Friday, April 21, 2006

Return of the Comeback

i shall return --mcarthur


matapos ang matagal na pananahimik…eto na si ninong at nagbabalik

sensya na, bakasyon nitong mga nakaraang araw e…wala naman kaming internet… at natuwa ako sa paglalaro ng gba emulator kaya kahit draft ng iblo-blog ko wala akong nagawa…hehe.

Atsaka nagbigay pa si kuya ray ng take home assignments para sa aming lampoon issue…na supposedly dapat lumabas ngayon april. Come hell or high water. =) pero mukhang sa may pa ata lalabas

Lampoon issue kasi kaya dapat nakakatawa o kahit nakakatuwa man lang ung mga articles…

Minsan pala mas mahirap gumawa ng kwento na walang katotohanan…ang daming kailangan i-consider…di naman pwedeng salpak ka lang ng salpak ng mga salita kung wala rin naming kwenta ung mabubuo mong kwento…sino naman ang matatawa dun?

Mahirap din talagang magpatawa. Hahaha. Sabi nga nila you cannot please everybody…pero dahil binabasa mo ang blog ko…malamang…naku, dapat lang…sigurado…walang duda…na-plea-please kita at kahit pano natutuwa kayo sa akin di ba? Ahahahahahaha. Hahaha. Hahaha.

Hoy, bakit di ka tumatawa? Hahaha.

Tawa tayo. Hahaha. Hahaha. Hahaha. Nakakatuwa talaga si ninong. Hahaha. Hahaha.

____________________________________________

Ngapala, bago ko makalimutan… kung may nalalaman kayong kahit anong impormasyon ukol sa taong ito…nawa’y ipagbigay lamang sa akin… kailangan ko para sa sports article ko.

hmm...teka...Di ngapala ako marunong maglagay ng pic sa post.

Haay, basta un na un…c jimmy santos ang tinutukoy ko… kahit ung team lang ni Jimmy Santos nung naglalaro pa sya sa PBA…kung alam nyo ung jersey no. nya pakisabi na rin. Atsaka position… Paki-email na lang ako sa
ninong_opsrey11@yahoo.com. ASAP sana, pwede ba yun? Aasahan ko yan. Wag mo ako ipapahiya ah...
________________________________________________

Marami ring nangyari nitong bakasyon pagkagaling ko sa pagudpud…kahit mas madalas na gising-noodtv-kain-laropc-tulog, gising-noodtv-kain-laropc-tulog (repeat 3x until fade) lang ang ginagawa ko sa 80% ng 3 linggong bakasyon na iyon.
________________________________________________

Pero dahil pasukan na namin ngayon (FYI, ang MapĂșa ay quarterm system kaya kisapmata lang ang mga “termbreaks” ung parang pipikit ka lang, pagdilat mo, pasukan na kaagad)…baka mabagot ka lang magbasa ng mga nangyari sa akin nitong bakasyon…saka wala ako sa mood ikwento ngayon e, bakit ba mapilit ka…next time na lang ha?

Sige.


P.S. ngapala ...hindi lumalabas ang floobie chatterbox dito sa mapua...kaya sa comments na lang nyo ilagay ung dapat nyong sabihin kung tinatamad kayo sa email...