"If you want something you've never had, you must be willing to do something you've never done" - Thomas Jefferson
February pa rin naman at kahit pano aabot naman ako ng 1 post kada isang buwan. siguro naman improvement na rin yung maituturing, di ba?
Ok, so update muna tungkol sa trabaho. tingin ko kahit pano nakapag-adjust naman na ako sa pagiging pangkat pinuno. hindi ko siguro mapapansin yun kung di ko nakita yung mga lumang conversation namin nung manager ko, nung una nya pa lang inalok yung position. wala akong ka-alam alam kung ano ang gagawin. pano ba hahawak ng tao. pano ba magpa-meeting? pano magtraining? anong sasabihin ko sa kanila? pano ko sila sasawayin kung pasaway sila?
magiging middle management na ako. pwede nang makasama sa mga ayaw na tao ng isang empleyado. nakakatakot din isipin. pero bakit ko nga ba tinanggap? gusto ko na may magbago siguro. maiba naman. gusto ko ng mas mataas na sweldo. 6 buwan na ang nakakalipas at maraming naging problema at nagiging problema. may ilang beses din na gusto ko magquit na lang at maghanap ng ibang trabaho kasi sobrang demanding ng bagong role. di ko alam kung dahil lang ba yun sa company namin o talagang lahat ng kumpanya hassle ang trabaho. andito pa rin naman ako. kaya pa naman. may mga bagay lang na kailangan tanggapin: na kahit gano ka magsipag at gawin ang lahat, minsan di talaga katumbas ng effort mo ang nagiging resulta.
hmm. ok. so lovelife naman. Er.. alam naman ng lahat ng nagbabasa dito (kung may naiwan pa), mailap talaga ang pag-ibig kay ninong. Sa sobrang ilap, naging bahagi na ng pananaw ko na baka nga naman hindi para sa akin yung mga ganung bagay. Minalas lang ata sa mga ginusto at hindi nila naibalik, may mga kapalpakan na hindi na maitatama dahil wala namang restart level, wala namang save point na pwedeng balikan. mga mga boss lang talaga na hindi mo matatalo, may mga reward na di mo makukuha. ewan ko, nagsawa ba akong sumubok ulit.
mabuti na rin siguro na may pagka-loner ako. kaya wala namang kaso sa akin kung mag-isa akong kumakain, mag-isang namamasyal kung saan-saan. meron lang mga pagkakataon na gusto ko may kasama din. di naman siguro bawal yun. nakakasawa lang kasi minsan maging 3rd wheel o 5th wheel, pakiramdam ko chaperone ako, extra, out of place.
sa tagal na panahon nang wala, di ko na ata alam ang pakiramdam...
ngayon mukhang may pagkakataon...... ang tanong na lang e kung susubok na ba ako ulit. at kung pano.

No comments:
Post a Comment