Saturday, August 12, 2006

Shouldn't Be Posted Anyway

…I was on the bus home, pondering how I would spend my nth Single Awareness Day (or SAD, as our kind would call it), comforted by the thought of not having to buy overpriced flowers, not having to fall in line just to get the most foreign-sounding box of chocolates, and not having to bother about getting a haircut. Such is the resolve we take. And by “we,” I refer to people who have gotten tired of looking, and instead have contented themselves with waiting.
– Love in the Time of…, Ronnie Baticulon

Some people have it all, some have none at all.

I have contented myself to waiting, thank you very much.

___________________________

Gusto ko lang munang sabihin na ang schedule ko for this term ay hindi CONDUCIVE for blogging. Hindi rin conducive for article-making and any other time-consuming activities gaya ng pagrereview para sa exams.

At dahil dito, napakahirap gawin ang mga bagay na ito. At magagawa ko lang sila one at a time. Isisingit ko pa sa pagbabasa ng samurai x manga, pagbabasa ng wheel of time ni Robert Jordan, paggawa ng household chores, panood ng tv, pagtulog, pagbiyahe papuntang skul at pauwi ng bahay, paghihintay sa mga prof na hindi naman dumadating, pakikinig sa mga napakaboring na lecture, panood ng NCAA games, pagdrodrowing, paggigitara, and so on and so forth…

Kaya alam kong maiintindihan nyo kung bakit ngayon lang ulit ang post ko.

So, bakit ko naman naisipang magblog ngayon…well, for one thing, hindi na naman dumating yung isa kong prof, bless him. Kahit hinintay ko pa sya. Bukod dyan, ako lang ang tao sa ofis, at hinihintay kong madownload yung Full Metal Alchemist ep.10 na dina-download sa bilis na 10 kbps…O_o

dahil dito, matagal pa akong maghihintay. Bakit hindi muna ako magblog di ba? Atsaka syempre, nakita kong may 461 visits na itong site ko…ibig sabihin may mga iilang tao pa ring nagchecheck kung may update dito…salamat.

Ngapala, mahirap gawin ang issue ng skulpaper ngayon, dahil sa ilang pasaway na players na mukhang mamalasin na naman sa second round. Pero at least, marunong na akong mag-layout ngayon.
_____________________________

Wala namang pangyayari sa buhay ko ngayon…walang kakwento-kwento. Gusto nyo pa bang malaman na hindi na rin ako tinetext ni faith? Hindi na sya nagrereply, bless her. Sumhow, may nagawa na naman akong mali.

Pero hindi na ako magpupumilit. Light, ayoko na ipagpilitan ang sarili ko sa mga taong ayaw naman sa akin. God bless your trips.

Salamat kay sir ean nung thursday. Masasabi ko pa ring masarap matulog sa condominium…bibili na nga ako ng mga dalawa mamaya e, check ko lang yung credit card ko…tumatanggap kaya sila ng mga gold bars?

Alas sais na ng umaga nung makatulog kami ni sir namre. At hindi na ako pumasok sa skul dahil sa katamaran. Pero marami akong nakuhang mp3, marami pa akong nakuhang e-books. Maanghang pala yung hotshots at nakakaantok ang kill bill vol.2. pero ayos pa rin. Salamat ulit kay Ian at Ean.
__________________________________________

Let me take this opportunity to pay homage to the little goth text marathon a year before, to the one who made me wait and search 5 long years in vain. Thank you for the pain. I may be bitter, but more so because of the chance bereft. Maybe your text msgs did not mean what I had been led to believe, and maybe those miss calls did not mean what I wanted myself to believe...

You may think I am not worthy, but that is just what you think. It does not necessarily mean that I am.

No comments:

Post a Comment