Tuesday, July 18, 2006

Happy Birthday Toyo

“But words, once spoken, can never be recalled.” – Wentworth Dillion


gusto kong magblog ngayon kaya lang wala akong maisip na ikwento… napaka-“dull” ng buhay ko lately dahil yun at yun na lang ang nangyayari lagi…puro wrong mistakes…minsan may konting up tapos puro down…dahil wala namang up sa ngayon, at may topak ako, kaya heto, magta-type lang ako ng magta-type tingnan natin kung ano ang lalabas dito…

dahil malamang nasa drawing board pa ang writer ko, walang anumang interesanteng nangyari sa nakaraang linggo. first day ulit ng term. wow. big deal? e parang isang linggo lang ako nawala ah, ni hindi ko pa nga namimiss yung skul, pasukan na kaagad?

napansin ko lang na pang-apat na taon ko na pala sa MapĂșa pero COE-3 pa rin ako…ibig sabihin kulang pa ako ng units para matawag kong senior ang sarili ko…wala namang nagbago sa skul, ok… so whiteboard na sa karamihan ng rooms since last year at aircon na ung karamihan ng room sa north and south buildings since last term…

aba, nakonsensya din sila. walangjo, parehong tuition fee mo per unit pero di naman aircon ang room mo? ano binabayaran mo dun? quality education? Pah! ibig sabihin ba nun mas malaki ang kita ng prof mo? hindi rin. sa skul lang din naman napupunta yun di ba? maintenance fee?

oo nga naman, kelangan i-maintain nila yung natural air current na pumapasok sa mga room na walang aircon. pero dahil may aircon na ngayon, sige, tatahimik na lang ako.

nagwhiteboard nga, yung mga prof naman kadalasan walang marker…walang eraser. May prof ako dati papel lang ang pinambura nya sa whiteboard. tsktsk. buti pa yung office namin may dalawang pambura kahit yung isa magreretire na… atsaka mahirap kaya magbasa kapag malabo yung marker. yun bang binubura ng marker mo yung gusto mo isulat…tsktsk.

at bakit ang pangit ng schedule ko? walangjo. bakit ang sagwa nila gumawa ng sections? bakit may tths lang na subject o kaya mwf lang? pano kung yun lang ang epal sa sched mo? isa lang ang papasukan mo? ibig sabihin gagastos ako ng 60 pesos pamasahe pa lang yun (wala pa yung pangkain at panglaro..hehe) para lang makinig ng isa’t kalahating oras na lecture? mas mahaba pa ang ibiniyahe ko papuntang skul at pabalik ng bahay kaysa sa ipinasok ko. di ba? haay… mahirap talaga pag “irreg”.

nalulungkot ako dahil parang napag-iiwanan lang ako…hindi naman dating ganito, hindi na nga kayo maniniwala kung ano dati e. hindi ko alam kung kailan nagsimula magbago…pero nagyari na, at nangyayari pa rin…
__________________________________

medyo malungkot na sa ofis ngayong term. parang halos lahat ng tao may mga “pinagkakaabalahan”. PWERA AKO. wala na ring nagpupusoy. tsk tsk. kalat-kalat ang mga sked, hindi ko na nga nakikita yung iba. pero palagay ko pag may issue na ulit ang tnb, dadami na naman kaming mga nagkukumahog para sa pc…tapos may entrance exam pa…makapagpapahirap na din ako. bwahaha.

dapat ata, tumambay muna ako sa org, baka mas maraming tao dun.

may mga ugong-ugong ukol sa editorship exam…I just don’t want to think about it. wala namang hindi nangangailangan ng scholarship. nalulungkot ako at wala si sir stephen sa flour este fluor daniel scholarship, dahil dapat malaki ang chance nya dun. dapat kasama sya dun. yan tuloy, baka may masagasaan pa ako…at ayoko sana nun hanggang pwede iwasan. yun na lang maipagmamalaki ko e. kahit sinagasaan na nila akong lahat, hindi ako ang nauna…
______________________________

for some reason napaka-iritable ko nitong mga nakaraang araw. kaya pasensya na kay sir ean kung medyo nabadtrip ako sa kanya nung humiram sya ng t-shirt…hindi dahil sa humiram sya ng tshirt, kahit nga hiramin nya pa yung brief dun e. ang problema, hindi nya kasi binalik ng maayos yung mga gamit ko…e medyo nainis talaga ako, walang kaplastikan…nainis talaga ako. e kasi po, wala namang twenty seconds ang mauubos mo para ibalik lang ng maayos e.

kagaya nung nagalit si kuya ace dun sa ink na tumapon. medyo nakakainis lang po kasi talaga kung pinipilit mong panatilihing maayos yung mga bagay, tapos ginugulo lang basta. ganyan-ganyan sa bahay e. naku, yung kapatid ko parang walang pakialam minsan, lagi kami nag-aaway dahil diyan e. ligpit ako ng ligpit, kalat naman siya ng kalat. sabi ko nga sa kanya parang awa na nya, kahit wag na sya magligpit kahit kailan, sana lang hindi sya nagkakalat. pero nilista nya lang sa tubig.

anyway, hindi na ako galit sayo sir ean. ok na yun. hehe. sanay na ata ako.

nakakalungkot na rin kasing pumasok sa klase. parang laging first day ko. wala akong kausap madalas. parang lahat sila may sariling mundo. at hindi ako kasama sa mundo nila. tatawa na lang sila bigla ng di ko alam ang dahilan. may sari-sarili silang joke na sila-sila lang ang nakakintindi… kung hindi ka ba naman ma-out of place dun kung ikaw lang ang hindi natatawa, e bato ka na. dati akala ko bato ako, hindi rin pala.

madaldal ako sa klase noon. (parang ang tagal na panahon na…) at madali ring mapapatawa. somehow, hindi na ganun kababaw ang kaligayahan ko tulad ng dati… hindi na ganun kadaling matawa sa kanila…

and some people are still not talking to me.
_________________________________

mukhang nagpalit na ng number si little goth… the number you dialed is unavailable at the moment. pls try again later. wtf. kung ayaw nya magreply, e di wag…***** nya. sino ba sya? ni ha ni ho? ok fine. ewan ko ba kung bakit nangungulit pa ako…di na talaga ako matuto.

bakit, text lang naman ah. ******, ikamamatay ba nila yun?! oo lahat sila. mamamatay ba sila kung magrereply sila sa akin?! e bakit ayaw nila magreply? at bakit tinetext ko pa rin sila kahit alam kong nagmumukha lang akong ****?

nalulungkot lang ako dahil akala ko, kahit pano naka-impact ako sa buhay nila. pero kung magbalewala sila parang hindi ako nabuhay sa mundo. akala nyo ba masaya na hanggang “uy!”-“uy!” na pilit na lang lagi. at bakit kailangan ako pa ang lalapit? birthday nyo ba araw-araw?! labo nyo naman. palibhasa masasaya kayo sa buhay nyo kaya wala kayong pake sa akin…badtrip e. badtrip talaga… buti pa yung nakabundol sa akin nung 1st year kinakausap ako na parang walang nangyari… pero kayo… ay grabe. parang ako pa ang may kasalanan.

ok. tiis na lang lagi. fine, ipakita na may pride pala akong tao… I don’t need you people…you can do all you want, for all I care…

maghintay sa darating… yan ang laging sinasabi nila. MATAGAL na ako nag-aantay ah, ano ba ang nangyayari? ok, ok so hindi dapat ako nagrereklamo… pero anong gusto nyo gawin ko? hindi naman napipilit na maging masaya kung hindi…mababaliw ako pag di ko nilabas yung angst na ito…filtered pa nga yan sa lagay na yan e… I try not to think about it, pero pag tinotopak ako lalabas at lalabas yang toyo ko na yan.

gusto ko lang sabihin na mabait naman akong tao… pero bakit yung iba, ayaw nila nun?

Tuesday, July 11, 2006

Bakasyon

writer: helo, everyone! whoo! sarap magbakasyon…wala pa si boss?

scriptwriter: uy pare, buti na lang dumating ka na, di ka namin makontak e.

writer: sinadya ko talaga yun, walang signal sa pagudpud e… para walang istorbo sa amin. hehe…

director: walang istorbo saan? ha? bakit ngayon ka lang?

writer: uy boss! … ha? ah, e, sir istorbo sa pagpapagaling namin ng ngipin ko…eto nga o, masakit pa…huhu…

scriptwriter: pare, may problema tayo, wala na si faith sa lifeshow ni ninong.

writer: %#$@#%^! bakit ngayon nyo lang sinabi… !@$%^%$ revisions kasi yan
e…sabi ko na nga ba lalabo na naman kung revise tayo ng revise…

director: hmm…wala akong naririnig…

scriptwriter: nagpapa-auditions na tayo ng bagong characters pero ikaw pa rin ang may desisyon nyan kung sino ang ipapasok natin sa istorya…

writer: ano pa nga ba? bagong plot na naman… haay, paano na lang kung wala ako…dapat mas malaki ang sweldo ko e…

director: bakit ganun? wala pa rin akong naririnig…?
_________________________

writer: alam mo, maswerte pa rin tayo, kasi “sembreak” ni ninong..kahit one week lang…at least hindi masyadong kailangan ng interaction sa labas…naka-bartolina yan sa bahay pag bakasyon…

scriptwriter: tama ka dyan, kahit nga script di ka na mag-iisip…wala naman siyang kausap kapag nasa labas lahat ng tao e…puro routine lang ang ginagawa nya… gising-kain-noodtv-computer-kain-magbabasa-noodtv-tulog paulit-ulit.

director: kaya nga bumababa tayo sa ratings e…wala siyang ginagawang interesante!

writer: e ano gusto nyo gawin nya? magcrossstitch? grrr…

scriptwriter: nag-gigitara naman sya ngayon ah, ok na yun…para may musical tayo ng konti…

writer: kung hindi nagpaparevise ung ibang tao, BAKA SANA may ginagawa siyang interesante kahit paano…

director: aba, nakakarami ka na ha…

____________________________

Tuesday, July 4, 2006

Yet Another Avalanche

scriptwriter: Sir, may problema tayo sa cast… May ibang offer na po kay faith, di na sya pwede sa lifeshow ni ninong…may offer na siya sa Maalaala Mo Kaya…

director: Walangjo! Bakit ngayon mo lang sinabi? hindi ba natin siya pwedeng idemanda? breach of contract? libel? grave misconduct? robbery with homicide? kahit ano?

scriptwriter: sir, walang kontra-kontrata sa atin…kayo ang direktor dapat alam nyo yan, umaalis ang mga tao kung kailan nila gusto at wala tayong magagawa dun… Semi-voluntary ang trabaho dito para mukhang natural saka mas malaki ang kita natin, di ba? ang problema e mukhang ayaw na ni faith e…

director: sh*t!! Nasaan na si pareng writer…??

scriptwriter: Sir, nagsick-leave e, masakit daw ang ngipin nya…

director: ?!#@%#$^!! pano yan wala si writer, paano natin gagawan yan ng solusyon? kaya mo ba gawan ng bagong plot?

scriptwriter: sir, script lang ang kaya ko, masyadong mabigat ang sitwasyon. Saka wala pang available characters ngayon…

director: magpa-audition ka ASAP, kailangan na naman natin ng mga bago…

___________________________________

hmm… may point yata si nico, na may jinx ata pag nagkwekwento ka ng babae sa blog…dammit…medyo na-jinx ata ako e… anyway, sanayan lang yan… dati naman hindi ako nagblo-blog, wala rin naman nangyari…kaya magblo-blog pa rin ako… kaya ok lang…sige, ok lang kahit hindi…hindi ko na lang masyadong iisipin… oo tama…

darn Maalaala Mo Kaya…

di bale, naglevel-up naman ako sa sarili ko…hindi ko lang alam kung hanggang anong level pa bago ako makakuha ng reward…walangjo… hirap na ako ah, mahirap din ang walang walkthrough…ni walang cheat…tsk tsk…

di ko rin alam kung counted ba yun as fourth map ko na, kasi yun din naman yung third e, pinatagal lang yung adventures ko dun sa map na iyon saka intertwined sya dun sa ibang map…

pero NAMAN...NAMAN… nakatatlong map na ako ah…wala pa ring nangyayari…

naman, ginoong writer…bigyan nyo naman ako ng konting moment… yung medyo kumpleto naman…laging naka-cut-off e…tsk tsk… mabulok sana ngipin mo, walangjo ka…

SM Mall of Asia

LIGHTS, CAMERA, ACTION!!!

Tiningnan ko na yung mga grades ko sa internet nung friday…siyempre wala pang grades…pero nung tingnan ko sa curriculum, taken na lahat na subject ko maliban sa isa…at un ay yung special topics in electronics…at kung masugid kang mambabasa, maaalala mo na yun yung pinaghandaan ko ng report noong simula pa lang ng term…at pasado na ako dun sigurado…hehe.

wow. pasado lahat kung sakali. Simula nung second year, parang ang hirap na talagang pumasa sa mga subjects…napagtanto ko na ordinaryong nilalang lang pala ako, at tinatablan din ng singko…wala palang superman na estudyante sa kryptonite na prof…makatakas ka man, manghihina ka pa rin talaga…
di ko lang alam kung ilang units ang basehan ng 4th year, pero technically, 4th year na ako sa MapĂșa next term…hopefully, last year ko na dito…
sana…
pero di ko pa rin masyadong maimagine kung saan ako pupulutin…pagkagraduate ko dito, sana sa maayos na lugar naman…hanggang maaari ayoko mangibang bayan, pero kung mapipilitan, ano nga ba magagawa natin di ba? pero gusto ko dito…kasi papaunlarin ko pa ang Pilipinas e… hehe.
_________________________________

hmm…kwentuhan ulit tayo ng mga kaganapan nung friday
ang nakaraan: see previous posts, nakakatamad po mag-recap! o_O

nung Friday, dahil nga matigas ang ulo ko…(napatunayan na yan nung mahulog ako sa bubong una ang ulo nung eight years old pa lang ako…at wala man lang akong fracture sa bungo…nakalog nga lang ng konti…hehe), ginawa ko ung first option, binalak kong maghintay hanggang six…

nakaalis na ako sa intramuros ng past 3 (pagkatapos makatulog sa ofis at kumain sa palagi kong kinakainan)…kasama si sir ean… Para maubos ang oras, nagliwaliw kami ng konti sa SM Manila…4 na nung makaalis ako dun…
at dahil nga makulit ako, siyempre sumakay ako ng LRT… at bumaba ng EDSA…at dahil 4:20 pa lang nung makarating ako dun, pumunta ako sa (insert title here)…
sumakay ako nung orange multicab(?) na diretso ng MOA, at base sa konting pagmamasid, nalaman kong siete ang pamasahe…tapos ayun MOA na…
naglakad-lakad ako…naghahanap ng CR dahil tinatawag na ako ng kalikasan…ewan ko kung naliligaw lang ako, pero napakalayo naman ng CR mula sa entrance…e halos marating ko na yung kabilang dulo, bago ko narating e…
Akala ko, malaki ang CR doon, pero nung makita ko yung alter ego ko sa dulo, nalaman kong optical illusion lang yun…
siyempre ang pinaka-main reason kung bakit ako pumunta ng MOA ay para makaubos ng oras hanggang mag-six…kasi nga…ehem…may…ehem ulit… sasabayan pauwi (ubo…ubo) …siyempre di nya alam na nandun ako…kasi nga di ba hindi sya pumayag (ano ka ba?)…pero tinext ko sya, kako nasa MOA na ako at sana ok lang…
ngayon, kung magaling ka at masugid kang taga-subaybay ng buhay ko (pareho lang yun -_-), siguro naman nahuhulaan mo na kung ano ang nangyari…o sige nga, isip ka muna ng konti…. hmmm…uhum…hmmm…ok na, nahulaan mo na? sirit? di pwede, hula ka muna…bawal mandaya ah…ok…eto reply nya…paraphrased.

Naku, sori po…wala akong klase ngayon…pasensya na hindi ko nasabi agad…
wth…akalain mo… haha! o ano, tama ba ang hula mo?

_____________________________

pero hindi naman ako nagalit…kasalanan ko naman e, ako itong mapilit… tsk tsk, natawa na lang ako at ganun pa talaga ang nangyari..damnit…may conspiracy talaga, ano nga ba naman ang mas nakakatawa sa audience di ba?
___________________________

director: (pipisik) tsk tsk…alam mo, pareng scriptwriter…medyo kulang sa twist yung screenplay para sa episode natin ngayon…

scriptwriter: (nakatitig sa kawalan) huh? teka sir, hindi naman ako ang nagplano nung scenes
ah, nagsusulat lang ako ng script...teka po… Tol! halika dito! may problema si bossing sa plot!

writer: (may kausap na dalaga) ano?! na naman?! sh*t, istorbo…anak ng tokwa naman… #$@%^^%! revision na naman to…(lalapit sa director)i

director: (nakatingin sa script) pareng writer, pwede bang medyo baguhin natin yung scene na ito…pangit naman kasi kung magkikita na naman sila ni faith, kakakita lang nila nung isang araw e…

writer: (magkakamot ng ulo) e boss, nung isang araw pa yun e, maawa naman kayo dun sa tao…nakakahalata na siya…

director: (maasar ng konti…konti lang) e parang may kulang nga e! baguhin mo, dapat hindi sila magkita!!! grrr!!!

scriptwriter: (eepal) sir, baka bumaba ang ratings natin nyan?

director: (pikon na) bakit bababa, aber? grrr!!!! suspense nga to, mga pare ko… baka matalo pa natin yung show ni michael v. at ni vhong navarro. Kasi eto true-to-life…in a sense… Parang yung mga reality show ngayon na hindi naman reality…kikita tayo dito…atsaka teka, AKO ANG DIRECTOR AT AKO ANG MASUSUNOD…PALITAN NA YAN!!! PA-LI-TAN NA!!!
scriptwriter: (eepal pa rin) sir, ano naman ang ipapalit natin? nasa MOA na siya…kung walang sense yung pagpunta nya dun dahil hindi nya rin makakasabay pauwi si faith, tatamarin na ang mga tao manood…

director: (mag-iisip) hmm…wala na ba tayong ibang characters? ipa-meet mo sa iba!!!
scriptwriter: babae o lalaki??

director: (galit na) G**o ka ba!!! bakit babae…conflict of interest yun, sawa na ang mga tao sa mga ganyang conflict, hitik na hitik na sa ganyan yung mga koreanovela ngayon…!!! atsaka dalawang beses na nating ginawa yan sa buhay nya, TRITE na yan!…teka, bakit ba ikaw ang sabat nang sabat ha?! nasaan na yung writer?

scriptwriter: (uubo) sir, may “appointment” pa raw sya…umm…dun sa kausap na kanina. Ako na raw bahala…kaya ko naman ito sir e, saka naka-isip na ako ng character (titingin sa mga files)… Eto sir, si erwin javier…(babasahin ang mga data) kaya lang medyo galing pa siya sa PLM e…at low batt na ang celphone nya. Tapos may dadaanan pa siya sa vito cruz…mala-late siya kung pupunta pa siya ng MOA… Bukod dun, wala pa siyang tulog dahil sa mga theses nya sa psychology…

director: (galit na talaga) WALA AKONG PAKIALAM!!!…Gawan mo ng paraan na magkita sila ni erwin sa MOA sa episode na ito…KUNG AYAW MO MAWALAN NG TRABAHO!!!
scriptwriter: (sasaludo) sir, yes, sir…(maglalakad palayo habang bumubulong) haay naku…lagot na naman tayo kay ninong, tiyak na gaganti yun sa blog nya…tsk tsk.
___________________________
CUT!!!
n_n

EDIT: 7/19/15
hmmm.. apparently may pasok talaga sya. natakot lang sya sakin kaya sinabi nyang wala.

Sunday, July 2, 2006

Desecration

Our sacred grove is being desecrated…

may kumakalat na magnanakaw sa loob ng bodega…nawawala ang mga gamit sa loob mismo ng opisina…bukod diyan, may tumitira sa EIC sa pamamagitan ng mga mensahe sa whiteboard…

hindi ko alam kung iisang tao lang yung gumagawa ng mga iyon pero pramis…napipikon na ako…walanghiyang yun, lalo siyang tumatapang habang tumatagal…at bagaman may mga hinala kami…wala namang ebidensya…

naiinis ako dahil puro digicam ata ang tinitira nya…e medyo kailangan namin yun…nagkakanda-lokoloko na nga dahil walang camera…

walanghiya ka, malaki ba ang galit mo sa mundo at sa TNB ka gumaganti…? *********! dahil sa mga taong kagaya nyo nagkakaroon ng mga hinala ang mga tao sa isa’t isa ah… bakit kailangan mong gawin yan? wala rin kaming pera pero di ko yata maaatim magnakaw ng mga gamit…

sana nga hindi nawawala ung isang digicam, sana may humiram lang…dahil kung kinuha mo yun at mahuli ka namin, ****-*** ka…you’ll get what you deserve…di man galing sa amin…well, may karma naman diyan sa tabi-tabi…