" There was a time, that i just thought
That i would lose my mind
You came along and then the sun did shine
We started on our way
I do recall that every moment spent
was wasted time but then i chose to lay it on the line
I put the past away
I put the past away
I put the past away" - All My Life (America)
Nung una, wala akong maisip ilagay dito sa blog, kaya nagpost ako ng literary…mga kalat-kalat na phrase un na ginawa ko nung nagsimula ako magsulat, pinagsama-sama ko at un, naging tula rin.
Matagal-tagal rin akong nanahimik…wala kasing internet sa bahay. May internet nga sa office ng pabrika pero hanggang ala-sais lang…nakapassword pa ung pc kaya hindi ko maa-access…damot kasi nun e…tsk tsk..magtataka ka kasi hindi naman un sa kanya…
Pero nung December 29, dapat talaga magpopost ako sa blog dahil importante ung nangyari… another heartbreak before the year was over, another heartbreak I’ve prepared for ever since I found her again, but it still hurt just the same.
Pero sa kasamaang palad, hindi ako nakapagblog…kaya un, kung ano man ang ipost ko ngaun, mahina na ung effect…hindi na ganun ka-maramdamin…hahaha. Masama pa naman ako pag nasasaktan, first impulse ko kasi kapag ganun ay gumanti…madalas sa sulat…pero kapag ganun naman totoo ang sinasabi ko… un nga lang…para sa iba, masakit ang katotohanan…at mahirap para sa kanila na tanggapin kapag ipinamukha mo ang katotohanan sa kanila. Kasi, sa totoo lang, alam na nila un e. ayaw lang nilang aminin.
Pero sa palagay ko may mas mabuting paraan para sabihin ang mga bagay-bagay…at ang marahas at tahasang pagbalewala sa mararamdaman ng makakarinig o makakabasa ay makakasira at makakalamat sa isang ugnayan. Ganun kalalim yun.
Dahil isa akong topakin na tao…minsan malakas din ako magtrip…kaya nung mga madaling-araw na puyat ako, December 25-28, nambulabog ako sa mga taong nasa phonebuk ng cel ko…mga 4:00 ng umaga, nagmimiscol ako sa karamihan sa kanila…
at syempre, dahil hindi sya nagrereply sa akin since nung birthday nya last October 31…binulabog ko sya ng mas madalas…dahil kapag napupuyat ako…sya lang madalas ang naiisip ko…dahil ganun naman un…kapag walang naiisip ang utak, ung laman ng puso ang naiisip… (naks. Hehe.)
pero sadyang manhid ang may-ari ng cel na un…ni ha ni ho, walang nireply… walang load? Maraming paraan… bakit dati kapag wala xang load, nkakatext pa rin xa…isa lang ibig sabihin nun e…kahit ayaw ko lang tanggapin…ayaw na nya talaga…
at dahil hindi xa nagrereply, lalo ko xang kinukulit…dahil naiinis ako…kapag naiinis ako gusto naiinis din xa…para pareho kami…tutal malabo na naman, gawin na nating malinaw…
at nung December 29, naging malinaw nga. Siguro umaga sya nagtext, pero nung hapon ko lang nakita kasi nakalimutan kong may celphone nga pala ako…at un, bumungad ang number nya…0921346689?.
Ang laman ng text? Hindi ko naisulat…dahil parang nakuryente ako nung nabasa ko yun, kaya napindot ko kaagad ung erase message…pahapyaw lang ang nabasa ko…at parang ganito yun…
“ANO KA BA? DAHIL SA MGA PINAGGAGAGAWA MO, NASISIRA ANG CEL KO. KAHIT ANONG GAWIN MO, WALA NANG MAGBABAGO…HINDI NA KITA MAHAL…BLAH..BLAH…”
Nabigla ako…para kasing hindi sya ganun…hanggang ngaun hindi pa rin ako naniniwala na sya nga mismo ang nagtext nun…masyado kasing brutal…pero palagay ko, un pa rin ang nararamdaman nya.
Alam nyo kung ano ang nireply ko?
Helo po. Magandang hapon… pasensya na ha, nabura ko kasi yung message mo kaagad, pwedeng pakiulit, para maisulat ko…salamat. Hehe.
Haay…sayang lang ang limang taon…I guess she was never worth it… =(
No comments:
Post a Comment