Monday, August 8, 2011

For it All Goes Back to One Pain

Inabot din ako ng 1 week bago magpost... Hmmm... inuna ko na lang kasi matulog may bakanteng space dun sa tulugan sa opis. Tapos nung friday naman umalis ako ng opis, umaga na ako nakabalik. haha. Shhh.... secret lang. wala naman dumating na trabaho e.

Nung thursday pala may nag-aya sa akin kumain. Dapat ata may kasabay o ano pero ang nangyari e kaming dalawa lang natuloy. Tinanong ko kung libre nya, aba pumayag. E di ayos. Huli kong kumain ata na babae ang kasama at dalawa lang kami ay... hmmm... walangjo, 1st year college pa.

Hmmm... walangjo. Bakit... siguro lahat nung mga sumunod na prospect ko, di na umabot sa ganun. ayaw ko na paabutin sa ganun. ayaw nila umabot sa ganun. kain lang naman. must have been 1 terrible 1st year college.

Anyway,










Wednesday, August 3, 2011

There and Back Again

"Beginning is easy - continuing hard" 
- Japanese Proverb

Hello. Eto na naman tayo. Magsisimula ulit.

Naka-ilang subok na din ako na umalis sa hiatus na naipataw sa blog na ito. Pero laging di natutuloy, madali nga talaga magsimula.... mahirap magpatuloy (tinagalog ko lang pala yung quote).

Madaming excuses: writer's block (feeling writer), madaming trabaho, walang trabaho, maraming ginagawa, walang magawa, masungit ang panahon, umaaraw, holiday, mataas ang dollar, inaantok, tinatamad... Nandun pa rin yung drive na magkwento pero bigla-bigla na lang nawalan ako ng gana i-blog... nawalan ng gana magtype... parang yung pagte-text lang... dati kulang na kulang ang 300 na load para sa isang buwan. Ngayon yung 300 na load umaabot sa expiry date (2 months?), tumatawag pa ako sa lagay na yun.

Siguro marami rin naging distraction, nauso (at nalaos?) yung mga micro-blogging: twitter, plurk, tumblr, blah blah... naging member pa nga ako sa ibang mga site na yan... pero kinuha ko lang yung domain na ninong... hehe. baka maunahan pa e parang yung ninong.com. pero nireserve ko lang talaga yun kumbaga, hindi naman talaga ako nagpost dun.

Syempre nauso rin ang facebook. Friendster pa pala ang uso nung masigasig pa ako mag-blog. Siguro sa Harvard pa lang ang facebook nun. 25 pesos pa lang ang pamasahe sa FX mula sa amin hanggang Lawton. Buhay pa si Cory Aquino. Bicutan pa ang dulo ng Skyway. wala pa akong trabaho o kahit OJT... natakot din ako na baka matagal akong maging unemployed pagka-graduate ko. siguro baka emo din ako nun.

Matagal na din... ano na nga ba ang mga bago kay ninong?

3.5 years na ako sa aking first job. Iniisip ko kung dapat na ba umalis o may career pa ako dito kelangan ko lang maging pasyente. Di ko pa naman kelangan magdesisyon, kasi next year pa ang laya ko.


Nakuha ko na ang karamihan ng nasa wishlist ko nung 2007 (isang malaking yey! woohoo!!!). Siguro dapat gawan ko ng post yun minsan kasama ng bago kong wishlist! hehe. Tama nga sila, pag nagkaroon ng sweldo, nagiging mahal din ang mga gusto. Pinakamagastos ko na rin ang taong 2011 at hindi pa tapos ang taon. 


May malayong lugar na akong narating bukod sa Pagudpud. Nakapunta ako ng Estados Unidos kapalit ng 1 taong kadena. Nakapunta na rin pala ako ng Puerto Galera. Siguro nakapunta pa sana ako sa ibang mga lugar kaso sabi nga ng friendster, "it's complicated".


Lumipat na rin pala kami ng bahay... nung last month lang. wala na po ako sa Parañaque mga kagalang-galang na stalker... nandito na po kami sa napaka ubod ng trapik na Las Pinas...

kung merong walang pagbabago... yan ay ang aking napaka-exciting na lablyf... mula aandap-andap patungong non-existent. sabi nga ni lala... "ano yan, singe-blessedness by choice?" hehe. eto pa rin ako, single and negotiable. ganun pa rin...kumakapa sa dilim, minsan naisip ko umalis na lang dito, kalimutan ang lahat, lumipad, lumayo...