Tuesday, February 18, 2014

The Cake is a Lie

“It’s not the pain I’m afraid of; I know about the pain. What I’m afraid of is the end of this small, sweet dream.” — Stephen King

Di ko alam. Di ko maintindihan.

Gusto ko sya isipan ng excuse kahit wala naman syang binibigay. Pero nanggaling na tayo dun di ba? Alam mo naman kung saan napunta ang mga tagpo na yun dati. Di maganda ang mga pangyayari. Baka naman dapat wag na lang. Mukhang ayaw e.

Wag ka nang makulit kasi.

Kakausapin ko sana kanina. Pagdating na pagdating sa opisina, ilalapag ko lang ang gamit ko, bubuksan ang laptop at iloload ang email, tapos ipiping ko sya sa lync. Na mag-usap kami. Kahit saan. Magkape o magtsokolate, magtakeout o maglakad. Kahit ano. Gusto ko lang magkausap kami.

Aayain ko mag-date. Hail Mary play ika nga ni Ikatlo. Yes or No lang. Dahil yung aya ko sa kanya nung Sabado, hindi nya sinagot. Nakita nya pero hindi nya pinansin. At lumipas ang mahigit sa 60 oras pero wala syang nabanggit. Baka nga kung tinext ko ang mga elemento, mas naramdaman ko sila.

Iniisip nya bang kung hindi nya papansinin, mawawala na lang basta? Na kung anuman ang meron, maglalaho na lang bigla?

Iibahin ko ang lugar. Baka naman ayaw na nya sa starbucks. E mukhang gusto naman ng tsokolate. Bakit di na lang sa tsoko.nut. Pagdating ko ng RCBC, umakyat ako ng third floor, tsinek ko kung bukas ba, kung maraming tao dun. Para kung ok naman, dun na lang.

Pagdating ko sa kanto ng 711, wah... andun sila. Buong pwersa ng mga kasama nya. Nasa tapat ng tsoko.nut. Nakita nya ata ako agad. Nagkatinginan kami. Namalik mata ba ako o umiwas sya ng tingin. Umiwas din ata ako ng tingin. Pero di naman ako makaatras dahil lumampas na ako ng 711 nung makita ko sila. Wala akong maidahilan kung bakit ako nandun. Nakita nila ako. San daw ako pupunta. Sarado na lahat ng tindahan sa hilera nun. Ah, kako, may bibilhin lang sa pan de manila...sabi kong nagmamadali makalayo. Nakita ko may bag na sya. Uuwi na, 930 pa lang... dati naman ginagabi sya kung di inuumaga.

Pagdating ko sa opisina, inisip ko kung paano sya kakausapin. Baka naman bukas, umuwi na naman ng maaga, wala akong madatnan kundi offline status nya. Ilang isip pa at labag sa ilang payo, tinext ko sya ulit. Sa viber para kita ko kung nabasa nya. Sinabi kong nagulat ako nung nakita ko sila. Kakausapin ko sana sya pero umuwi sya ng maaga. Baka naman bukas pwede kami mag-usap. Aagahan ko ang pasok para di sya makatakas (pabiro).

Para daw akong nakakita ng monster nung nakita ko sila. Tungkol san daw ba ang pag-uusapan namin.

Kako kasi di na sya nagreply nung nagtext ako nung sabado. Baka di pala sya mahilig sa LEGO. Tungkol dun sana.

Nagreply sya. Naku, pasensya na pero I don't go out on a date kasi. Sorry.

Ah sabi ko ako din di pa nakipagdate. Pero tanong ko lang bakit naman?

Di na sya ulit sumagot. Nakita ko na nabasa nya. Pero pinili nya na wag ako sagutin.

Di ko na alam. Parang ayaw ko na ng mga ganung laro. May sarili din naman akong bagaheng dala.

No comments:

Post a Comment