Sunday, April 29, 2007

Shooter's Bounce April




Yung gusto kong gawing post ay hindi pa napapanahon... sapagkat maaga pa. di pa hinog kumbaga. makakapaghintay pa yun ng ilang araw... para matamis. haha.


Tutal hindi ko naman kayo ka-iskulmates lahat e naisipan kong ibahagi na lamang ang aking column para sa April issue ng aming skulpaper na, ironically, sa May lalabas. Sa May pa lalabas dahil may mga salik na hindi maiiwasan lalo na't skulpaper lang kami at walang sariling pondo kung tutuusin...kaya minsan ay nagigipit naooverride upang maiwasan ang conflict.


Special offer ito dahil hindi pa narerelease ang dyaryo. Dito nyo lang unang makikita. Mauuna pa kayo sa iba. Ayun... Eto na.

__________________________


Immiscibility

“Democracy consists of choosing your dictators after they’ve told you what they think you want to hear.” –Alan Coren

Once again, crime rates are down in the whole country as Manny Pacquiao traded blows in a ring thousands of miles away from home. It seemed that for a while, people were glued to their seats watching delayed telecasts, some knowing what already happened at the eighth round while others still clueless to whether Pacquiao won or lost. Crime rates were down because people were too busy watching boxing to do anything else.

Oil and water do not really mix, but if you shake the mixture hard enough, they seem to do so for a while. To have such influence to unite a country divided by opposing political views is a feat often denied to most athletes. Athletes walk to their respective arenas bringing with them a sense of identity about where they came from, but only a few of them get noticed that much. If these athletes lost in their games, we will not even give them half a mind.

I remember Lito Sisnorio, who would have been another unknown athlete who lost if he did not die in Thailand. I remember a sports commentator saying that it’s time we realize that Pacquiao is not the only athlete in the Philippines, and start supporting other Filipino athletes who bear our country’s flag with every fight.

I think he is right. We need not wait for another athlete to die just to open our eyes to a problem that is staring right at our faces. We also need to realize that student athletes carry their school’s flag with them in every game as well. Our support to them is just as needed.

* * * * * * * *

I could never get used to the political advertisements that are currently frequenting our television airtimes. I could barely watch television, with school being as hectic as it usually is and the summer vacation barely fit to be called one because of its brevity, that it is torture to waste my time watching their gimmicks again and again. If I had to watch these political ads forever (knocks on wood), I will die of intense boredom and severe depression every single time, no matter how many lives you give me.

For me, most politicians look 80% more pretentious and 95% more foolish in those television commercials than they would have been, if they just placed posters and stickers on the walls. I wonder if those dance steps, dramatic confessions, obnoxious jingles, loathsome catchphrases and obviously impossible promises ever convince anyone that they are better politicians or that they should be voted for in the upcoming elections. If they were endorsing products and not themselves, I will never buy any of the products they were endorsing, thank you very much.

All I have noticed with these commercials is that these politicians have a lot of money. A television commercial is not cheap; one primetime TV commercial costs enough money to pay for one Mapuan’s tuition for not less than three years.

Someday, if I ever get rich enough, I’ll buy myself a television network or even establish one. I think I’ll get richer either way without even needing to become a politician. Such is the predicament our country faces. To win an election, a politician does not need to be competent, he needs to be famous. If he is not a famous person, he needs a lot of money to make himself one.

* * * * * * *

Do not get me wrong, I am not against all politicians who are famous or who have a lot of money, considering that some of them can turn out to be good politicians, if they only so desired. I just believe that fame and money should neither be prerequisites to competence nor be prerequisites in order to become public servants.

I believe Manny Pacquiao is a great athlete. I can even say that he is undeniably one of our best athletes today. But being a good athlete does not really make one a good congressman, because like oil and water, sports and politics generally do not mix. Sports and politics exhibit immiscibility. I am not underestimating Pacquiao’s abilities but I am questioning his reasons.

If he really wants to help people, he can do so without the need to become a congressman. If he really wants to become a politician, he needs experience. He should have run for a lower office first. You cannot just decide to become a congressman without really understanding what you will do once you get elected. Sure, anyone can learn, but it will be better for all of us if the candidates already know beforehand what they will do in their respected positions once they win.

We may not be able to dissuade the candidates but we can decide who gets to be elected. We can choose our own officials. In the coming elections, let us evaluate these candidates and make sure that they are fit for their positions. We should not vote for people who run because they can win, but instead vote for people who run because they can do something once they win. Please. We already have enough incompetent politicians to last us a lifetime.

* * * * * * *

The Mapúa Track and Field team has won another championship trophy this year. It is our fifth trophy in seven years and our 26th trophy in the seniors division since 1953. We are still the team to beat in the Track and Field scene. Sure, we let other schools have the trophy once in a while, but we always make sure we take it back away from them.

Congratulations to our athletes who did a great job and made us proud again. Applause should also be given to the Athletics Department, especially to Tracksters head coach Joseph Sy for honing our athletes to be at their best during the competitions. Hopefully, all our athletes will receive the support they need and the just compensation that they rightly deserve.

_______

For comments, suggestions, reactions and the like, you can email me at feddie_perez@yahoo.com. Vote responsibly. You owe our country that much.

Tuesday, April 24, 2007

Name Tags

“The time you enjoy wasting is never wasted time.”
~John Lennon

Natapos na ang unang linggo ng 4th term sa Mapúa at tama ako… wala nang mas boring at mas frustrating pa kaysa sa pagpasok sa eskwelahan habang ang iba’y nasa bakasyon. Naiisip ko pa lang e nasisira na ang araw ko. Hahaha.

Andaming dapat gawin pero andami ring mas masarap gawin kaysa sa paggawa ng dapat gawin. Mas masayang mag-ubos ng oras…

Buti na lang at tapos na ako sa layout. Natapos rin.
_______________________

Hindi pa rin ako nakakapag-adjust sa schedule kong ubod ng ganda. Ibig sabihin nakakatidlip pa rin ako sa klase ng hindi sinasadya. Pumapasok pa rin akong tila lasing kapag MWF dahil sa gaan ng ulo kong lumulutang sa kaantukan. Parang hotel ko na naman ang opisina dahil nagsisiesta rin ako dun pag di ko na talaga kaya. Kung makakalakad lang akong nakapikit at tulog ay ginawa ko na. Sayang at di pa ganun ka-advance ang auto-pilot ko. Di pa nya kayang i-handle ang astral projections. Haha.

Karamihan sa mga klase ko ngayon ay napaka-depopulated. Sa tatlong klase ko hindi lumampas ang bilang namin sa sampu. Lalong tuloy nakakabagot dahil konti na nga kayo, yung mga prof ko pa dun ay hindi mapahaba ang napakaikli kong attention span.

Siguro may ADHD ako o kaya madali lang talaga madistract, dahil kapag lecture, 5 minutes ko lang silang naririnig pagkatapos static na sila. zzzz zzzz zzzzz zzzz zzzz zzzz. Masyadong malakas ang interference at hindi ko na masagap ang mga signals na pinapadala nila. Wala na akong madecode.

Gustong-gusto ko na sana i-maximize ang aking 6 allowable absences per lecture. Lalo na sa Database class kong 7:30-9:00 am (MWF). Napakaaga kasi ng klase e. Itutulog ko na lang sa bahay, itutulog ko pa sa classroom! Tsk tsk.

Pero kasi sayang e. Baka biglang kailanganin ko sa mas importanteng dahilan. Kaya hanggang kaya, tiis muna sa Tagalog translation class. Sabi nga ni tessa e tinatagalog lang daw ni ma’m kasi yung nakasulat. Pero in fairness, nagtuturo na sya ngayon.

Last term kasi sya rin prof ko sa Java, kwentuhan blues lang kaming magkakaklase. Nakaupo si ma’m at gumagawa ng hindi mabuo buong example ng java programming. Kami namang limang magkakaklase ay nagkwekwentuhan ng Naruto, Bleach, Design 2, latest technologies at mga latest chismis sa skul. O_o

Buti na lang at minsan mabilis naman ang oras. Lalo na kung may iba kang ginagawa tulad ng pagtetext o kaya ay pagdrodrowing.

Hindi talaga ako ipinanganak para makinig sa mga lectures. Hirap na hirap ako. Sobrang effort. Nakakaubos ng enerhiya ang konsentrasyon. Siguro may kinalaman sa prof. Pinaka-“matino” ko nang prof e yung prof ko sa COE Ethics. Mas naiiintindihan ko pa sya kaysa dun sa mga prof kong parang gumagamit ng ibang lenggwahe.
___________________

Pagkatapos ng humigit-kumulang walo o siyam na taon, tila nagbalik akong elementary. Pano kasi si Ethics prof, pinagdala kami ng name tags

Naalala ko tuloy nung bata pa ako… parang ID ang nametag, hindi pwedeng kalimutan. Pag nakalimutan mo wala kang Kerokeroppi o kaya Star na stamps sa kanang kamay.

Sino ba ang unang nakaisip na magnametag ang mga estudyante?

Andami ko na ring naging nametag. Sayang at di ako palatago nito. Kasi laging nawawala. Nakakatuwa nga yung mga nametag namin noon. Pagandahan. Parang napakaexcited ng ibang mga magulang (o guardian) na gawan ng mga nametag ang mga chikiting nila. Marami ring walang pake.

May mga nametag na kompleto sa impormasyon. Buong pangalan, section, adviser. May Telephone number pa sa likod. Meron ako nito nung Grade 1. Printed pa yung akin galing sa dot matrix printer sa opisina ng nanay ko. Nakadikit sa cardboard (o kaya folder) tapos may plastic cover pa. Overkill.

May mga nametag naman na di lang mga pangalan at teacher ang nakalagay. May picture pang kasabay. Tsk tsk. Minsan 1X1, meron pang mga mahiyain na 2X2 ang pic size. Required sa amin nung prep na may picture ang nametag sa di ko na maalalang kadahilanan. Baka kasi siguro magpalitan kaming magkaklase ng nametag at malito ang aming guro. Yung nilagay dun sa nametag ko e yung picture ko rin sa ID.

Naalala ko na kahit mga bata pa lang e uso na ang customization. Pagkatapos ng mga tatlong araw, naiisip na ng mga mag-aaral nag awing “kanila” ang mga nametag nila. Ang nametag ay hindi lang iyo dahil may pangalan mo ito, dapat kahit pano ay nirereflect rin daw nito ang iyong pagkatao at personalidad. Hehe.

May mga nametag na may stickers lalo na kapag babae ang may-ari. Mga stars, bulaklak, cartoon characters. Normal na si Tweety Bird at si Beauty. Pag lalaki, uso sa nametags ang mga vandals. Lalo na yung likod ng nametag. May mga drowing ng kung ano ano sa likod. O kaya nilalagyan ng design yung lettering. Ina-underline o kaya pinipentel pen, minsan hina-highlighter. O kaya may mga sticker ng Streetfighter at Dragonball.

Mga mga nametag na nickname lang ang nakalagay. Ako, ganun ang nametag ko pag naiwan ko ang akin sa bahay. Improvised lang kasi, sa classroom lang ginawa. Pag desperado (may plus points na nakasalalay), gugupitin ko yung “karton” na nasa likod ng mga pad paper at ipepentel pen ko ang pangalan ko. Pupunitin at bubutasin ko sa pamamagitan ng lapis at ididikit ko kasabay ng ID. O kaya hahanap ako ng scotch tape na nakadikit sa notebook at yun ang gagamitin ko para dumikit sa ID ang nametag ko.

Mga two to three weeks lang ang life span ng isang nametag. Pagkatapos nito, malamang nawala na ang nametag mo o kaya ay hindi mo na ito kailangan. Ako, basta pag hindi na sinita ng guro ang mga walang nametag ay wala na rin akong nametag. Adik ka na kung naka-name tag ka pa pagkatapos ng isang buwan. Kahit siguro mga mag-aaral sa kabilang section makikilala ka na kasi ikaw na lang ang meron.

Ano hitsura ng mga naging nametag nyo?
__________________________

Pumasok ako sa ethics dala dala ang mainit-init ko pang nametag. Kakagawa ko lang kasi sa opisina (perks ang printing) kaya bagong luto, ika nga. Nakita ko ang mga kaklase kong may mga nametag rin. Nagmukha kaming elementary. Yung isa kong kaklase pang empleyado ang nametag. HI, I’M (insert name here), how can I help you?

Sana may remote control akong tulad sa pelikulang CLICK. Panonoorin ko ang buhay ko.

Friday, April 20, 2007

Alay Lakad at Unang Araw

“I am a slow walker, but I never walk backwards.”
~Abraham Lincoln

“I never let my schooling interfere with my education”
~Mark Twain

Pasukan na naman sa Mapua.

Gumising na naman ako nung Lunes ng umaga at pagkamulat ng aking mga mata ay sinumpa ko (sa tila ika-isangdaang pagkakataon) ang quarterm ng Mapua. Imbis na naghihilik pa dapat ang aking puwit sa kama, dahil nga bakasyon ng karamihan sa mga estudyante, ayun bumangon na ako ng alas singko para matulog ulit, kumain ng almusal, magbihis, mag-ayos ng gamit, at pumasok ng paaralan.

Sumakay ako sa escort na paalis ng pabrika para makatipid ng P30.. na pamasahe. Nakatira ako sa pabrika. Pinapatira kami dun nung may-ari. Mahabang istorya. Basta may escort para dun sa isa pang may-ari (yung kapatid). Intsik kasi yun. Takot na makidnap ulit. Sinusundo yun ng escort sa Binondo.

Muntik pa akong maiwan dahil di naman nila alam na sasabay ako. Matagal na rin kasi akong panghapon. Kasabay ko ang dalawang bodyguard at dalawa pang trabahador habang papunta ng maynila. Parang ako na rin ang binabantayan nila. Haha.

Isa lang naman ang topic nila nung umaga na yun. Ano pa nga ba, e di si Money este Manny Pacquiao at ang kanyang pagkapanalo… si Bryan Viloria at ang kanyang “pagkabano”, na kamo e mag-retire na lang siya at wag na raw nya ipahiya ang mga boksingerong Pilipino dahil hindi man lang siya talaga lumaban, nagtatatakbo lang siya sa ring. Usapang pulitika, eleksyon at kung ano-ano pang balita na nagmumula kay Joe Taruc rinig mula sa AM radio ng Isuzu Fuego na sinasakyan namin.

Dahil hindi sila dumadaan ng T.M. Kalaw kailangan kong bumababa sa Luneta dahil sa Binondo pa sila tutuloy. Balik first year na naman ako. Lalakarin ko na naman mula Luneta hanggang paaralan. Bukod sa exercise, di kasi praktikal magdyip. Dahil ang distansya ng Luneta sa Mapúa ay malayo kung lalakarin pero napakalapit para sumakay ng dyip. Kumakanta na lang ako habang naglalakad para hindi nakakapagod.

Hindi ako pumasok sa Luneta. Medyo naiilang kasi ako. May stalker ako dun nung 2nd year ako. Bading ata yun. Ahaha. Tae, nakasabay ko lang yun isang araw tapos kinausap ako, hindi naman siya mukhang bading. Pero ewan ko. Kasi nung kinabukasan ng araw na yun, aba nakasabay ko ulit. Tapos paglabas ko ng Luneta (patawid ng Padre Burgos) e iikot sya at sasakay ata ng dyip. Parang hinihintay lang nya ako kada umaga para sumasabay lang sa akin.

Di naman talaga ako paranoid masyado. Pero anak ng baka, pagdating ng ikatlong araw, nakasalubong ko ulit sa Luneta. At nakaupo lang sya sa isang upuan dun, pagdating ko e tumayo at sinabayan na naman ako. Tapos hiningi ang number ko. Lintik na. Binigyan ko ng false number. Kasi naiilang talaga ako. Bakit naman nya tatanungin di ba? Weird.

Tapos di ako dumaan ng Luneta. Dumaan ulit ako dun after one week, walangjo, nakita ko syang nakaupo pa rin dun. Ano yun, inaraw-araw? At sabi nya e bakit di na raw ako nadaan dun. Stalker?! Kulang na lang ipakita nya sa akin ang log book nya kung nasaan nandun ang schedule ko ng pagdaan sa Luneta. Kamusta na raw ba ako. Blah blah blah. At di raw ako nagrereply. Sheesh. Sabi ko nawala kasi sim card ko e. Ahahaha

Di na ako dumaan ng Luneta ng tatlong buwan.

________________________

Anyway, nilakad ko ang kahabaan ng Padre Burgos. Malinis na ang sidewalk. Noon, kapag dumadaan ako dun mapanghi, lalo na dun malapit sa may MMDA, yung malapit sa Planetarium. At marami talagang mga natutulog sa mga waiting shed. Mga naka-bag. Mga bata, matanda. Ngayon, wala na sila.

Dun naman sa may golf course may mga tao rin dati, mga mag-asawa, mga baby at bata, natutulog sa mga karton. Dumudumi sa tabi ng mga puno. Walangjo. Muntik pa akong makaapak ng tae dati. Tae talaga. Ngayon malinis na. Puro mga metro aid o Pulis Oyster (kung ano man yun), tindero ng ang nakita ko.

Dahil nga bakasyon walang estudyante sa PLM. Dati, kapag naglalakad ako may matyetyempuhan kang mga babaeng taga-PLM na malamig sa mata, paminsan-minsan. Ayos naman. Refreshing. Ahahaha. Gumaganda ang umaga kapag ganun. Hahaha.

Pumasok ako sa Intramuros at nakarating sa paaralan ng 6:38 am. 7:30 pa ang klase ko. Maaga ako. Pero ok lang, nakatipid naman ako ng P30. Marami nang tao. Pumunta ng opisina at naasar dahil kung nag-UNIX lang ako noon at gumastos ng P9000.00 e six units na lang ako dapat. Di ko na kailangang pasukan ang 7:30 class ko. Sayang at di nakukuha ang mga bagay dahil sa gusto mo lang...

Tatlo lang ang klase ko pero aabutin ako ng 11 oras sa paaralan. Dahil anim na oras mahigit ang bakante ko kapag tinotal. Bulok kasi mga available na sections. Haay...

schedule ko ngayong term, parang binaril ng shotgun

Dumating ang 7:30 at pagpasok ko sa klase e nagpasalamat ako sa aking prof. Dahil passable sya. Ang problema ko lang e super boring sya magturo. Reading class ang nangyayari dahil madalas binabasa nya lang din ang nakasulat.

Naglay-out akong muli sa opisina pagkatapos ng klase. Sa init ng panahon e wala naman akong ibang pupuntahan. Matagal na akong walang barkadang maituturing bukod sa mga kasamahan sa dyaryo. Isa ako sa mga nakasira dun sa dati kong "barkada". Dahil sa mga pasaway sila at inaabuso nila ang kabaitan ko. Tsk tsk. Kaya yun. Mas pinipili ko na lang tumambay sa opisina. Naglay-out ng dyaryo. Siguradong ako na naman ang isa sa mga pinakavisible na tao sa opisina ngayong term na ito…

Dumating ang 10:30. Di ako pumasok ng klase. 10:45 na nung naalala ko ang 1030 class ko. At pagdating ko sa room ko (na room ko rin last term) e nakita ko na naman yung prof ko last term. Yung prof na nagbagsak sa akin ang prof ko uli. Isa na namang déjà vu. Di ko alam kung dapat kong ikatuwa yun pero di ako pumasok dahil late at baka pagtripan pa ako. Naalala ko nung first day namin last term e wala naman kaming ginawang matino, kaya hindi rin ako nawalan.

Mabuti na lang at merong blowout sa office. Meron din sa org (MICRO) kaya libre ang tanghalian pati na rin meryenda ko. Pumasok ako ng 4:30 at napansing mahihirapan ako sa OS Lecture ko ngayong term. Dapat talaga nag-unix na ako nun kahit mahal. Sitting pogi na sana ako. >_<

Napansin ko sa notice ng faculty namin na parang lilimang tao lang mula sa batch namin ang eligible for GC class. Tapos hindi pa nag-ojt ang isa. Tsk tsk. Yan ang sumpa ng quarterm. Mga halimaw lang ang gagraduate sa oras. E wala pa ngang 1% ata ng COE batch 2003 yun e. Walangjo talaga. Paano naging effective?

Nakakatamad pa rin ang mga klase ko. At recycled na ang mga kaklase ko. Kami kami na lang ang nagkikita. Kami-kami na lang din ang natira. Mga nagpupumilit maging halimaw kahit class A na lang at hindi na class S.

Napakalapit ko na pala talagang grumaduate. So near yet so far.

May gusto pa sana ako ikwento. Pero dahil masyado nang mahaba ang kwento(tinatamad pa ako nyan) e sa susunod na lang. Ewan ko ba kung ano ang nakain ko at pagkahahaba ng mga nakaraang entry... tsk tsk.

Thursday, April 12, 2007

Hello World 2

Time to relax
Time to go slow
Maupo ka na lang
At panoorin ang mundo

Kalimutan muna natin ang trabaho
Masisira na ang ating ulo
Kailan ka ba naman huling tumambay
Patapusin ang walang hanggang paghihintay

~Parokya ni Edgar, Swimming Beach

Una sa lahat e gusto ko lang sabihing natutuwa ako. Natutuwa dahil sa stats ng mga dumadalaw dito. Maniwala ka sa hindi, hindi lang ako yan. Haha. At kahit na sabihin mong 50% ng bilang na yan ay ako, napakarami pa rin kung ikukumpara noon. Halos isang taon ang hinintay ni Murmurs bago dumating ang bilang sa 1000 naligaw.

Ngayon, wala pang dalawang buwan e nasa 3300+ na beses na akong nakauto nakapag-inspire. Hahaha. At ang nakakatuwa e dumadami pa sila. Hehe. Umuulit pa rin. Salamat. Weee...

Patapos na naman ang aming bakasyon. Napakabilis ng tatlong linggo. Kulang na kulang. Ewan ko sa mga taong bored sa mga bahay nila pero ako sana ayoko pa magpasukan e. Ayaw ko pa. Patigilin nyo ang oras parang awa nyo na.

Itutuloy ko na yung dagat episode…
__________________________

Maagang gumising ang lahat. May mga pinsan nga ako na hindi na natulog. Ang mga chikiting talaga, sobrang excited kapag may lakad. Mas nauna pa silang nagising sa amin. Naaalala ko, nung bata pa ako, kahit kumain ng almusal di ko magawa kapag may field trip.

230 am pa lang e ang ingay na ng angkan Perez. May mga may dalang kaldero, bag, damit, softdrinks, karne, chichirya, candy, spaghetti, kanin, ihawan, sandok, baso, plastic, mga tuwalya, salbabida, goggles…lahat na. Aakalain mong di na kami uuwi. Haha.

Hindi na naman sumama si lolo. Kahit nung isang taon hindi sumama yun. Ewan ko ba dun. KJ ba sya o natatakot lang syang mawala yung bahay namin. Baka gumulong kasi sa kawalan, lamunin ng gubat, tirahan ng mumu. Ewan ko, nagpaiwan rin yung isang tito ko. Yun e KJ talaga, tiyak ko.

Mayaman ang isa kong tito kung tutuusin. May business sila na coco lumber. May Pajero pa. May 6 wheeler truck para sa mga coco lumber. Dun kami sumakay sa truck. Kung makikita mo kami, aakalain mong evacuation ang nagaganap. Maraming bata, dala-dala ang kanilang mga damit, kasama ng tita ko. Haha. Yung iba e sa pajero napunta. Waw.

Maliwanag ang buwan. Walang ulap, wala rin masyadong bituin. Tatay ko ang drayber ng truck. Tatlo sila sa harap kasama ang nanay at tita ko. Tapos yung wala sa pajero ay nasa likod, kasama ako. Ilan kami? 20? 25?

37 lang naman.

Hindi ko alam kung pano kami nagkasya dun (may mga gamit pa) pero naalala ko ulit ang feeling ng mga sardinas sa lata. Kawawa naman sila. Ang masakit, may walong alien pa kaming kasabay! Alien sila dahil hindi naman namin sila kamag-anak. At hindi sila imbitado. Pamilya yun (at kaibigan!) nung totoong drayber nung trak. Bakit ganun, pag mabait ang amo, abusado ang empleyado. Tsk! Asar. Kapal nila. Binalak namin ng mga pinsan kong itulak sila isa-isa habang nasa daan. Hahaha. Sayang!

Bilang patunay na malamig sa amin, magtataka ka, kasi yung mga pupunta ng beach kung hindi nakajacket e nakasweater. Haha. Ang lamig talaga ng hangin lalo na sa byahe, pag hinawakan ko nga ang braso ko parang galing sa ref!

Hindi namin alam kung saan pupunta. Sabi nila sa San Juan, yung iba sa Lemery, sa Calaca. Ewan. Basta ang layo ng byahe. Inabot rin ng mga 3 oras yun. Lumampas pa kasi kami. Tapos naligaw-ligaw pa. Tsk tsk.

Sa Lemery pala ang punta namin. Magbubukang liwayway na nung makarating kami dun. Nagkukulay asul na ang silangan. Dun kami sa isa sa mga cottage na mukhang bahay na. Bato, tapos may dalawang kwartong may tig-isang kama, electric fan, ihawan, lababo at CR! Bangis. Medyo malayo sa dagat.

Itim ang buhangin sa Lemery. Pino. Maputik kung basa ka. Nagtakbuhan na ang mga pinsan ko sa dagat. Syempre ako, di naman nagmadali. Matanda na e. Haha. Tiningnan ko ang dagat. May mga bangka. Nag-alok pa si manong, beinte raw ang sakay, baka gusto ko raw. Sabi ko ayaw ko. Ang kulit ni manong ayaw ako tigilan, sabi ko sige mamaya. Sabay alis.

Bumalik ako sa cottage, nakita ko nagluluto na mga tao dun, sinigang, nag-iihaw na rin. Naging bata ulit ako. Lalangoy na lang ako kaysa magluto. Hahaha. Lumublob sa dagat. Malamig ang tubig at maalat syempre. Brrrrr. Malayo na ako hindi pa rin ako lumulubog. Mababaw ang tubig. Low tide?

Hindi ngapala ako marunong lumangoy. Para akong nakakain ng sinumpang prutas sa One Piece. Isang pabigat sa dagat. Takot ako kapag pumapasok na sa ilong ko ang tubig. Kapag lumulublob nga ako, tinatakpan ko pa ang ilong ko. Tsk tsk. Walang swimming ang engineering (balita ko pag nursing meron), at wala namang nagturo sa akin lumangoy. Kaya naman lublob at lakad lang ang alam ko.

Umahon na ako bandang alas-otso. At nag-“hilaw” na. Nagpakuha pala sila ng videoke. Ang mga tito ko kasi adik sa videoke pag lasing na. Dahil hindi pa sila lasing, sa amin muna napunta. Napansin kong napakahusay ko palang kumanta, ang tataas ng score ko e. Haha. Tatlong score lang pala ang alam nung videoke, 95, 97 at 99. Haha.

Ok lang. Narinig naman ng madla, ng mga isda, sirena at syokoy ang malamig kong tinig. Narinig ng dagat at hindi naman umulan. Magandang senyales. Nagsawa akong kakakanta. Mga kanta ng eraserheads, teeth, mayonnaise, kamikazee, lahat ng kantang panlasing na hindi pa mula sa sinaunang panahon ang mga kinanta namin ng pinsan ko.

Tanghaling tapat, lasing na ang mga tito ko. At may libreng floor show na. Nagsasayawan na sila at kumakanta, mga tinamaan na ng alcohol sa ulo. Haha. Inawit na nila ang mga classic, Larawang Kupas, Delilah, Laklak, Luha. Buhay pa kaming lahat kaya malamang walang kumanta ng My Way. Hehe. Di ako uminom. >_< Di nga. Hahaha

Naglakad-lakad kami ng mga pinsan ko at naghanap ng bilyaran. Naglaro sa bilyarang walang borax at iisa lang ang tako. Bulok. Sabi namin magsara na sila. Tatlong table, dadalawa lang ang tako? Ni wala man lang borax, tisa o tiririt tapos P10 kada laro wala man lang nagseset. Waw naman, aakalain mong gold-plated ang bola’t tako nila ah. Hahaha.

Tapos maya-maya ay naglakad-lakad kami sa dalampasigan… para maghanap ng chicks. Hahaha. Wala naman. Puro bata o kaya nanay na ang nakita nila. O kaya mga babaeng may mga kasama na o kaya hindi naman pala babae. Hahaha. Di naman ako naghanap. >_< Di nga. Wahaha

Natulog ako sa cottage, at paggising ko ng alas tres e uwian na pala. Ayun. Sumakay ulit sa trak. Sa di malamang kadahilanan e sumikip kaming lalo.

Dalawang oras ang pabalik ng baryo, tapos muntik pa kaming banggain nung isang bus sa daan. Tsk tsk. Ang gara nga e. Bakit kapag parang mamatay ka na, nag-sslow motion ang lahat. Ang galing. Parang special effects e. Kitang kita ko yung malaking bus e, pang-field trip pa. Bus No. 1. Naisip ko nga nun, “walangjo, oi…mu…khang …ta…ta…ma …ta…ta…ma… ooops…false alarm.”

Kitang-kita ko pati yung driver na ang sarap duraan… nakita ko syang nakangiti. Tsk tsk. Sarap batuhin ng kaldero. Nanadya atang manakot ng mokong. Kung hindi kasi sya nagpreno, sapul na sapul ako sa trak. Dun sa side ko tatama e. Walangjo. Wala sanang ninong ngayon. Hehe. Marami sanang mas nakamiss sa kin. Hehe.

Nakarating rin ng maayos ng walang iba pang aberya. Pagod. Diretso kama ang mga chikiting at diretso hilik ng mga pwit. Haha. Kami naman e nag-ayos na ng mga gamit dahil umuwi rin kami sa Maynila kinagabihan.

Monday, April 9, 2007

Hello World

We only part to meet again.
~John Gay


Why can't we get all the people together in the world that we really like and then just stay together? I guess that wouldn't work. Someone would leave. Someone always leaves. Then we would have to say good-bye. I hate good-byes. I know what I need. I need more hellos.
~Charles M. Schulz

I’m back.

Matapos ang apat na araw na pagbabakasyon ay nakabalik na rin ako sa aming bahay. Tama si anonymous sa pagsasabing "there’s no place like home". Wala nga. Namiss ko ang bahay namin e. Hehe.

Namiss ko rin ang internet. Haha. Iba pala talaga kapag nasanay ka na na merong internet. Pag nawala yun, para kang naputulan ng ikatlong kamay. Alam mong dalawa lang talaga ang kamay mo, pero parang naputulan ka pa rin.

Umalis kami sa bahay nung huwebes ng madaling araw. Ang gara kasi parang kakapikit ko lang nun (3 am na ako nakatulog), aalis na agad.

Hindi ako makatulog sa byahe. Siguro dahil may katangkaran akong tao, di na ako halos magkasya dun sa owner na sinasakyan namin. Di ako makahilata nang maayos. Siguro dahil hindi naman talaga dapat tinutulugan ang isang owner-type jeep na two-thirds na ng edad ko.

Habang nagpapaantok e tiningnan ko na lang ang langit mula sa bintana habang nagpapalit-kulay ito. Ang galing, parang ipinipinta ang mga kulay unti-unti, pwedeng gawan ng music video. Pang Semana Santa ang ambience. n_n

Matapos ang dalawang tollway, ilang lubak, ilang kalsada pang matrapik at isang almusal sa Jollibee, e nakita ko na ang simbahang landmark sa aming baryo. Tinanong ko si tatay kung bakit “bukid” ang tawag sa lugar nila e wala namang bukid. Bukid raw kasi yung buong baryo noong unang panahon. Kahit na mula sa Quezon Province si lolo, si lola naman ay may namanang lupa dun sa “bukid” kaya dun na sila tumira.

Ok, isang misteryo ang ating nabigyang linaw. Ang alamat ng bukid.

Napansin ko rin na marami na rin palang jeep sa Lipa. Parang makakakita ka na ng isa hanggang tatlong jeep kada isang minuto.
__________________________

Nakakatuwa umuwi sa amin. Ang mga pinsan ko kasi, halos mga chikiting pa. Para silang nakakita ng artista o pulitiko kapag natatanaw ang sasakyan namin. Nagtatalunan at tinatawag ang mga iba pa naming kamag-anak para salubungin kami. Tuwang tuwa si lolo at lola. Ako ngapala ang pinakaunang apo nila.

Dumating at umalis ang huwebes at biyernes. Bumibilis lang ang oras kapag natutulog ako, pero napakabagal talaga ng oras sa probinsya. Madalas na pampalipas oras nila ay TV. Dahil dadalawa lang ang channel, may mga napansin ako sa mga palabas nila.

  1. Napansin kong karamihan sa pinalabas ng Kapamilya at Kapuso e puros love story ang theme ng pelikula.
  2. Parang si Angel Locsin at Richard Guttierez lang ang artista ng GMA Films. Biruin mo yung mga pelikula nila pag gabi sila lagi bida.
  3. Nakakasawa ang mga trailer lalo na kung paulit-ulit. Halos mabaliw ako sa commercial ng Lupin at ng Ang Cute ng Ina Mo dahil paulit-ulit na lang ang kakapromote ng mga channel na ito. Palibhasa walang product commercials.
  4. Paulit-ulit lang ang mga cartoons ng channel 2 kapag holy week. Napanood ko na yun nung elementary pa lang ata ako.

Dapat uuwi na kami nung sabado. Kaya lang nagyaya ang tito ko, pumunta raw kami sa dagat…


Sa susunod ko na lang itutuloy. Napagod ako sa byahe at ako’y wala sa mood. Nagpunch-in lang upang ipadama ang aking pagbabalik sa tinagurian nilang blogosphere. Hehe.

Wednesday, April 4, 2007

The Blogger is Out

Ever stop to think, and forget to start again?
~Anonymous

No vacation goes unpunished.
~Karl Hakkarainen

Sakit ng Ulo.

Naubos ko ang nakaraang linggo sa pag-aayos nitong aking super sa ubod ng gandang blog. Haha. Nabaliw na ako sa html at pati na rin sa photoshop. Kulang na lang pati mga words na itatype ko sa post na ito ay i-enclose ko sa tags o lagyan ko na rin ng mga hyperlink. Tinatamaan na ako ng katamaran. Ok na siguro yan. Aayusin ko na lang yung links tapos ok na. Saka na lang ulit. Mga after two years ulit. Hehe. Naubos rin ang ilan sa mga nakaraang araw ko sa pagwa-ym. Tsk tsk.

Natapos na ang Philippine Blog Awards nung March 31. Hindi man lang ako nominated. Ok lang. Ngayon ko lang rin naman nalaman na may Philippines Blog Awards e. Ahahaha. Sayang di ako nominated, nanalo sana ako. Ahahaha ulit. Sabagay, nabanggit rin ata ni Ronibats yan noon. Di rin ata sya nanalo kasi.

Ok lang. Aaanhin ko naman yung newly brandnew na magandang iPod at bagong celphone na may camera at kung anoano pang features na pwedeng sirain. Ok lang. Ok nga lang sabi e. Haha. Di ako naiinggit. Di talaga. Hehe. Congrats sa mga nanalo. Sana balang araw maligaw sila dito at sabihing “sayang, dapat nominated man lang ang blog na ito sa Philippine Blog Awards.” Hahaha.

Gusto ko sana pagkakitaan ang blog na ito, ngunit ayaw nila. Ayaw ni google ayaw rin ni blogtoprofit. Tagalog raw kasi. O kaya nasa blogspot. Unsupported Language. Linsyak na. Who cares? Di bale na lang. Di magtatagal, sila mismo ang magmamakaawa na ilagay ko sila dito sa blog ko ngunit di ko sila papansinin. Oo, bukas luluhod ang mga tala. At kahit lumuha sila ng dugo, di ko sila pagbibigyan! Bwahaha.

Kagaya ng ginawa nung mga publishers kay mareng J.K at kay Harry Potter. Nireject nila yung kwento ni Harry Potter di ba? Siguro ngayon kung malulunok lang nila yung mga rejection letters nila ng isang libong beses, ginawa na nila, balikan lang sila ni J.K. Tsk tsk.

Siguro kung hindi dahil sa Bloomsbury, wala tayong aabangang Book 7. At wala ring gugustuhing kalimutan na mga screen adaptations. n_n
______________________________

Simula nung ako ay bata pa, taon taon ay pumupunta kami sa probinsya kapag Semana Santa. Para sa mga stalker/s ko (kung meron man... O_o), mula ako sa bayan ni Mayor Vi. Sa liblib na pook na isang sakay ng tricycle mula sa Robinsons Lipa. May simbahan sa kantong lilikuan upang tunguin ang aming baryo. Doon nyo ako simulang tiktikan dahil mawawala ako sa Internet at sa tinatawag nilang Blogosphere ng ilang araw.

Bihira lang ang dyip sa lugar namin dun. Lahat private pa. Mas marami pa nga ang baka at kambing sa aming baryo kaysa sa bilang ng mga dyip sa buong Lipa! “Bukid” ang tawag nila sa lugar namin pero wala pa akong nakikitang bukid sa totoo lang. Gubat, oo meron. Andami- daming puno. Mga puno ng niyog, papaya, mangga, lansones, niyog, niyog, niyog atsaka niyog. May puno ng niyog pa nga e.

Ang mga bahay dun, karamihan hanggang ngayon e walang kisame. Ewan ko kung bakit. Sa mga bahay ng tito at tita ko rin wala pa ring kisame mga bahay nila, parang disyerto ng Arabasta o kaya planetang Mercury, sobrang mainit sa araw, sobrang malamig naman sa gabi.

Pero may nakatayong “mini-resort” sa amin. Sabi nila, kapatid raw ni noli de castro ang may-ari. Di ko pa natitiyak kung totoo pero atin-atin na lang muna yun, wag mo muna sabihin kay Ka Noli.

Hanggang ngayon dalawang channel ng tv pa lang ang malinaw dun. Kapuso at Kapamilya. Minsan kapag malakas ang hangin, lumilitaw ang Iba Tayo at Kabarkada Mo. Hehe. Konti lang din ang FM stations, di na masagap yung iba. Sa umaga ata naririnig si Kukurukuku at Kadyot. Sa gabi, wala na sila. Tulog? Wala pa ring linya ng telepono.

Magtaka ka kung magkaroon ng internet dun. Hehe.

Dati, may batis doon. Malinaw. Malamig. Parang yung pinuntahan naming batis sa Pagudpud nung isang taon. Namimiss ko na ang Pagudpud!!!

Nung nagkaroon ako ng diwa siguro mga tatlong beses ako nakapunta dun sa batis malapit sa amin. Nandun pa rin ang batis nay un hanggang ngayon. Pero parang natuluan ng gray watercolor...na drum-drum! Tsk tsk. Sayang. (insert any Nature song here)

Pero gusto ko sa Batangas. Kasi tahimik. At mabagal ang oras. Mas mabagal ata ang oras kung konti lang ang distractions. Hehe. Kasundo ko ang mga pinsan ko dun di gaya sa cavite, medyo naiilang kami ng kapatid ko. May bilyaran na rin dun kaya di naman ako mamamatay sa kabagutan. At limang piso lang kada laro. Mura lang.

Matutulog siguro ako ng maaga sa susunod na mga araw. Pano ba naman, alien ang taong gising pa ng 1030pm dun sa baryo. At alas sais pa lang gising na sila. Kahit yung mga chikiting. Pinakaalarm clock na nila ang tilaok ng manok. Di katulad ko, tanghalian na ang wake-up call. Hehe.

Yun. Kailangan matulog na at yayaon na kami maya-maya.

Miss me na lang. Haha.