Tuesday, July 4, 2006

SM Mall of Asia

LIGHTS, CAMERA, ACTION!!!

Tiningnan ko na yung mga grades ko sa internet nung friday…siyempre wala pang grades…pero nung tingnan ko sa curriculum, taken na lahat na subject ko maliban sa isa…at un ay yung special topics in electronics…at kung masugid kang mambabasa, maaalala mo na yun yung pinaghandaan ko ng report noong simula pa lang ng term…at pasado na ako dun sigurado…hehe.

wow. pasado lahat kung sakali. Simula nung second year, parang ang hirap na talagang pumasa sa mga subjects…napagtanto ko na ordinaryong nilalang lang pala ako, at tinatablan din ng singko…wala palang superman na estudyante sa kryptonite na prof…makatakas ka man, manghihina ka pa rin talaga…
di ko lang alam kung ilang units ang basehan ng 4th year, pero technically, 4th year na ako sa Mapúa next term…hopefully, last year ko na dito…
sana…
pero di ko pa rin masyadong maimagine kung saan ako pupulutin…pagkagraduate ko dito, sana sa maayos na lugar naman…hanggang maaari ayoko mangibang bayan, pero kung mapipilitan, ano nga ba magagawa natin di ba? pero gusto ko dito…kasi papaunlarin ko pa ang Pilipinas e… hehe.
_________________________________

hmm…kwentuhan ulit tayo ng mga kaganapan nung friday
ang nakaraan: see previous posts, nakakatamad po mag-recap! o_O

nung Friday, dahil nga matigas ang ulo ko…(napatunayan na yan nung mahulog ako sa bubong una ang ulo nung eight years old pa lang ako…at wala man lang akong fracture sa bungo…nakalog nga lang ng konti…hehe), ginawa ko ung first option, binalak kong maghintay hanggang six…

nakaalis na ako sa intramuros ng past 3 (pagkatapos makatulog sa ofis at kumain sa palagi kong kinakainan)…kasama si sir ean… Para maubos ang oras, nagliwaliw kami ng konti sa SM Manila…4 na nung makaalis ako dun…
at dahil nga makulit ako, siyempre sumakay ako ng LRT… at bumaba ng EDSA…at dahil 4:20 pa lang nung makarating ako dun, pumunta ako sa (insert title here)…
sumakay ako nung orange multicab(?) na diretso ng MOA, at base sa konting pagmamasid, nalaman kong siete ang pamasahe…tapos ayun MOA na…
naglakad-lakad ako…naghahanap ng CR dahil tinatawag na ako ng kalikasan…ewan ko kung naliligaw lang ako, pero napakalayo naman ng CR mula sa entrance…e halos marating ko na yung kabilang dulo, bago ko narating e…
Akala ko, malaki ang CR doon, pero nung makita ko yung alter ego ko sa dulo, nalaman kong optical illusion lang yun…
siyempre ang pinaka-main reason kung bakit ako pumunta ng MOA ay para makaubos ng oras hanggang mag-six…kasi nga…ehem…may…ehem ulit… sasabayan pauwi (ubo…ubo) …siyempre di nya alam na nandun ako…kasi nga di ba hindi sya pumayag (ano ka ba?)…pero tinext ko sya, kako nasa MOA na ako at sana ok lang…
ngayon, kung magaling ka at masugid kang taga-subaybay ng buhay ko (pareho lang yun -_-), siguro naman nahuhulaan mo na kung ano ang nangyari…o sige nga, isip ka muna ng konti…. hmmm…uhum…hmmm…ok na, nahulaan mo na? sirit? di pwede, hula ka muna…bawal mandaya ah…ok…eto reply nya…paraphrased.

Naku, sori po…wala akong klase ngayon…pasensya na hindi ko nasabi agad…
wth…akalain mo… haha! o ano, tama ba ang hula mo?

_____________________________

pero hindi naman ako nagalit…kasalanan ko naman e, ako itong mapilit… tsk tsk, natawa na lang ako at ganun pa talaga ang nangyari..damnit…may conspiracy talaga, ano nga ba naman ang mas nakakatawa sa audience di ba?
___________________________

director: (pipisik) tsk tsk…alam mo, pareng scriptwriter…medyo kulang sa twist yung screenplay para sa episode natin ngayon…

scriptwriter: (nakatitig sa kawalan) huh? teka sir, hindi naman ako ang nagplano nung scenes
ah, nagsusulat lang ako ng script...teka po… Tol! halika dito! may problema si bossing sa plot!

writer: (may kausap na dalaga) ano?! na naman?! sh*t, istorbo…anak ng tokwa naman… #$@%^^%! revision na naman to…(lalapit sa director)i

director: (nakatingin sa script) pareng writer, pwede bang medyo baguhin natin yung scene na ito…pangit naman kasi kung magkikita na naman sila ni faith, kakakita lang nila nung isang araw e…

writer: (magkakamot ng ulo) e boss, nung isang araw pa yun e, maawa naman kayo dun sa tao…nakakahalata na siya…

director: (maasar ng konti…konti lang) e parang may kulang nga e! baguhin mo, dapat hindi sila magkita!!! grrr!!!

scriptwriter: (eepal) sir, baka bumaba ang ratings natin nyan?

director: (pikon na) bakit bababa, aber? grrr!!!! suspense nga to, mga pare ko… baka matalo pa natin yung show ni michael v. at ni vhong navarro. Kasi eto true-to-life…in a sense… Parang yung mga reality show ngayon na hindi naman reality…kikita tayo dito…atsaka teka, AKO ANG DIRECTOR AT AKO ANG MASUSUNOD…PALITAN NA YAN!!! PA-LI-TAN NA!!!
scriptwriter: (eepal pa rin) sir, ano naman ang ipapalit natin? nasa MOA na siya…kung walang sense yung pagpunta nya dun dahil hindi nya rin makakasabay pauwi si faith, tatamarin na ang mga tao manood…

director: (mag-iisip) hmm…wala na ba tayong ibang characters? ipa-meet mo sa iba!!!
scriptwriter: babae o lalaki??

director: (galit na) G**o ka ba!!! bakit babae…conflict of interest yun, sawa na ang mga tao sa mga ganyang conflict, hitik na hitik na sa ganyan yung mga koreanovela ngayon…!!! atsaka dalawang beses na nating ginawa yan sa buhay nya, TRITE na yan!…teka, bakit ba ikaw ang sabat nang sabat ha?! nasaan na yung writer?

scriptwriter: (uubo) sir, may “appointment” pa raw sya…umm…dun sa kausap na kanina. Ako na raw bahala…kaya ko naman ito sir e, saka naka-isip na ako ng character (titingin sa mga files)… Eto sir, si erwin javier…(babasahin ang mga data) kaya lang medyo galing pa siya sa PLM e…at low batt na ang celphone nya. Tapos may dadaanan pa siya sa vito cruz…mala-late siya kung pupunta pa siya ng MOA… Bukod dun, wala pa siyang tulog dahil sa mga theses nya sa psychology…

director: (galit na talaga) WALA AKONG PAKIALAM!!!…Gawan mo ng paraan na magkita sila ni erwin sa MOA sa episode na ito…KUNG AYAW MO MAWALAN NG TRABAHO!!!
scriptwriter: (sasaludo) sir, yes, sir…(maglalakad palayo habang bumubulong) haay naku…lagot na naman tayo kay ninong, tiyak na gaganti yun sa blog nya…tsk tsk.
___________________________
CUT!!!
n_n

EDIT: 7/19/15
hmmm.. apparently may pasok talaga sya. natakot lang sya sakin kaya sinabi nyang wala.

1 comment:

  1. down ata ang cbox so dito nalang ako maglalagay ng comment. Ngayon ko lang nabasa talaga ang blog mo kasi ngayon lang ako may oras... (grounded sa bahay hindi dahil sa bagyo, wala lang talaga akong pera... hehe) Grabe sir... isang reality show talaga ang buhay mo. Sayang at hindi ko na siya mapapanood sa Gregie's... pang gabi na kasi ang sched ko ngayon. Pero i-update mo lang ako kahit dito lang sa blog mo. So ano na pala plano natin dyan sir? Baka nga wala lang talaga siyang clase nung araw na yun? Hmmm....

    ReplyDelete