"Those only are happy (I thought) who have their minds fixed on some object other than their own happiness; on the happiness of others, on the improvement of mankind, even on some art or pursuit, followed not as a means, but as itself an ideal end. Aiming thus at something else, they find happiness by the way. The enjoyments of life (such was now my theory) are sufficient to make it a pleasant thing, when they are taken en passant, without being made a principal object. Once make them so, and they are immediately felt to be insufficient. They will not bear a scrutinizing examination. Ask yourself whether you are happy, and you cease to be so. The only chance is to treat, not happiness, but some end external to it, as the purpose of life. Let your self-consciousness, your scrutiny, your self-interrogation, exhaust themselves on that; and if otherwise fortunately circumstanced you will inhale happiness with the air you breathe, without dwelling on it or thinking about it, without either forestalling it in imagination, or putting it to flight by fatal questioning."
― John Stuart Mill
Mahaba-habang quote. Kasi ang tagal kong nawala.
Hello. Halos 4 na taon na rin pala nung huli akong nagpost sa blog na to... Marami nang nangyari. Sobrang wala lang akong time magkwento. Imbis na itype ko pa ang mga hinaing ko sa buhay, minsan tinutulog ko na lang, nakapahinga pa ako.
Lumipat na pala ako ng trabaho. Sa bahay na lang ako nag-oopisina. Work from Home kumbaga. Nagtratrabaho ako ng nakapambahay lang... minsan nakakatulog pa ako. Umabot din ako ng 10 years dun sa una kong trabaho. Akalain mo un. Isang dekada rin pala yun. Nagka-ugat na ako sa opisina bago ako nakaalis. Nakakuha naman ako ng retirement pay. Malaki-laki rin. Yun nga lang ubos agad. Gastos. Hospital bills. Meds. May utang pa ako sa BIR ngayong taon, walangjo.
May asawa na rin pala ako. At isang taon na ang aming anak na babae. Waw. Akalain mo yun. Di na ganun ka-bitter ang lolo este ang ninong mo. Minsan may mga tao rin palang makakakita ng taong tatanggap ng pag-ibig na kaya nilang ibigay. Lalim ba?
Kung tatanungin mo ako kung masaya ako, masasabi kong oo. Maraming tao sa paligid ko ang nagpapasaya sa akin... Pero andami ko nang iniisip ngayon. Pakiramdam ko kulang ang oras ko sa isang araw. Parang lumalala pa yung antok ko. Kahit mahaba na yung tulog ko pakiramdam ko kulang pa... Tumatanda lang ba ako... Pero kung tutuusin, ok naman ang lahat. Hmmm... Di lahat, pero sapat na dapat para maging ok ako. Di naman nawawala yung problema sa kahit sino siguro. Lumalala lang sya kapag kinukumpara mo sa iba ang buhay mo...
Minsan di ko talaga maiwasan... may sumpong pa rin ako. Nalulungkot... Napapagod... Naiinis... Ewan ko ba, wala lang ata talagang taong kuntento. O di lang talaga ako yun... Paano ba nadi-diagnose ang depression. Depressed lang ba ako? Topak lang? Haay... Minsan naisip kong umalis na lang dito... kalimutan ang lahat, lumipad... lumayooo oooh...