blah…ah eto pwede na to.. copy paste copy paste….sige na nga, pwede na rin siguro ito…copy paste ulit…pwede kaya to?...hanap ng iba…copy paste…save…uwi na ng bahay…

Kinabukasan Friday, nagtanong-tanong ako dun sa mga nag-STELEC na last term…pahingi naman ng copy ng report nyo oh…para may basis ako…sige na…kelangan ko talaga e…di ko alam kung ano gagawin ko dun sa report. Mamayang gabi ha, isend mo sa email ko…ninong_osprey11…oo 11 un. Wag mo kalimutan ha. Uy, wag mo kalimutan ha…sige. ^_^

Sinend naman nya…nung Monday ng gabi!!! Nakuha ko lang ung copy, Wednesday na…di bale, next week pa naman kami e…mauuna muna ung diodes… tinanong ko ung isang section C11(Tuesday ang stelec nila) kung kamusta ang report nila…napagalitan daw…walang projector e.. naku, wala rin kaming projector e…san ako makakahiram nun. Avr? Ngek…pano?

Nag-assign si ate eunice ng article sa technology…séance (spiritual encounter) through cardinal SIMs…huhuhu…ang aga naman ng deadline… Thursday na agad? Ate eunice, pa-extend…parang awa nyo na, dami kong pinoproblema…salamat po.

Nagtext si Janet nung gabi ng wednesday…reporter 4 pa xa, next week din dapat…sabi daw nung iba maikli lang ang report nila, baka daw abutan kami. Waah. Wala pa akong nagagawa. Di ba next week pa tayo? Waah. nagtanong ako sa ibang section (C11), may report na kayo? IC regulators…meron na, si alex ang gumawa…ah… alex, pasend naman sa e-mail ko yung report nyo…sige na, di ko naman kokopyahin e. pramis… salamat. sige.

Pinagpuyatan kong gumawa ng powerpoint…1.5 hrs lang ako natulog dahil may klase ako ng 730-1200…hindi ko pa rin natapos…kulang naman ung report last term kelangan maghanap ng ibang sources...punta ako library…hanap hanap hanap….photocopy…nakita ung ka-skulmate nung highskul…kamusta ka na? buti nandito ka pa…tatlo na lang tayo dito, lumipat na ung apat. Blah blah.

Nakita ko si janet, kasama ibang kagroup…bibili daw sya ng chocolates…mag-ge-game raw sila para umabot sa dismissal…ayusin ko raw yung avr form para dun kami av room next week. Pano? Papirmahan ko lang…o sige na nga…

Hanap si Sir Bitor…sa faculty…pirma agad, akyat sa office ng avr na may pagkaliit-liit na pinto…pirma din agad…avr3 6:00-9:00…pirma sa CDM? San po yun? Tanong ako sa guard, san po yun? Ayun oh…di ko pa rin makita…lingon-lingon…ngek, nasa tabi ko lang pala…tsk tsk….ayun pirma din agad… madali lang pala…

Wala pa rin akong sources. Natapos na yung report nung tatlong groupmates ko, may game pa sila… Next week pa kami…

Nagcheck ako sa internet…walang sinend na copy si alex…huhuhu… naloko na. email ako ulit…alex, pasend naman po yung report nyo…please…pakiusap…kelangan ko po talaga…

(pero gusto ko talaga sabihin nun, ang damot mo naman kung ayaw mo isend…huhuhu…di ko naman kokopyahin ah…parang wala tayong pinagsamahan…huhuhu. Tayo nga lang gumawa ng project sa C++ 2 noon di ba? Sana nakalimutan mo lang…)

Gumawa ng article, kahit halos wala pang tulog…pano ko ba to gagawin, tuyo na ako sa ideas…antok na ako… kelangan ipasa ko na bukas, kasi wala ako pasok ng sabado…tinext ko si ate eunice, ate eunice, pwede bang tagalog? Lampoon naman e…

Di na nagreply…maaga ata natulog si ate eunice. Huhu. Bahala na…type..type…bura..ayoko na…wala ako maisip…waah… (iuumpog ang ulo sa pader)…wala pa rin…(iuumpog sa study table)…wala pa rin…(yawn)

TING! Biglang nag-ilaw ang lightbulb sa ibabaw ng ulo ko with sound effects pa… Natanggal ang writer’s block…type type…type type…dyaran!!! Tapos na ang article… angst-ridden soliloquy!
_____________________________

Friday. Sinend naman ni alex…salamat alex, (nakalimutan nya lang siguro…o kaya nakonsensya). In-open ko ung report nila…walangjo, halos 2 slides lang ang idinagdag mula dun sa naunang nagreport? Haay…pahirapan talaga. Internet ulit…copy paste… kahit ano na basta may makuha…sa bahay ko na lang aayusin.

Iniwan ko na yung article sa cabinet ni ate eunice…ung report na lang talaga ang problema ko…atsaka may test pa raw kami sa numericals sa wednesday…mahaba naman ang bakasyon e. labor day naman. Bahala na.
_____________________________

Parang walang bakasyon…revise ako ng revise ng powerpoint ko pero parang kulang pa rin…iba kasi yung prof na yun e…lagi akong binabara nun noong prof ko pa sya sa laboratory dati…kasi ayaw nun ng kinokontra mo sya…saka napakaangas talaga.

Kahit wala akong pasok nung Tuesday, pumasok ako. Bukod sa layout daw ng sports section sabi ni kuya ray, maghahanap sana ako ng iba pang sources sa library.

Hindi pa rin kami nakapag-layout…wala pa kasi yung articles…pagdating ni kuya ace…ibinalik nya na yung mga nagawa namin…at masasabi kong mahirap din palang gawin ang isang lampoon issue…kailangan nakakatawa talaga. Isa o dalawang article ko lang ang nakalusot, ung iba kelangan irevise…

Major revision yung racing tips article…huhu… hindi raw ma-gets ang joke…nung binasa ko ulit…siguro nga… e malalim talaga ako magjoke e…minsan nga pag nag-jojoke ako, ung mga tao delayed ang reaction nila… atsaka mahilig ako sa patago yung meaning ng joke. Ung hindi mo kaagad ma-rerealize… ganun din naman ako dito sa blog.

Tuyo na talaga ang utak ko nun…malaking chakra (reiatsu) kasi ang inuubos ng STELEC report ko, kaya nahihirapan na ako mag-isip…sinalo ni kuya ray yung swimming pool article…buti na lang…at least bawas sa bigat.

Ang pinoproblema ko talaga ay yung racing tips…wala na akong maisip na paraan kung paano ko yun gagawin. Nakatatlong major revision na yun bago pa man pinarevise ni kuya ace…natakot na ako baka pati ung séance article ko kay ate eunice maputukan din, halos parehong style lang ang ginamit ko dun e.

Sabi ni kuya ace ok lang daw yun…mas mahalaga ay nakikita nya yung efforts namin…

Pumunta muna ako library para sa report…nakita ko si pohl. Ayun konting kwentuhan…tungkol sa “problema” nya sa buhay…ayos lang, gusto ko naman ng ibang topic, ayoko na muna ng regulators…tapos nung lumaon kinailangan ko na ring maghanap ng libro…

Pagkatapos ng isang oras…mailap pa rin ang ginto…suko na talaga ako, masakit na ang ulo ko sa mga electronics books…

Dahil wala nang ibang gagawin at hanggang maaari gusto ko na matapos na talaga lahat…inayos ko na yung headline article (jimmy santos) at yung athletes speaks article ko. Mahirap yun revision ng headline, kasi para sa akin, ok na yun e…sabi nga if it ain’t broke, don’t fix it. Di ko tuloy alam kung anong aayusin ko kasi di ko alam ang sira…

Pero nakita ko rin ung dapat palitan…naedit ko rin…sa wakas…yung racing tips, sa bahay na lang, uuwi na ako…pagod na talaga ako…bwisit na report yan.
________________________________

Wednesday. Napuyat pa rin ako dahil sa report…hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko kung bakit sobrang career ang ginawa ko sa report kong yun. At masasabi kong hindi ako nagsisinungaling, kapag sinabi kong sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nag-career ng isang report.

Test sa numericals…buti na lang nakapag-aral pa rin kahit pano…at nasagutan ko yung lahat ng tanong…madali naman yung exam, kumpara dun sa exam ko last term…sana tama ang mga sagot ko…

Hindi ko pa ginagawa ung racing tips…wala talaga e…masyado akong pre-occupied… may test pa raw kami sa Theory of Computations…waaah…ang daya, hindi pa ako nag-aaral dun.

Bumili ako ng test booklet sa bookstore…tapos tumingin tingin ako ng libro… may nakita akong Electonic Devices and Circuit Theory. Nandun pala yung kelangan ko. Pero bawal istambay sa bukstore. Siguro naman meron sa library…

Pumunta ako ng library at sabi dun sa “high tech” database search…meron daw nung 1982, 1991 at 1999 edition ng buk na hinahanap ko. Kailangan ko ung 1999 kasi kulang-kulang yung nandun sa ibang edition. Pero sa mahigit 3 oras kong pananatili sa library sa loob ng dalawang araw, ni ANINO nung 1999 edition HINDI KO nakita.

Ang pangit ng naging resulta ng test ko sa theory, dahil hindi na talaga ako nag-aral…pero buti na lang mahirap yung test, marami ring hindi nakakuha…haha.
_________________________
Thursday. Araw na ng report…nagbaon na ako ng formal na damit…may points din kasi yung attire. Parang contest no? May leather shoes na ako sa office, meron na rin akong tsinelas. T-shirt, jogging pants, towel, panyo…haha… in case of emegercy di ba? =)

7:30 ang klase ko, kaya 2 oras lang ang naitulog ko sa dahil sa final editing ng powerpoint presentation ko. Sa sobrang pagka-master ko ata sa mga slides kaya ko pa ring idiscuss sayo hanggang ngayon yung irereport ko.

Buti na lang at may vacant ako ng 12:00-6:00, pagkatapos kumain, natulog muna ako…tapos mga 3:00 pinuntahan ko yung kagroup ko, namroroblema pa rin sa report nya…kinabahan tuloy ako. Pareho kaming kulang sa data e. Di ko pa rin maexplain kung pano nangyari yung ganun.

Aminado ako, mahina talaga ako sa mga circuits.

Para mapaikli ang kwento, dahil malamang nag-skip ka na papunta sa part na ito dahil sa sobrang haba ng kwento….sasabihin ko na na maayos naman ang naging resulta ng report ko… kumpleto na pala yun sa lagay na yun. Ok lang daw kahit di ko damdamin yung ibang circuits dahil overview lang naman ang kailangan.

Sabi ni sir ok naman daw yung report namin. Biruin mo di kami naputukan, di katulad nung isang section… humingi ng feedback si sir mula sa mga kaklase ko…ipinasulat sa ¼ paper…walang pangalan, comments lang.

Maganda naman ang feedback nila. May nagsabi pa nga na “the last reporter was the best in the group”…oh di ba? Hanep. Tuloy, hindi na ako masyadong angst-ridden pagdating kay sir…at parang…parang…parang…

…natutuwa na naman ako sa pag-aaral ???!

No comments:

Post a Comment