Thursday, February 26, 2015

Replay

“It takes ten times as long to put yourself back together as it does to fall apart.” 
― Suzanne Collins, (Mockingjay)

Yan na nga sinasabi ko. Binuhay ang issue. Nagkaroon ng photoshoot para sa Mr. & Ms. Feb-ibig (ugh ang korny nung tawag), di ko alam kung sino ang pasimuno... pero hinala ko yung manager ko dati. Kasi biglang ako yung kinuha. Saka si Meadow yung kapartner. Ang dating e parang botohan ang magaganap, pero pera ang gamit para sa boto. 20php isa. Alam ko na ngayon ang premyo. Special date daw. Juice colored. Binaon ko na sa likod ng utak ko ang mga pangyayari nung isang taon. Binubuhay nila e. Ayan. Naku, baka bumalik ulit.

May nagpost sa facebook nung picture. Kaso sa dami ng kuha, dun pa sa pinakapangit ako yung pinili. Tsk. Lampas isangdaan ang naglike. Bakit? Kasi malakas sila mang-asar. Pati mga kaklase ko nugn highschool, college, teacher, prof, kamag-anak. Waah.

Alam ko di naman nagtapos ng maayos nung isang taon. Pero haay... uulitin ko na naman ba? Ngayon ba pwede na? Nararamdaman ko bumabalik na naman yung pakiramdam na nararamdaman ko pag ganitong may prospect. Sign ba yun na meron pa, pinilit ko lang kalimutan?

Putik.

May sinabi pa yung kaopis ko kanina. Na baka naman di kami nagkaintindihan nung isang taon. Baka may chance, pareho lang kaming takot.

Ugh.

Pano na?

Thursday, February 12, 2015

Relay

“Never apologize for how you feel. No one can control how they feel. The sun doesn’t apologize for being the sun. The rain doesn’t say sorry for falling. Feelings just are.” 
― Iain Thomas


Anong kalokohan yun... hmm... di ba tapos na nung isang taon? Wala naman pinuntahan. Wala naman nangyari. Kulang daw ako sa tiyaga. Maaari. Pero paano ka magtyatyaga kung wala namang sinasabi. Kung bigla na lang tatahimik, anong mapapag-usapan? Wala rin naman. Di biro ang pinagdaanan ko sa sarili ko ng mga ganitong panahon nung nakaraang taon. Uulitin ko na naman ba?

Pero may iba pa ba tayong balak gawin bukod dito? Wala rin naman di ba?

Might as well?