Tuesday, January 31, 2006

Gamot...Reseta at iba pa

Nobody knows who i really am
I never felt this empty before
and if i ever need someone to come along
who's gonna comfort me and make me strong? - Life is Like a Boat (Bleach)


gusto man magblog nitong mga nakaraang araw...di ko nagawa... medyo busy e... kapag gusto ko magblog...maraming gumagamit ng pc dito...malapit na kasi yung paglabas nung issue...

saka di ako komportable kapag may nagbabasa ng tina-type ko...parang nakakahiya ang dating... iba pa rin kapag nakapost na ung binabasa nila...at least kahit ano sabihin nila, hindi na makakaapekto sa tinatype ko.

nakakalungkot ung mga results ng quizzes ko ngayong term...mababababa kasi. alam ko medyo kasalanan ko rin...hindi kasi ako nag-aaral... pero sa totoo lang, hindi ko naman talaga talent yun. nung naghagis ng kasipagan sa mga tao, nadapa ako sa pila... konti lang tuloy ang nakuha ko...

nakakatamad mag-aral...medyo minsan nga sumasagi sa isipan ko, pano kaya pag grumaduate na ako? san na ako pupulutin? pero hindi sapat ang pag-iisip nun para sipagin ako...

ano bang magandang gawin kapag gusto mo mag-aral pero tinatamad ka? may gamot ba dun? parang pampagana sa pagkain?

ha? lovelife? di ba minsan mas pampagulo pa un?

inspiration? ngek. nag-expire na e...di na pwede, tama na, baka malason na ako...gusto na nga isuka ng katawan ko, bakit ko pa ipagpipilitan...

baka naman may kilala kayong gamot diyan, bigyan nyo naman ako ng reseta...

nakakapagtaka lang, bakit ganun, mapapansin mo, konting pagkakamali lang ang naglalayo sa'yo sa ibang tao...sabi nga ni sir pokemon sa numericals...

"magkamali ka lang ng isang pindot sa calcu...kumbaga sa DOTA... KILL! (with matching sound effects at pagbaba pa ng boses)"

dapat pasado ako sa test ng micro e...ung tatlong number na nasasgutan ko ng mali, 30 pts na kaagad? dahil dun sa tatlong tanong na un, bumagsak ako? di ba daya...kung tutuusin, nag-aral ako dun ah...haay... saka bakit pag may nagawang anomalya ung isang tao sa akin....lalo silang sinuswerte...ang saya naman nila...hahaha.

oh well, minsan masaya din naman ako...at kung tutuusin (ulit)...mas masaya ako dito.

Monday, January 16, 2006

Dear Control Systems (ECE 562)

if only my mind could reach the stars
i would understand
but my mind is stuck on earth
and my thoughts are bound like my feet - ninong

masakit ang ulo ko nang dahil sa'yo...pero saka ko na itutuloy dahil marami pa akong gagawin dito

Saturday, January 14, 2006

Tardy Me

I find it hard to believe
That all the pain that we are feeling
Has some meaning in this world
Its so hard to believe
That everything you see is different
From the things that you’ve been told

I wanted life to be this way
Just a little bit of love could mean so much
O please don’t take it all away
But with you heaven is still close enough to touch

Because your love is still the only thing
That matters in this world
The only thing I can believe... –Hard to Believe, Eraserheads


Kahapon, tinanghali ako ng gising (as usual)…mga 9:50 siguro…may klase ako ng 12:00…late na ako sa lagay na un kasi at least one hour mula sa amin hanggang Mapua. Tapos maglalakad pa ako…nakakainis…bakit hindi na lang nila nilagay ang Intramuros sa tabi ng city hall…bakit di nila ginawan ng ruta ang mga fx papuntang Mapua. Kailangan ko pa tuloy lakarin…hassle naman tumakbo…tsk tsk.

Ang nakakainis pa, kapag lalo kang nagmamadali, lalong bumibilis ang oras…bakit pag mabagal ako maglakad 10 minutes mula kabilang kalsada hanggang Mapua. pero kahit tumakbo ako 10 mins pa rin. Minsan nga 15 e…pag nagmamadali ako tila sumasabay din sa pagmamadali ang oras sa mga relo.

Ang pinakawish ko lang talaga kahapon, nawa’y mayroon akong teleport ability kagaya nung level 21 kong sorceress… kahit within my line of sight lang…ayos na un…o kaya marunong ako magflash-step tulad ni yoruichi at ichigo ayos na rin…para nakapasok kaagad ako sa klase…ayan tuloy, na-late ako…



This will be the last time na ma-lalate ka, Mr. Perez. Pati yung nakadilaw kanina…this will be the last time that you will be late ha…kundi…


Si ma’m talaga nagbanta pa… tsk tsk…tagaktak na nga ang pawis ko sa pagmamadali e…napagsabihan pa…

Monday, January 9, 2006

Half a Decade of Wasted Time

" There was a time, that i just thought
That i would lose my mind
You came along and then the sun did shine
We started on our way
I do recall that every moment spent
was wasted time but then i chose to lay it on the line
I put the past away
I put the past away
I put the past away" - All My Life (America)

Nung una, wala akong maisip ilagay dito sa blog, kaya nagpost ako ng literary…mga kalat-kalat na phrase un na ginawa ko nung nagsimula ako magsulat, pinagsama-sama ko at un, naging tula rin.

Matagal-tagal rin akong nanahimik…wala kasing internet sa bahay. May internet nga sa office ng pabrika pero hanggang ala-sais lang…nakapassword pa ung pc kaya hindi ko maa-access…damot kasi nun e…tsk tsk..magtataka ka kasi hindi naman un sa kanya…

Pero nung December 29, dapat talaga magpopost ako sa blog dahil importante ung nangyari… another heartbreak before the year was over, another heartbreak I’ve prepared for ever since I found her again, but it still hurt just the same.

Pero sa kasamaang palad, hindi ako nakapagblog…kaya un, kung ano man ang ipost ko ngaun, mahina na ung effect…hindi na ganun ka-maramdamin…hahaha. Masama pa naman ako pag nasasaktan, first impulse ko kasi kapag ganun ay gumanti…madalas sa sulat…pero kapag ganun naman totoo ang sinasabi ko… un nga lang…para sa iba, masakit ang katotohanan…at mahirap para sa kanila na tanggapin kapag ipinamukha mo ang katotohanan sa kanila. Kasi, sa totoo lang, alam na nila un e. ayaw lang nilang aminin.

Pero sa palagay ko may mas mabuting paraan para sabihin ang mga bagay-bagay…at ang marahas at tahasang pagbalewala sa mararamdaman ng makakarinig o makakabasa ay makakasira at makakalamat sa isang ugnayan. Ganun kalalim yun.

Dahil isa akong topakin na tao…minsan malakas din ako magtrip…kaya nung mga madaling-araw na puyat ako, December 25-28, nambulabog ako sa mga taong nasa phonebuk ng cel ko…mga 4:00 ng umaga, nagmimiscol ako sa karamihan sa kanila…

at syempre, dahil hindi sya nagrereply sa akin since nung birthday nya last October 31…binulabog ko sya ng mas madalas…dahil kapag napupuyat ako…sya lang madalas ang naiisip ko…dahil ganun naman un…kapag walang naiisip ang utak, ung laman ng puso ang naiisip… (naks. Hehe.)

pero sadyang manhid ang may-ari ng cel na un…ni ha ni ho, walang nireply… walang load? Maraming paraan… bakit dati kapag wala xang load, nkakatext pa rin xa…isa lang ibig sabihin nun e…kahit ayaw ko lang tanggapin…ayaw na nya talaga…

at dahil hindi xa nagrereply, lalo ko xang kinukulit…dahil naiinis ako…kapag naiinis ako gusto naiinis din xa…para pareho kami…tutal malabo na naman, gawin na nating malinaw…

at nung December 29, naging malinaw nga. Siguro umaga sya nagtext, pero nung hapon ko lang nakita kasi nakalimutan kong may celphone nga pala ako…at un, bumungad ang number nya…0921346689?.

Ang laman ng text? Hindi ko naisulat…dahil parang nakuryente ako nung nabasa ko yun, kaya napindot ko kaagad ung erase message…pahapyaw lang ang nabasa ko…at parang ganito yun…

“ANO KA BA? DAHIL SA MGA PINAGGAGAGAWA MO, NASISIRA ANG CEL KO. KAHIT ANONG GAWIN MO, WALA NANG MAGBABAGO…HINDI NA KITA MAHAL…BLAH..BLAH…”

Nabigla ako…para kasing hindi sya ganun…hanggang ngaun hindi pa rin ako naniniwala na sya nga mismo ang nagtext nun…masyado kasing brutal…pero palagay ko, un pa rin ang nararamdaman nya.

Alam nyo kung ano ang nireply ko?

Helo po. Magandang hapon… pasensya na ha, nabura ko kasi yung message mo kaagad, pwedeng pakiulit, para maisulat ko…salamat. Hehe.

Haay…sayang lang ang limang taon…I guess she was never worth it… =(

Thursday, January 5, 2006

The Road Taken

The Road Taken
The New Builder
Perez, Feddie Marc S.
Literary

Each morning I push myself up
and walk the road where you
are not among the people I meet

Yet I search for you in the crowd
despite knowing that our paths
might never cross again

I only wish that you were here with me
as I go along life’s unknown path
But you were a corner I left behind
and I just cannot go back

It pains me that I cannot correct past mistakes
I cannot right wrong turns
That nothing is changed by the poems I made
I still trudge this road alone

Yet tired as I am, I’ll still walk this road
To corners my feet have never touched
Who knows where its path might take me
The road taken might just lead me back