Monday, October 24, 2011

Might As Well

So I found myself on a Monday afternoon just bored to do anything. I could work on my unbuilt gunpla (a hobby I caught these past few months) and I already have the box but suddenly I don't feel like it. I am still on US shift (for three years already, I think) and I'm working at home every Sunday  for the past weeks so I'm asleep by morning and wake up by late lunch. Not much time before I need go to sleep again. Might as well blog.

As I haven't blog for a while, I feel as if my mind is clogged with things I want to say.

The TV series Community is still funny to me. I think I have watched the first season three times already. The current season is not as funny as the first two but the just had 4 episodes so I'm not judging. If you have watched a lot of movies and TV series you can relate to many of their jokes. And of course, Alison Brie.

I'm thinking of buying an Android phone. I'm leaning towards HTC Desire HD, although I initially wanted an LG Optimus Black. But I can probably buy a cheaper 2nd hand HTC DHD at tipidcp instead of a brand new LG OB. Argh. Tagalog na nga lang...

Bakit gusto ko bumili ng bago? Wala lang. Pangit na ng nokia e. Envy drives consumerism sabi nga. parang andami pwede gawin pag Android yung phone. Saka dahil ang haba na ng byahe ko papunta at pauwi tingin ko lang mas marami ako magagawa kaysa manuod ng telebabad ng GMA sa bus.


Monday, August 8, 2011

For it All Goes Back to One Pain

Inabot din ako ng 1 week bago magpost... Hmmm... inuna ko na lang kasi matulog may bakanteng space dun sa tulugan sa opis. Tapos nung friday naman umalis ako ng opis, umaga na ako nakabalik. haha. Shhh.... secret lang. wala naman dumating na trabaho e.

Nung thursday pala may nag-aya sa akin kumain. Dapat ata may kasabay o ano pero ang nangyari e kaming dalawa lang natuloy. Tinanong ko kung libre nya, aba pumayag. E di ayos. Huli kong kumain ata na babae ang kasama at dalawa lang kami ay... hmmm... walangjo, 1st year college pa.

Hmmm... walangjo. Bakit... siguro lahat nung mga sumunod na prospect ko, di na umabot sa ganun. ayaw ko na paabutin sa ganun. ayaw nila umabot sa ganun. kain lang naman. must have been 1 terrible 1st year college.

Anyway,










Wednesday, August 3, 2011

There and Back Again

"Beginning is easy - continuing hard" 
- Japanese Proverb

Hello. Eto na naman tayo. Magsisimula ulit.

Naka-ilang subok na din ako na umalis sa hiatus na naipataw sa blog na ito. Pero laging di natutuloy, madali nga talaga magsimula.... mahirap magpatuloy (tinagalog ko lang pala yung quote).

Madaming excuses: writer's block (feeling writer), madaming trabaho, walang trabaho, maraming ginagawa, walang magawa, masungit ang panahon, umaaraw, holiday, mataas ang dollar, inaantok, tinatamad... Nandun pa rin yung drive na magkwento pero bigla-bigla na lang nawalan ako ng gana i-blog... nawalan ng gana magtype... parang yung pagte-text lang... dati kulang na kulang ang 300 na load para sa isang buwan. Ngayon yung 300 na load umaabot sa expiry date (2 months?), tumatawag pa ako sa lagay na yun.

Siguro marami rin naging distraction, nauso (at nalaos?) yung mga micro-blogging: twitter, plurk, tumblr, blah blah... naging member pa nga ako sa ibang mga site na yan... pero kinuha ko lang yung domain na ninong... hehe. baka maunahan pa e parang yung ninong.com. pero nireserve ko lang talaga yun kumbaga, hindi naman talaga ako nagpost dun.

Syempre nauso rin ang facebook. Friendster pa pala ang uso nung masigasig pa ako mag-blog. Siguro sa Harvard pa lang ang facebook nun. 25 pesos pa lang ang pamasahe sa FX mula sa amin hanggang Lawton. Buhay pa si Cory Aquino. Bicutan pa ang dulo ng Skyway. wala pa akong trabaho o kahit OJT... natakot din ako na baka matagal akong maging unemployed pagka-graduate ko. siguro baka emo din ako nun.

Matagal na din... ano na nga ba ang mga bago kay ninong?

3.5 years na ako sa aking first job. Iniisip ko kung dapat na ba umalis o may career pa ako dito kelangan ko lang maging pasyente. Di ko pa naman kelangan magdesisyon, kasi next year pa ang laya ko.


Nakuha ko na ang karamihan ng nasa wishlist ko nung 2007 (isang malaking yey! woohoo!!!). Siguro dapat gawan ko ng post yun minsan kasama ng bago kong wishlist! hehe. Tama nga sila, pag nagkaroon ng sweldo, nagiging mahal din ang mga gusto. Pinakamagastos ko na rin ang taong 2011 at hindi pa tapos ang taon. 


May malayong lugar na akong narating bukod sa Pagudpud. Nakapunta ako ng Estados Unidos kapalit ng 1 taong kadena. Nakapunta na rin pala ako ng Puerto Galera. Siguro nakapunta pa sana ako sa ibang mga lugar kaso sabi nga ng friendster, "it's complicated".


Lumipat na rin pala kami ng bahay... nung last month lang. wala na po ako sa Parañaque mga kagalang-galang na stalker... nandito na po kami sa napaka ubod ng trapik na Las Pinas...

kung merong walang pagbabago... yan ay ang aking napaka-exciting na lablyf... mula aandap-andap patungong non-existent. sabi nga ni lala... "ano yan, singe-blessedness by choice?" hehe. eto pa rin ako, single and negotiable. ganun pa rin...kumakapa sa dilim, minsan naisip ko umalis na lang dito, kalimutan ang lahat, lumipad, lumayo...

Thursday, February 24, 2011

nonchalant

parang ayaw ko pa umuwi.

bitin ang 3 months. masarap ang allowance. masarap ang independence.

sabi nga kapalit ng independence ay solitude. siguro loner lang talaga ako. kasi ok lang sa akin.

pagbalik sa Pilipinas siguro marami na naman problema. Mas mura nga bilihin, maliit lang
din naman ang sweldo. Ala rin.

pareho lang naman na wala ako social life kahit saan. haha.

mag-oOT na naman lagi. papasok ng weekend. tsk tsk.magsisimba. ah!

sana ipadala ulit. kahit dito uli ok lang. kahit sa iba para di lang 3 months.

akala ata ng iba porke galing ako dito, sumusuka ako ng dolar. e
ganun pa rin naman sweldo ko. may konting sobra lang. saka marami akong bayarin.
-----

bakit kung kelan binura ko na sa ym. magpiping pa sya ulit. mula sa kawalan. tapos wala lang din. hilig talaga
magpaasa. at ako kinausap ko naman. puro naman secret. puro ho-hum. eng-eng ba yun. ano ba gusto nya.

ordinary day lang daw valentine nya. ah? bakit tinatanong ko ba? ah oo. tinanong ko ngapala.

alang date? blah blah blah blah. ala na. alam mo yun. di ka pa nagwawarm-up... boom. transmission terminated.

kaya tingin ko din malabo na. puro ganyan e. tapos malayo din sya kaya siguro pag reunion ko lang makikita o kaya may ikakasal.

sana di na lang sya nagpiping kung pag nagreply ako bigla na lang din ala na maya-maya. parang katulad ng dati din. bigla na lang nawawala. ugali na nya yun. ang makulit dun in-add ko pa ulit sa ym. katanga. buburahin ko na lang ulit.

sana di ko na mapanaginipan. laging bitin naman ang panaginip. kahit isip ko di na rin naniniwala na may
kalalabasan pa. may mga taong swerte sa ganung bagay. siguro nagkamali lang ako kung saan. at yun ala na.
-----

may nakita akong blog nung isang ii-stalkin ko pa lang... sobrang bitter at emo. malala pa sa akin. buti di na ako bitter no? nonchalant lang. masyado ring nasa past at di makaget-over. aba, pareho kami. hmmm...

nakakatamad sa opis... gusto ko na umuwi. magiimpake pa ako. gara na naman ng post na to... baka idraft ko na naman ulit.

Saturday, January 29, 2011

Panaginip

I can never decide whether my dreams are the result of my thoughts, or my thoughts the result of my dreams.
- D.H. Lawrence


Nitong huli medyo irregular na naman ang tulog ko. Tsk tsk. Nung una kong dating dito ang aga ko matulog maaga din magising. Ngayon parang katulad lang ng dati. Puyat at putol-putol ang tulog. Antok sa hapon. Gising sa madaling araw.


Pati panaginip ko gulo-gulo. Kahapon 2 beses ko ata napaniginipan si little goth. Di ko na maalala yung una (kasi nasa opis ako nun natulog haha) kung tungkol san. Tapos yung isa naman halo-halong panaginip. Parang may namatay daw... tapos bigla na lang ikakasal na ako. dun sa isa kong kaklase nung hayskul, na hindi ko naman talaga gusto. parang arranged marriage ata nangyari pero wala raw may alam na ayaw ko. tapos sabi pa nung babae, magpagupit na raw ako. sabi naman ng tatay ko ok na raw yun. sabagay mahaba na ang buhok ko ngayon talaga pero weird pati yun napaniginipan ko. malapit na raw ang kasal tapos di ako makatanggi parang naiipit na ako. isa lang gusto ko gawin, tawagan si little goth at sabihin na ayaw ko talaga pakasal dun. ewan ko bakit sya tatawagan ko. haay. akala ko pa naman magaling na ako.


Pero yun lang naman un, kung di ko iisipin ala lang naman. Mahirap talaga yung may unfinished business, ika nga. di ka matatahimik. pero ayaw naman kasi nya magreciprocate. pambihira. tapos nagcomment pa ako sa profile nya pag sinasagot nya parang meron. ay labo talaga. bakit ba nagcocomment pa kasi ako. natanggal ko pa naman na sa wall at sa ym. tapos kinasal yung isang kaklase ko nung hayskul e umattend sya, puro picture nya tuloy lumabas. kaya nauulit e... wala na nga bumabalik pa.



Saturday, January 15, 2011

stressss

A day of worry is more exhausting than a day of work.  ~John Lubbock

Naiistress na naman ako sa trabaho...

Hindi dahil sa dami ng gagawin o hirap ng ginagawa. Gumawa na naman kasi ako ng kalokohan. Ok lang naman ata yun dapat. Siguro. Kasi yung isa kong kasama mga 1 month na nya ginagawa wala naman nangyari sa kanya. Nakigaya naman ako. Tsk tsk.

Talaga naman.

Tapos bigla-bigla may magkakalat ng tsismis na may natanggal sa ibang team. Sa ibang lugar. Di ko alam kung ano yung ginawa nun at ganun kabigat ang parusa nya. O kung pano nahuli. Baka naman sobrang nawili. Pinabalik daw e. Tapos ayun last day na raw. Ngi naman. Di ko nga alam baka pakulo na naman yang mga rumor na yan para masindak kami. 

Epektib. Nasindak ako e. Ambilis kasi e. Iba talaga pag 1st world ang internet. Nakakaadik ang bilis. Nakarami tuloy ako. Sabi ko pa naman di ko gagawin yun. Ginawa ko rin. Sana kung nagkalat sila nyang rumor na yan, pasimula pa lang ako. Emp talaga.

Nastress talaga ako. Inaantok ako kanina, nawala antok ko. Di rin ako makatrabaho. Langya. Nainception ako. Di ko maalis sa isip ko. Baka di ko pa maenjoy weekend nyan. Asar.

Sana tinatakot ko lang sarili ko. Naku. Kahirap pag nagkataon.

Sana katulad lang nung di kami nakapasok sa building. Hay. Experience talaga. Minsan kahirap kunin. Lalo na yung mga ganitong kasakit sa ulo.

Sana wala lang sa kanila dito yun. Gusto ko magtapos ng february dito.

Saturday, January 8, 2011

Money

This planet has - or rather had - a problem, which was this:  most of the people living on it were unhappy for pretty much of the time.  Many solutions were suggested for this problem, but most of these were largely concerned with the movements of small green pieces of paper, which is odd because on the whole it wasn't the small green pieces of paper that were unhappy.  ~Douglas Adams

Sunday, January 2, 2011

Old Lang Sign

"Cheers to a new year and another chance to get it right" - Ophrah Winfrey

Bagong taon na ulit. Kung kailan sanay na ako magsulat ng 2010 sa date pag nagfi-fill up ng form, ngayon naman 2011 naman ang kailangan pagsanayan.

Di na ako sanay magblog... mahahaba ang pagitan ng mga nakaraang post. nakalimutan ko na rin magsulat ng mga ganito. sayang kung iisipin, andami ko pa naman kwento. napanis na sila... masyado nang huli para ikwento. nakalimutan ko na yung mga gusto ko dapat sabihin nung nangyayari. blah blah blah.

So itry natin ulit. Siguro natamad lang ako magblog dahil masyado ko sine-censor ang sarili ko. marami akong gusto sabihin pero baka makita ng nakakakilala sa akin. gusto ko magpalit ng pseudonym pero masyado naman ako naattach sa ninong. Ewan ko ba. Di na ako makaisip ng bago.

Kaya medyo pagpasensyahan nyo na. nangangapa ulit ako. Simulan natin sa angst...

Hmmm. Nakita ko mga picture ni little-goth. Oo tinitingnan ko pa rin ang profile nya from time to time. Pag naalala ko. Tumaba na sya. Pero maganda pa rin naman. Siguro yun ang naimagine ko nung sinabi nya dati na tumaba na sya nung hindi pa kami nagkikita ulit after 7 years. In a relationship na pala yun ulit. Di ko kilala kung sino. Ewan ko. Yung nahinuha ko e improvement naman kumpara dun sa dati nya.

Di sila masyadong vocal sa facebook. di katulad ng ibang kilala ko dun sa fb. parang kulang na lang sa mga yun ibroadcast nila sa tv na nagmamahalan sila. para akong bitter no. pero minsan kasi excessive naman sila masyado. Minsan nakakasawa rin makita sa wall mo kung gano nila kamahal ang isa't isa. Siguro pag sobra ka inlababo e gusto mo lang ipagkalat sa iba. Di ko alam. Di ko pa natry...

Mabuti na rin siguro na hindi ako nakaattend sa kasiyahan nung december. Ewan ko, baka awkward pa rin kung nagkita kami. Di ko alam. Di natin masasabi. Minsan dinadalaw ko pa rin profile kahit na nakahide yung mga status nya sa wall ko. Nabura ko rin pala sa ym. Ayoko na dun e. Kaso sayang, gusto ko rin makita mga dati kong kaklase. baka meron dun pwede. hehe.

nakausap ko pala si all-sweet nung isang araw. sa phone. long distance. mga 1 hour din. pero halos ako lang nagkwento kwento nun. ang daldal ko nga daw e. marami pa rin pala ako kwento. hmmm.... dami ko rin nasabi hinahabol ko nga yung hininga ko. siguro nakwentuhan ko sya ng ganun nung nagpupunta pa kami sa 4th floor ng SM pagkatapos ng cwts. bago nagka-rift. bago nawala. in a relationhip na rin pala yun. at mukhang ok naman sila. ok naman ako. yun lang yung hinanap ko nawala. ok na ako kung hanggang dun na lang.

hehe. bagong taon na pero puro past ang pinagkwkwento ko. tama na yun.

new year and another chance to get it right.