"Night time is really the best time to work. All the ideas are there to be yours because everyone else is asleep." ~Catherine O'Hara
May mga bagay talaga na pag nasanay ka na, mahirap baguhin. 8 buwan na rin akong panggabi sa trabaho. Nasanay na akong natutulog habang tirik ang araw. May mga ayaw sa panggabi, nahihirapan daw matulog sa umaga. Nagiging sakitin. Di ako nagkaroon ng ganung problema. Nocturnal lang siguro talaga ako. Kahit noon pa, napupuyat ako ng walang dahilan. E di mas ok ngayon kasi pinagkakakitaan ko pa yung passive ability ko.
Masarap ang panggabi dito. Mas malaki ang sweldo kasi may night diff, may allowance pa. Malayong-malayo sa kita ng pang-umaga. Mas marami akong nabibigay sa bahay tapos may natitira pa sa akin pambili ng kung anu-ano.
Wala pang bossing. Ako ang team lead sa gabi. Ako ang project manager, ako ang people manager. Ako ang presidente. Akin ang mundo. Kung gusto ko matulog, nakakatulog ako. Kung gusto ko magwarm-up at magbrowse, manood muna ng pelikula, magbasa ng ebook, maglaro ng DOTA (<-noob) walang makakapigil sa akin, wala kahit isa... pwera sa IT department (kasi 24hrs sila).
Oo nga walang social life. Pero wala naman talaga ako nun, kaya di naman talaga yun kawalan. Nakakaalis din naman ako dito kung may kailangan talaga puntahan. At kung papipiliin lang din naman sa pagitan ng social life at salapi e wala tayong magagawa, pera-pera lang yan.
Haay. Kaso ibabalik na ako sa umaga. Babalik sa mga pagiging alipin. Andun ang mga bossing, kanila na naman ang mundo. Balik sa sweldong maliit. Patay ang lifestyle sabi nga nung kasama ko.
Dapat siguro maghanap na ng ibang trabaho.