Ano ba ang pangalan kung hindi katagang bigay sa'yo ng ibang tao.
Ang totoong pangalan ko, hirap silang bigkasin sa simula... aanim na letra lang yung isa e marami pa ring nagkakamali...
Nung second year highschool ako, may isa akong kaklaseng babae na nakahalatang naka-polo ako for two days nung Foundation Day(s) namin sa school. Kasi pag foundation pwedeng walang uniform... pwedeng naka-civilian ka.
Hindi ko maiwasan ang magpolo, dahil ipinasuot ni nanay ang damit, kung hindi ko raw isusuot e ipapamigay raw nya lahat ng t-shirt ko. Hindi kasi ako mahilig sa polo talaga.
Sabi ni nanay, ang pogi ko pa naman daw, hindi ako pumoporma (wahaha... joke lang yan, haha... di talaga yan yung sinabi) Ang sabi talaga ay, "lagi ka na lang naka-tshirt! andami mong polo, hindi mo isinusuot... sige pag hindi mo sinuot ang mga polo mo e ipapamigay ko yang mga tshirt mo para puro nakapolo ka lagi."
Pinagbigyan ko si nanay, para wala nang away. At dahil isa akong masunuring bata. Haha.
Ayun nga, pagdating ng Foundation Day namin naka-polo ako samantalang karamihan sa mga kaklase ko e casual lang... tshirt at pantalon. Ayun kinabukasan, ganun ulit. Haha. May baon akong tshirt, kako magpapalit ako pagdating ng skul pero bago makapagpalit e nakita ako nung kaklase ko na yun at ang sabi nya e para daw akong mag-aanak sa binyag... sabay sigaw ng
"ninong!!!"
nagtinginan ang mga kaklase ko at natawa sila. mukha nga raw talaga akong ninong... ?_?
simula nun ninong na tinawag nila sa akin...karamihan sa mga babae, yun na tinawag nila sa akin...ewan ko ba, nahihirapan ata sila sa totoong pangalan ko... hmmm... pang-asar rin ata dapat nung simula yun e... e nagustuhan ko kaya ayun naging ninong na ang palayaw ko...
tapos nagmamano yung mga kaklase kong babae pagpasok ko ng classroom...alangan namang tanggihan ko sila...di ba? pinanindigan ko na...
pagdating ng college, yun na rin ang ginamit ko... wala lang... hehe.
Dalawa lang ang tunay kong inaanak at hindi pa rin ako palabigay ng regalo.
Ngapala, ipinamigay pa rin ni nanay ang mga tshirt ko. tsk tsk. haha.