Tuesday, January 1, 2013

Boom!

"Cheers to a new year and another chance to get it right."

Bagong taon na naman. Susubukan ko ulit ibalik ang blog ko. Tutal, di naman natuloy ang end of the world, life goes on, ika nga nila. Pinagsama-sama ko na naman ang hiwa-hiwalay kong post na nilipat-lipat ko ng blog at eto na ulit sila ngayon sa iisang blog. 8 years of blogging pero parang wala pa atang two years kung pagsasama-samahin ang mga buwan na aktibo pa akong nagsusulat (nagtatype) sa blog. Nakalimutan ko na rin siguro kung paano.

Karamihan ng mga kasabayan ko ay nawala na. Masyadong time-consuming ang blogging kung tutuusin. Pag nagsusulat ka at nababasa ng ibang tao, kung gusto mong balikan nila ang kwento mo, di naman laging basura ang ipapabasa mo sa kanila. O at least kung basura man dapat kahit pano natutuwa sila. Mahirap lang siguro din ituloy nung nagkaroon ako ng mga bagay na mahirap ikwento sa madla. At tumahimik si ninong... namatay ang blog.

Pinilit kong buhayin pero ewan ko ba, sadyang wala na lang ba talaga akong gana talaga at lagi lang din napupunta sa kawalan ang mga effort kong magbalik. Pero eto. Bagong taon, tamang tama para magsimula muli.



Ano na nga ba ang balita? Hmmm... kahit pano, kumikita na ako. Di pa mayaman (matagal pa ata yun) pero may steady income. Akalain mo yun, yung taong di alam ang mangyayari sa kanya pagka-graduate sa college ay nagtratrabaho na bilang isang pangkat pinuno ngayon. Nagpapanggap pa rin, oo. Pero nakalusot akalain mo. Sa IT rin ako bumagsak. Hindi sa journalism at hindi rin naman sa fine arts o pagiging bum. Nakatapos na rin ang kapatid ko at isa nang guro (bukod sa nurse). May pera na kahit paano ang wallet ko at nakakapagbigay na ako sa magulang ko. Yey.

May mga nabibili na rin akong gusto ko. Mga luho kung ituturing (mga di ko nabili nung bata ako), pero minsan gusto ko lang abusuhin ang sarili ko. Nakakasuya sa trabaho minsan, parang gusto mo lang gastusin yung nakuha mo makabawi ka lang. Nakukuha ko pa rin namang magpigil, dahil hindi naman ako naging ubos biyaya nakatunganga kahit kelan. Pero ang gastos ko ngayon tumataas din sa bawat dagdag ng sweldo.

Nandun pa rin ako sa aking first job. Hindi na nakaalis. Minsan pakiramdam ko naka-kadena ako. OA pero pakiramdam lang naman. Ilang beses kasing naudlot ang pag-alis ko. Buti na lang na-promote. Kung sinabi mo sa akin last year na magiging pangkat pinuno ako, tatawanan kita. Ganun ka-imposible yun last year, pero tingnan mo, nangyari nga. Nangangapa pa rin ako. Pero sino bang ayaw sa promotion?

Pero katulad ng dati di ko pa rin alam ang gagawin ko sa buhay. Marami pa rin palang ewan at di ko alam ang naiwan sa basket ko. Sa totoo lang, burnout na ako sa trabaho ko. Minsan naiisip ko ayaw ko na nun. Nakakasawa na. Gusto ko naman ng iba. Pero ano naman ang gagawin ko kung hindi yun? Sa dami ng bayarin di pwedeng wala akong trabaho, at di kakayanin ng entry level na sweldo ang gastos sa bahay.

Hmmm. Marami akong reklamo alam ko. Kahit anong makuha ko gusto ko pa rin ng iba. Ganun naman ata ang tao. Pero kung may gusto akong hilingin ngayong taon, pwede bang love life naman? Haha. Tagal na kasi. Marami na akong kakilalang nag-asawa, nanganak, nabuntis, etc., pero ako kahit girlfriend wala. Hanggang MU na ang pinakamalayo kong narating. Napupurnada (sinasabotahe?). Baka naman yun lang kulang... kaya kung ikaw yung magiging first girlfrend ko, aba dapat magpakita ka na. hehe.


3 comments:

  1. Hi Ninong! Sa wakas ay nag-post ka na uli! :-) Tama ka, nasaan na nga ba 'yung mga kasabay na bloggers? Nasaan na ang mga masipag mag-comment dati?

    Marami na ring nangyari sa akin (halimbawa, 4 na beses na akong nasipa sa trabaho. Loooong story.)

    Happy new year Ninong! :-)

    ReplyDelete
  2. uy andang, kamusta! long time no post din hehe... may blog ka pa ba? di ko na makita yung dati...

    ReplyDelete
  3. Eto: http://andangjuan.blogspot.com

    ReplyDelete