Saturday, December 11, 2010

PBA Blogger's Choice: CHKSLG

Matagal tagal na rin akong hindi nagblo-blog kaya maswerte ang lahat ng nominado sa Philippine Blog Awards. Oo, maswerte kayo. Hindi nyo pa ako makakalaban. Pinagbigyan ko kayo at inyo na ang taon na to. Siguro next year di na ako magiging mabait. Kaya kailangan manalo na kayo ngayon.

Para sa taon na ito, ang iboboto ko para sa Blogger's Choice ay si super xienah ng CHIKSILOG. Bakit? E kasi gusto ko pa rin... manalo sya. Wahahaha. Kahit na naalala nya lang ako nung kailangan nya ng boto ko. Parang nung Project Lafftrip Laffapalooza. Kahapon nga lang sya nag-ym ulit. Samantalang lagi naman ako online. Tsk tsk. Tapos nagym lang dahil may kailangan. Kasakit. Haha. Nung huling usap namin sa ym sabi nya "teka. diyan ka lang",



September pa yun. aba, tapos december na nung bumalik at nagym ulit.

Grabe.

Akala ko pa naman nung nabasa ko yung entry nya nung isang araw e panalo na sya. Kaya di na ako bumoto. Hiatus nga ako e. Kaso ang lakas mangonsensya.

Kailangan nya pala ako. :P

Ano pa ba? Iboboto ko sya dahil kahit matagal akong nagpahinga (at nagpapahinga pa rin) sa blogging e lagi ko pa rin dinadalaw yung blog nya. Mula nung superhero pa syang inaapi sa parapnasia at nakaaway ang isang buong barangay, hanggang maging empermera sya at ngayon chiksilog na, nabasa ko ata lahat ng entry nya. Ata lang ah.

Iboboto ko sya kahit bihira sya magpost dun sa chiksilog. At mabagal ang site nya. At madalas syang bitter sa mga post nya. Haha. Iboboto ko sya dahil maayos sya magsulat, iilan na lang ang Tagalog magblog ngayon. Iilan na lang ang nagpapatawa nang hindi raw. Iilan na lang ang wala masyadong ads sa blog na blink ng blink, sakit sa mata. At iilan lang din ang mas deserving manalo ng award kaysa sa akin. Di sya yun. Hahaha.

Pero oy, pwera biro, sya dapat manalo ngayon.

2 comments:

  1. PAKYU KA PLESS!
    oo naaaaa
    naaalala ko na nung sinabi ko na
    teka ah diyan ka lang
    tapos ngayon lang ako ulit nangausap

    sorry na?
    :P

    online ka pala lagi
    bakit hindi ka nauuna magPM sa akin?

    saka madaling araw yata yun
    nung nakausap kita
    kaya natulog talaga ako
    inaantok ako

    bawi ko na siguro yun
    sa lahat ng araw
    na tinulugan mo rin ako
    :))

    magblog ka na kasi
    wala ka naman ginagawa!

    salamat sa boto
    sana wag mong isipin na nilapitan lang kita dahil may kailangan ako sa iyo

    pinupuntahan ko yung blog mo
    WALA NAMANG UPDATE
    nunangyare?








    .xG

    ReplyDelete
  2. PAKYU KA PLESS!
    oo naaaaa
    naaalala ko na nung sinabi ko na
    teka ah diyan ka lang
    tapos ngayon lang ako ulit nangausap

    sorry na?
    :P

    online ka pala lagi
    bakit hindi ka nauuna magPM sa akin?

    saka madaling araw yata yun
    nung nakausap kita
    kaya natulog talaga ako
    inaantok ako

    bawi ko na siguro yun
    sa lahat ng araw
    na tinulugan mo rin ako
    :))

    magblog ka na kasi
    wala ka naman ginagawa!

    salamat sa boto
    sana wag mong isipin na nilapitan lang kita dahil may kailangan ako sa iyo

    pinupuntahan ko yung blog mo
    WALA NAMANG UPDATE
    nunangyare?








    .xG

    ReplyDelete