Friday, August 2, 2013

Decisions

“The hardest thing about the road not taken is that you never know where it might have led.” 
― Lisa Wingate, A Month of Summer

Hmm. Pasensya, halos 2 buwan na naman akong hindi gumawa ng entry. Nangyayari naman yun kahit active blogger, pano pa kaya kung tulad kong seasonal atang maituturing. Tapos may kausap din kasi ako sa facebook tungkol sa mga bagay bagay kaya naman parang mas madali magkwento dun kasi yun nagrereply, di tulad nyo basa lang nang basa. Hehe.

Hmmm. Nagpunta pala kami ng Cebu at Bohol last week, 6 days 5 nights. Nagfile nga ako sa opis ng VL for 5 days kaso pagbalik ko, nagkasakit naman ako. Baka tengga sa bahay ng 3 pang araw. Acute gastroenteritis daw saka UTI. Saka ko na ikwekwento yun kung sakali dahil di yun ang bumabagabag sa isip ko ngayon.

Nitong mga nakaraang linggo may tumawag sa akin opurtunidad para sa ibang trabaho sa ibang bansa. Nung una, gusto ko lang malaman kung hanggang saan mapupunta. tapos napagtanto kong hindi ko gusto ang contractual position na gusto nila i-offer. Nagdecline ako. Kaso tumawag sila ulit at tinaasan ang sweldo, halos doble kung itatapat sa monthly ko. Nagdecline pa rin ako at sinabi kong di ako komportable na contract position sya. Tumawag ulit at sinabing pagkatapos ng anim na buwan ay para ihire na. Hmmm. Umayon na rin akong mainterview.

Nakatapos na ako ng 2 interview, isa mga 15 mins, yung isa tiningnan lang ata hitsura ko sa camera. Bukas meron pang isa. Hmm. Kinakabahan? Oo. Meron namang kaba bawat interview para sa akin kahit nung wala naman akong balak kunin yung work. Last year ata naka-apat ako na interview. Hmm. Sa lahat ng yun, isa lang ata napasa ko (di ko lang sigurado kung walang kinalaman yung asking salary ko dun sa iba). Madami na nangyari pagkatapos nun. Naging team lead na ako. Ok ang team na napunta sa akin. Ok ang manager. Gaya ng sinabi ko sa lahat ng nakausap ko, pinaka-OK na sa lahat ng naging manager ko. Pangit pa rin ang metrics, mahirap pa rin para sa mga bago, pero di na ako ganun ka-apektado. Di na kasi ako "doer" ika nga, more on management na. Pwede nga kung gugustuhin ko, na lumipas ang isang araw na wala akong ginagawa. Lalo na kung hindi maingay ang mga project. It's a comfortable and stable job.

Ano ba ang negative? Hmmm. Comfort zone ko na sya, di na ganun ka-challenging siguro madalas. Pero minsan challenging pa rin naman. Hmmm. Parehong ofis pa rin for 5+ years, medyo nakakasawa na rin siguro. Sweldo, syempre. Pero kung tutuusin ok na ok naman na yung nakukuha ko ngayon. May extra na akong panggastos sa mga luho at nakakaipon pa din. GF na nga lang ang kulang e. Hehe. Gusto ko ba maging manager, bakit hindi in the future, pero baka 2-3 years pa yun, malayo pa. pero malay natin, di rin natin masasabi, kasi kung sinabi mo sa akin nung July 2012 na magiging Team Lead ako ng August baka tinawanan pa kita sa sobrang malayo mangyari yun sa tingin namin nung mga panahon na yun. Buti nga nalimutan na nung iba na nakipagpustahan ako na pag naging senior ako within 2012 e ililibre ko sila lahat.

Hmmm. Dun sa isang trabaho ano ba ang positive? Hmmm. Yung sweldo. Pero pag sinum-up ko naman yung lahat ng allowances at bonuses, 15% lang ang difference kung vs salary lang nila. May nag-offer nga ng contractual sa akin nasa ganun din ang presyo dito pa yun sa Pilipinas. Ibang workplace, ibang lugar pero abroad, malayo sa pamilya. Baka mahomesick. Pero nung nasa US naman di naman ako nahomesick. Madali na rin kasi ngayon makipagcommunicate dahil sa internet.

Haay. Nahihirapan ako magdecide. Di ko alam, parang ayaw ko iwan yung team kasi ok naman. Balak ko nga hanggang PM na ako magsstay dun baka kung nagkataon. Pero di kaya sayang yung oppurtunity? Wala pa naman. Baka di pa pumasa sa interview bukas pero hmmm. Pano kung pumasa, makakatanggi pa ba ako? Anong mas mabigat?

Kung last June dumating yung ganito, walang kurap yung isang trabaho agad ang pipiliin ko. Malaking factor siguro yung team na rin saka yung manager. Ok kasi. Pero pano kung wala sila, magsstay ba ako? Kasi di rin naman sila fixed na nandun. Lilipat din yung iba pag nagtagal. Pano kung magreshuffle at biglang malipat ng team? Sapat ba ang pag-asa na baka pag tumagal maging manager din ako? Kung lumipat naman ako, may tsansa ba na umangat naman ako o puro ganun na lang ang gagawin ko hanggang tumanda ako.

Tamang tama yung quote sa taas. Mahirap kasi di mo alam kung ano talaga yung mangyayari kung yung isa yung pinili mo.

Alin kaya? Stay or go?