Friday, February 1, 2008

Clean Slate

“When you finally get what you want, you end up missing what you left behind”

~John Dorian

Happy New Year!!!

Hindi ko inakalang mahuhuli ng isang buwan ang aking pagbati ng Manigong Bagong taon sa inyong lahat. Hindi man lang natin nasimulang Magana ang taon para sa blog kong ito.

Pero wala pa namang Chinese New Year kaya naman, pwede pa rin.

Pero hindi naman nalalayo ang estado ng aking blog sa mga blog ng mga tao sa bodega. Hindi ko alam kung sobrang abala sila sa dyaryo dahil isa palang slave driver si sir armand o lahat sila’y bigla na lang nagkaroon ng mga lablayps o sadyang tinatamad lang sila. O baka naman di na sila nagbloblog dahil wala na silang inspirasyon…

ehem, ehem.

Kaya naman, naisipan kong bumalik dito ngayon para naman i-resuscitate ang aking naghihingalong blog. Ipinagpaliban ko muna ang pagpapalevel-up sa aking mga village sa Tribal Wars, isang browser game na kinaadikan ko ngayon dahil pwedeng laruin sa opisina nang hindi nahahalata masyado.

Ano na nga ba ang latest?


Una sa lahat, tiyak nang gagraduate ako ngayong February. Hindi kami marami, at marami pa rin sa mga kakilala ko ang naiwan dahil sa isang bugnuting Asignaturang Upuan . May mga kablock ako na dapat nung November pa grumaduate pero sa May pa sila makakapagsuot ng toga. At kahit sa buwan ng Mayo ay hindi pa rin sila sigurado.

Kaya masasabi kong mapalad na rin ako at nakalusot ako ng Design 2. Malaki pa rin pala ang ipagpapasalamat ko kay mamsir at sa kanyang girlfriend at sa iba pa nilang alipores na pinagbigyan ako. Isang batas na ata ng kalikasan na may mga mas malala pa ang dinanas sa iyo sa kahit anong pagkakataon.

Ano nga ba ang nararamdaman ko at gagraduate na ako?

Hmmm… kahit kailan hindi nagging malaking bagay para sa akin ang graduation. Syempre gusto kong grumaduate, pero nung alam kong gagraduate na ako, parang naisip ko, ah ok… buti naman.

Whooosh!

Ang malungkot lang naman talaga sa graduation ay may iiwan ka. Magkakahiwalay-hiwalay kayo. Kumbaga nung hayskul, hindi mo na makikita yung terror nyong prof, o yung kras mo sa kabilang row. Wala nang P.E. o C.A.T., wala nang mga Field Day o Intrams o Cheering Competition. Yun lang naman.

Pero nitong college ay wala naman ako masyadong naging mga kabarkada sa mismong klase. Maraming mga topaking prof pero walang uniporme ang mga babae. Tsk tsk. May mga naging kabarkada man ako dati ay mahabang istorya pa kung bakit hindi na ganun ngayon.

Kaya naman mas nalungkot pa ako nung grumaduate ako ng bodega dahil mas matagal kong kasama ang tao dun. Naks. Kung kelan sila nahilig maglaro ng computer games, o kaya pwedeg maglaro ng bilyar, o kaya nagkaroon ng PSP e dun pa ako nawala. Mamimiss ko yung mga tulugan ko sa opis na madalas e kahit saan lang abutan ng antok. Tsk tsk.

Kamusta na ba kayo dyan?

__________________________________________

Nung isang buwan nagkaroon ng sira ang pc ko at dahil hindi naman ako computer engineer (nagpapanggap pa rin kahit gagraduate na) e pinaayos namin sa kaopisina ng nanay ko (na hindi rin computer engineer kundi management grad ata)

SImpleng ayos lang ang inaasahan ko. Akala ko konting kutkot lang nya e presto… ayos na ang pc ko. Kasi minor lang yung problem, parang pagkatapos ng kalahating oras bigla na lang maghahang yung pc. Pag-uwi ko ng bahay nagulat ako at nareformat na ang buong pc.

Tamang tama, wala pa naman akong back-up ng kahit ano. Shi-eeit! Yung mga dinownload ko na kung ano-ano, mga pelikula, palabas sa tv, anime, mga documents, mga draft ng articles, mga picture, mga toooot (na wala naman talaga…)… blah blah at blah. Nawala lahat. Burado.

Yung 160 GB na hard disk ko na bago irefornat ay 30+ GB na lang ang free, biglang naging 130 GB free space.

So ano nga bang punto ko sa kwento na yun? Bukod sa dapat may back-up lahat ng porn este documents mo sa pc. ay wala namang iba pa. Naisip ko lang na masyado akong makapit sa nakaraan. Karamihan sa mga nakalagay sa hard disk ko na yun ay hindi ko naman nagagamit, ayaw ko lang pakawalan. Sayang e. Baka may paggamitan bigla. Baka hindi pa tapos ang gamit nya at kaylanganin ko ulit.

Kapag nawala yun, parang isang malaking kawalan. Para kang nagsimula ulit nang hindi pa tapos. Kapareho lang nang pagpilit kalimutan ang nakaraan o yung move on na sinasabi nila. Parang may nawalang parte sa buhay mo. Mahirap. Mas maganda kung may shift+delete din ang utak gaya ng pc o kaya reformat kapag gusto mong burahin ang laman ng utak mo.

Pero kagaya ng hard disk nay un, baka naman ibig sabihin lang, kailangan ko nang magbigay ng malaking espasyo para may mga bago namang dumating sa buhay ko na mas makakatulong sa akin. Baka naman kaya walang nagkakamali e dahil ayaw ko silang pagbigyan.

Di ba? >_<