Saturday, July 7, 2007

Reformat

“Ninong, utang na loob, mag-update ka naman.”
~Spam mail

“Ninong, I would not let the 7th Book be released if you will not update your blog within the week”
~J.K.R.

“Wala pa ring update kamo? Kaya pala tumataas ang mga bilihin.”
~tindera sa palengke ng Pangasinan

“Ni hindi man lang umattend sa MOA nung tuesday… para sa kanya pa naman sana yung event…”
~MOA event organizer


Kamusta?

Sabi ko babawi ako ng june. I may have spoken too soon. Kaya lumipas ang buong june na iisa lang ang post ko. Di man lahat kayo e interesado sa buhay ko, meron pa ring mangilan-ngilang patuloy na bumabalik, sumisilip kung anong bago. At patuloy na nadidisaappoint. Haha.

Toink.

Busy lang talaga. Maraming pinagkaabalahan. Hindi iilang beses na ginawa kong kama ang opisina at tinulugan ang mga vacant periods ko makabawi lang sa tulog. Sunod-sunod ang pasahan na hindi naman natutuloy o hindi mga proyektong di gumagana ng siyento porsyento. Mapapagod lang ako pag kinuwento ko ulit lahat ng pinagdaanan ko. Tapos na rin naman ang mga blogging moments na yun. Di ko na mauulit pa yung mga naisip ko at naramdaman. At dahil tapos na ang term…

REFORMAT NA.


Thermodynamics Files. SHIFT + DEL.

Database Management System Files. DEL

Operating Systems Files. DEL

COE Ethics Files. DEL

Install COE Practicum? CANCEL

Install Seminars/Field Trips? OK

Install OS Lab? REMIND ME LATER

Re-install Computer Networks? OK

Install Software Design v2.0 Update? OK.


Kaya natagalan bago ako nagpost e dahil gusto ko sana pagnagpost ako dito e may grade na lahat ng incomplete ko… pero kung hihintayin ko pa yun baka next month pa ako makagpost dahil sa ubod ng high-tech naming system. Hmmm… medyo tinamaan rin ako ulit ng katamaran nitong nakaraang araw. Di na rin masyadong nagbloghop. Nagpahinga sa blogosphere…

Hindi na ako masaya sa layout ko… Dapat nang magpalit.

7 comments:

  1. oo nga, noh? isang post lang ang nagawa mo nung june... kung ganun pala...

    pareho tayo! hahaha!

    ReplyDelete
  2. ninong! gusto ko ang mga maikling entry kasi ADHD ako... hindi ko natatapos basahin ang mga mahaba... hehe... nice ang huling entry... ^_^

    ReplyDelete
  3. asan ang reformat?
    parang awa mo na ninong.
    ninong!
    inuutusan kita magrelayout.
    NOW NA.

    else di ako magpapakwento.
    uuuy.
    haha.

    ReplyDelete
  4. Well what can you expect? Masikip schedule sa mga estudyante and the likes.

    I understand that...hopefully, the others do too. Even if you're not that busy, 90% of your link-pals are.

    So, adios. I'll be dropping by the next time you post. :)

    ReplyDelete
  5. asan ka ba ninong. di mo na ako dinadalaw eh heheh...

    ReplyDelete
  6. Natawa ako sa introduction. Haha. Galing.

    ReplyDelete