Thursday, December 28, 2006

Year-Ender

I don’t hate change. I just don’t want to be there when it happens.
-Monk

Mukhang ito na po ang aking huling post para sa taong 2006… dahil kung di mo pa napapansin, kung kelan may internet, dun pa tinamad si ninong magpost sa blog nya…

lagi siyang nawiwili manggulo sa ownage…at sa mga conference sa YM…kasi ambilis magreply ng mga tao dun…samantalang dito…umm…hmm…matipid mga tao sa comment…matipid talaga…

______________

Gusto ko pasalamatan yung mga nagtyatyagang magcomment kahit sa CBOX lang…at least nagkakaideya ako kung sino-sino ba ung mga naliligaw dito…yung mga “loyal” kumbaga, hehe…sina sir armand, sir ray, ate yunisee…si nico, fritz…si erwin…si tannix…si sir ean, si sir namre…sabi nung iba nakakatuwa raw mga blog posts ko… may nagsabing madrama…napagtyagaan nyo lang ito e masaya na ako…

Umikot ang buong 2006 ko sa loob ng The New Builder. Pagkadating sa Mapúa, derecho akong ofis…pagkatinamad sa klase, lalabas at didiretsong ofis…pagkagaling sa klase, ofis pa rin…feeling ko empleyado akong may opisina… pero lagi kong gusto pumasok sa trabaho…

hindi ako masyadong nakagala ngayong taon…kasi yung mga kasama ko sa pagpunta sa malayo ay di ko na kasama…

Nakita ko na ang pangalan ko sa dyaryo. Di lang sa The New Builder kundi pati na rin sa Manila Bulletin… Pero di katulad nung hayskul mas marami na akong naisulat… bumagsak ulit ako ng 6 units…pero after nun 3 terms na akong walang 5.00…sana lang hindi na masira ang winning streak…

Nakalampas sa ilang silent terrors…30 units na lang ako…graduate na…ayoko pa siguro grumaduate…medyo kinakabahan sa paghahanap ng trabaho…ewan ko…di pa rin kasi ako nag-iimprove sa interview…bali-baliktarin man natin…laging palpak pa rin ang aking interview…hmmm…need to do something about that…

Nakapanood na ako ng mga laro sa NCAA…naranasan ko ang kapangyarihan ng mga ID at kung bakit may punto ang slogan ng Libre na “the best things in life are free”.

Nagkatigdas na ako at nalaman kong may astigmatism na rin ako…nadagdagan na naman ang mga libro ko nang mahigit dalawampu…palagay ko nasa 400 na sila…

Naranasan ko na ang feeling ng may “sweldo”…nakabili ako ng MP3 player sa pamamagitan ng pagtitipid…nakapag-“pundar” na rin ako ng DVD-CD Writer at sandamakmak na DVD…ibig sabihin hindi na lang puro libro ang binibili ko…

Inabot na ako ng past 11 sa Mapúa…sa bilyaran…at nakaganti na rin ako sa mga gusto maging builder nung Qualifying Exams nila…n_n peace. Nanalo na ako sa piso pisong pusta sa basketball, sa bayad mesa sa bilyar at pusoy dos…natalo rin naman ako…

Natuklasan ko na pwede ko pa rin palang mapanood yung mga tv series na gusto ko panoorin sa pamamagitan ng torrent…at ng mga dvd sa carriedo…di na ako nahilig maglaro ng mga PC games…feeling ko kulang na ang oras ko para dun…

Nakapunta na ako sa Mapúa Makati…sa SM Mall of Asia, sa loob ng St. Paul QC. Sa España Towers, sa Dad’s Kamayan, sa SKYWAY, sa pasig, sa buong Raon, sa loob ng Araneta Center, sa Rizal Memorial Stadium at Ninoy Memorial Stadium, sa bagong gym ng EAC… Ibig sabihin upgraded na naman ang mga maps sa utak ko… tiyak kong next year, mas marami pa akong kailangan puntahan…

Nakapunta na ako sa Pagudpud…kung saan magkadikit ang dagat at ang silong ng langit…kung saan malalakas ang alon at libre ang manghuli ng hermit crab…kung saan nakatikim ako ng octopus at muntik nang malaglag sa bangin para lang mapuntahan ang maliit na falls, na sobrang ubod ng ganda at napakalamig ang tubig… kung saan may daan sa gilid ng bundok at ang mga tanawin ay tila imposibleng ikahon sa isang magandang painting…

Wala pa rin akong girlfriend. Sinubukan ko ulit…pero dammit talaga... mission failed na naman.
_______________________
Sabi sa akin ni Erwin tama na raw ang pagpopost tungkol kay Jocelyn…tama na… may tama rn syamaybe this would be the last…kung saka-sakali…matagal ko na ito dapat tinype…pinapatagal ko lang…ayaw ko maglast post tungkol sa kanya…

Wala lang…nakakalungkot lang… Some things are not meant to be. And wanting something will not cause it to happen. Kasi kung “wanting” lang naman ang usapan, e dapat matagal na yang natupad yung wish ko…

Naasar lang ako kasi sayang…nanggagalaiti ako dahil nanghihinayang talaga ako…I would have had a story that would rival jed’s sa ownage…would have…kung di lang ako tanga…siguro nanggigigil ako dahil may mga mali na di na pwedeng itama…I still hoped na maitatama ko ang mali…pero gaya ng sinabi ko sa friendster…ayaw ng mga mali ko na itama ko sila…ayaw nila…

Minsan nakakadiscourage lang…nakakadepresss…na may mga bagay na di natin mabago… at may mga bagay na ayaw man natin magbago…nagbabago…
_________________________

I would not end this post on a sad note…dahil ang sagwa naman nun…naging maganda naman ang taong ito para sa akin…at masaya naman ako sa mga nangyayari… and if my lovelife would have to suffer for it…ok na rin siguro… I’m quite happy…and thankful.

And I am looking forward to next year…sana…maging masaya rin ang susunod na taon…di lang para sa kin kundi para na rin sa inyo…

HAPPY NEW YEAR!

Thursday, December 14, 2006

Murmurs

Sharona: Don’t get your hopes up
Monk: Why not? That’s what hopes are for.
-MONK

Para sa ibang Mapuan, tapos na ang term na ito…para sa akin…medyo hindi pa. Konting tulak pa bago mai-“seal ang deal”. By Friday wala na sa akin ang kapangyarihang baguhin ang kapalaran…dahil nasa mga prof ko na ang palakol.

Sobrang stressful ng mga nakaraang araw…ang gara nga kasi dalawa lang ang final exams ko this week. Nakalimutan ko pa yung isa. Umuwi na ako nung bahay, kinabukasan ko na naalala na may exam pala kami sa methods nung Monday. Wow.

Mali pala ako nung sinabi kong tapos na ang hell week ko dun sa last post. Kasi, may bonus stage pa pala.

Dahil daw TNB naman ako, siguro naman madali lang daw para sa akin ang gumawa ng mga paperworks at documentation. Sori, pero sa totoo lang…AYAW ko ng paperwork.At hindi sila madaling gawin. Siguro madali mambarbero ng mga 2-5 pages pero ang isang documentation umaabot ng 30-50 pages. Kahit sino naman mauubusan ng ilalagay…lalo na’t sabay ang methods ko at feasibility.

Sabi na kasi dati pa, gawin na ang mga bagay habang maaga. Kung bakit ba naman kasi napakahirap gawin ang dapat gawin. Kaya tuloy nitong mga nakaraang araw lagi na akong inuumaga magedit at revise ng mga gawa nila.

Mahirap. May mga gawa kasi na hindi kaedit edit…kelangan ko ibalik sa kanila para iparewrite pero di naman pwede yun…kaya ako na ang nagrewrite nung iba… Minsan dahil sa sobrang pagod…di ko na iniisip…grammar na lang chinecheck ko…

Ayun….ok naman kinalabasan…konting revision na lang bukas at ok na ako sa methods…sabi ni sir sy-ete parang medyo sy-ete na rin kami sa feasib ngayong term. Ok na yun kaysa singko…normal lang naman ang sy-ete sa kanya.
_______________________
Nagpapasalamat ako sa mga conferences sa YM na pasimuno nina tannix…Kasi… Wala lang, at least narerelease ko yung topak ko… haha… kaya magulo ako dun e…maingay si ninong sa YM conference.

sa totoo lang, kapag natuloy yung EB na sinasabi nila ng mga tao sa mapuaownage at kung sakaling pumunta at makita nila ako, baka hindi sila maniwalang ako si ninong sa mapuaownage.

Alam naman ng lahat nang nakakakilala ng personal sa akin na medyo tahimik talaga akong tao. Sabi nung iba, suplado daw ako…di naman…mas madalas lang ako mag-isip bago magsalita kaya ang nangyayari, parang naluluma agad yung sinasabi ko… at nangyayari di ko na lang sinasabi…

Madalas, di ko masundan yung conversations…di ko alam baka may attention defiency disorder (ADD) ako kasi madalas akong nadidistract, magaling lang akong sumimple, kaya di nila ata nahahalata.

At naisip ko rin…na bagay na bagay pala ang title ng blog ko na Murmurs…kasi tahimik lang din ako…at minsan yung mga gusto ko sabihin…hindi ko nasasabi…

Pero sabi nga ni Monk… “I am what I am.”
________________________
Natutuwa ako sa pinapanood kong series ngayon…nakabili kasi ako sa carriedo ng mga DVD... ng mga tv series na di ko mapanood… Hindi ko mapanood dahil isa lang ang tv namin at mas gusto nilang manood ng mga telenovelang paulit-ulit naman ang plot at kadalasan sobrang oa ng mga artista…kaysa pagtyagaan yung mga gusto ko panoorin…ayaw nila panoorin dahil di raw nila maintindihan. Ewan.

So, nung nakita ko yung mga yun e binili ko na agad…sa wakas mapapanood ko na ang mga ito kung kelan ko gustuhin. Ang problema kasi pag palabas sa tv hindi mo control ang oras…kaya kung may kasabay sila, hindi ka naman mananalo sa magulang e…kahit minsan may pagka-unfair…minsan talaga kailangan pagbigyan na lang para wala nang gulo. Henyo ang nagsabing mahirap din magpalaki ng magulang. n_n

“Magdamag na kayo sa TV. Kami nga ngayon lang manonood di nyo pa mapagbigyan?!” sasabihin ng nanay ko… sasabihin naman ng tatay ko, “Ano ba yang pinapanood mo, usap nang usap, walang action? Dun na lang sa isa”.

Ang nakakatuwa pa kay nanay, naglalaro sya ng PC (pizza frenzy) pero ayaw nya pa rin ipalipat ang channel ng tv…kasi daw “nakikinig sya”. Di ba madaya yun?

Sa amin kasi ng kapatid ko, usapang matino, kung sino may hawak ng computer dapat walang pakialam sa tv and vice versa… kasi kung pareho mong hawak, ano na lang gagawin nung isa? Di ba tama naman kami?
_______________________
Bale yung pinapanood ko sa ngayon ay yung MONK…

Si tony shaloub yung main actor…isa syang magaling na detective. Kaso lang may sakit sya. Anxiety disorder. Obsessive-Compulsive sya. Tapos ang dami nyang phobia, takot sa germs, takot sa milk, takot sa clowns, takot sa crowd, takot sa heights…lahat na halos… pero dahil nga OC sya, madali nyang napapansin yung mga pattern saka mga pagkakaiba…tapos matindi rin yung photographic memory nya…

Dati pa syang may sakit na ganun. Pero parang medyo nakokontrol nya kahit pano…nagtratrabaho pa nga siya bilang isang homicide detective. kaya lang nung namatay yung asawa sa car bomb…ayun bumigay sya. Natanggal sya sa pagkapulis at nawalan sya ng control sa mga mannerisms nya. 3 years ata syang nagkulong sa bahay, bago dumating yung nurse na tumulong sa kanya makarecover…si Sharona.

Ayun…every episode may kaso…may pinatay, pumatay at may trick. May comedy dahil sa mga mannerisms ni monk tapos minsan may konting drama…. In short, astig.

Sa ngayon, nasa season two na ako. Nasa season 5 na ang Monk sa tv.
________________

May bago nang EIC. Ang bagong “Amyrlin Seat”.

“She comes; She comes! The Watcher of the Seals, the Flame of Tar Valon, the Amylin Seat. Attend you all, for she comes!”

Ang pagkakaiba lang nila, lalaki ang bagong EIC…congrats Nico.

Alam ko naman na hindi ko gusto maging EIC…ang iniisip ko lang, tama ba na wala akong kabalak-balak maging ganun? Siguro madali lang akong makuntento…at alam ko so far, ok na ako sa pwesto ko…yun lang.

I just hate complications. You cannot prepare for everything.

Saturday, December 9, 2006

Level Summary

“If you want something done, sometimes you have to do it yourself.”

Nasa mapuaownage ako kanina (hanapin ang link sa tabi-tabi)…pero sa di ko pa malamang kadahilanan…ayun problem loading page…hindi ko na ma-access yung forums. Kaya tutal naman naligaw si sir tannix dito, e naisipan ko na ring i-update ang aking blog…

Tapos na ang aking Hell Week. At nasa katinuan pa po ako. Yehey.

HW Level 14 CLEARED
Gained 103186 experience points
Gained Ability: Semi-Autopilot
Upgraded abilities: Torrent (lvl 6), Orchid Mode (lvl 12), Self-Control (lvl 99999)
Found Items: Pirated DVD’s from the plains of Carriedo
?? Levels more to go

Continue Suicide? Y/N


Saka na lang ulit yung kwento…update lang naman e. hehe.

Friday, December 1, 2006

Pack That Sheet

“Di ko pa masasabi ngayon ang grade nyo…pero pasado na kayo…pinakmababa na ang tres”
- sir paglinawan

Hmmm…dahil walang pasok kahapon at ngayon at bukas…naisipan ko naman gamitin ang aking “free time” para gumawa ng isang post para sa aking blog. Marami pang gagawin pero wala naman pasok ngayon kaya nga mamaya na lang sila…

Matapos ang pitong linggo ng pakikipag-away at pagpapaalipin sa aking mga kagrupo sa design 1, ikinagagalak kong ipaalam sa inyo na nalampasan ko na ang subject na ito…and I quote:

(insert intro quote here)

Kung pwede lang akong sumigaw sa comm lab room na yun ay sumigaw na ako…anak ng baka…salamat po!!! Kung tutuusin, isa ito sa mga una kong ipinaubayang subject sa itaas ngayong term…isinuko ko na lang…hindi dahil mahirap ang prototype, kundi mahirap…as in mahirap, pakisamahan ang mga kagroupmate ko…

Akala ko ok na…andun kasi yung isa sa mga henyong kablock ko nung 1styr 1st term…akala ko pa nga makakaparasite ako ng konti (orchid mode pala)…ibig ko sabihin hindi na ako masyado mag-iisip…sabi nga ni nico..”ah…c ******, ayos yun papasa na kayo nyan…”

Walangjo…mali pala ako… (medyo mali rin si nico…hehe) Ang mga kagrupo ko ay mula sa IEEE…dalawang babae saka isang…ummm…ah…e…hmmm…lalaki…ata. At dahil dito parang lalo kong napagtanto na tama ako na hindi ako sumali sa IEEE, dahil di ko alam kung ano ba ang nangyari sa akin…pero masasabi kong hindi ko sila ka-wavelength at out of phase ako sa kanila…

Syempre dahil binigay ang proposal nung 2nd week, hindi kaagad kami nakapagsimula…una dahil 3 weeks ding nawala si sir pagli at di namin alam kung naaprove ba yung proposal namin o hindi…it turned out na hindi pala…tapos sabay gawa ulit kagrupo ko ng proposal…SCARAB daw ang gagawin namin…prototype na umiiwas pag may harang at may paa na parang scarab…

E walangjo, yung kagrupo ko pala gumawa ng proposal na hindi pa sigurado kung existing ang kit. Una pa lang kasi ay napagdesisyunan nang gumamit ng kit dahil ok lang kay sir ang kit…requirements lang ay may zilog or pic microcontroller tapos may mechanical parts. Kaya naghanap pa kami sa e-gizmo ng kit..wala daw…meron lang sila nung mobot…yung kotse. Nagpunta kaming raon…ayun mga 2 hrs kaming nagpagala-gala pero walang nangyari…pagkatapos nun nagka-tigdas ako.

Lumipas ang mga linggo at puro utos lang ang mga kagrupo ko…”pasa ka ng progress report, ngayon na blah blah…”, “tawagan mo nga si ganito…sabihin mo ganyan…”…, “magpunta ka naman sa OVPSA tapos kuha ka ng student loan…ngayon na…” Syempre dahil akala ko may gagawin naman sila…ayos lang sa akin maging errand boy…

Napansin ko wala naman nangyayari…at yung nakita nilang mapagpapagawaan e 10000 ang bayad…bale 2,500 bawat isa sa amin …pero ala pala sila ganung pera…kinancel nila yung deal 1 week before nung pasahan ng prototype. At yung hambog na kadeal namin humingi pa ng P500 damage fee…breach of contract daw….ewan ko lang kung may pinirmahan sila pero kung ako yung nandun di ako pauuto…

Inaway pa ako nung kagroupmate ko…kasi binabaan ko siya ng cel…e pano ba naman tinatanong ko kung anong gagawin sa akin binubuhos ang galit nya…binabara ako…tapos sabi kung ayaw ko raw tumulong e di wag…sabi ko gusto ko tumulong pero ayusin naman nila makiusap…ginagawa ko naman trabaho ko…tapos sabi nya e wala raw ako initiative, di raw ako namomoblema…kaya para matapos na ako na nakipag-ayos…dahil gusto ko na ring pumasa…

Nung sabado, (Tuesday ang deadline) may kit na kami…ung mobot sa e-gizmo…gagawin namin yung katulad dun sa isang group, maze follower…aba pumunta akong skul kahit la akong pasok…sabi bili daw ako ng ganito ganyan sa raon…bili naman ako…akala ko naman sila magkakabit…ayun pagdating ng 4:30, nalaman ko di pala sila marunong magkabit. Puntang e-gizmo, ako pa ang nagtanong…sa akin din pinauwi yung kit…pagdating sa bahay…walanghiyang kit yan…walang matinong instruction…wala ngang instruction e…so ang ginawa namin ni tatay nilagyan namin ng mount…yung lagayan ng mga pcb…pero di ko masolder dahil alang kwenta yung schematic.

Kaya dumating ang lunes na wala pang mapagcoconnect na mga pcb…icoconnect na lang kasi…problema lang ay kung pano…syempre tawag sila sa cel…”bili ka naman ng soldering paste sa raon saka electrical tape saka wirecutter…”. Sige na para matapos na. Akala ko naman may gagawa na..kasi may kasama silang IEEE na nagsosolder nung una…pero pagbalik ko wala pa rin pala…kaya ang nangyari…ako pa rin ang nagsolder…syempre pagkatapos isolder lahat sinubukan namin patakbuhin…syempre asa pang gagana yun…e di hindi nga…

Punta kaming e-gizmo. E walangjong kit naman talaga yan…napakaraming problema…kelangan daw ayusin pa yung wiring sa battery…e dahil eec night, at kasama silang tatlo aba sa akin pinauwi ang prototype…ako na daw bahala…

Kaya habang nagpapakasaya sila sa metrobar…ako etong nasa bahay nagsosolder…basta gumana lang…kahit ako na gumawa…ayun di pa rin gumana.

Bumalik akong e-gizmo kinabukasan…dahil may pasok daw ung mga kagroup ko…aba pinatroubleshoot ko…mga 1 oras kalahati bago naayos…pero problema pa rin yung battery…

In short, pumunta kami ng school (sumunod kasi sila sa e-gizmo) dala yung prototype na ang gulo-gulo nung wiring na hindi pa namin matesting dahil mahina lang ang battery…dala-dala ang mainit-init pa naming documentation…at nagpresent kami kay sir…pinidot yung ON switch…nagdadasal…

Sana po gumana..kahit 3 minutes lang…”

Ayun umandar yung kotse…tapos umiwas sa mga obstacle tapos bumangga dun sa kanto…tapos humina na yung battery…gumagapang na lang yung kotse…pero umiiwas pa rin…

Kaya summary ay: (insert intro quote here)

So tapos na ang design 1. pasado na… bawas na ang aking mga suliranin.

Wednesday, November 22, 2006

Gulo

"The dark side clouds everything"
-Yoda

Hmmm…napansin ko na karamihan sa mga bloggers ng tnb ay nagpost na sa kani-kanilang mga blog. Samantalang ako, ang last post ko ay nung birthday pa ni Jocelyn…nakngbaka. Sa loob ng mahabang panahon na iyan lumampas na sa 100 beses nagpabalik-balik ang mga tagahanga ko sa blog na ito para lang madisappoint dahil wth wala pang post si ninong…nananadya na ata.
_____________________________

Sa totoo lang, hindi naman talaga ako busy. Oo nga maraming “ginagawa” sa mga design pero walangjo parang wala talagang ginagawa e…haay… ang gulo. Kasi lahat ng mga ka-group ko gusto ata magcramming…o baka gusto lang nila akong mamatay ng maaga dahil sa stress… Ang alam ko mapapaaga ang hell week ko…later this week hanggang next week…kaya kapag nagpost ulit ako dito, ibig sabihin buhay pa ako…at hindi nagtagumpay ang mga kagrupo ko na patayin ako sa stress.
______________________________

Haay…lately nanggugulo lang ako sa mapuaownage…unofficial forums ng mga mapuans. Mga mapuans na marami ring ibang dapat gawin pero inuuna ang gusto nila gawin. Ayun, ang ginagawa ko lang dun nang-aaway ng mga k*pal na ayaw sa tnb…nagpopost ng kung ano-ano…wala lang, nanggugulo. Kasi dun medyo buhay ang mga tao…magpost ako ng konti may nagrereact kaagad…di katulad dito medyo…hmmm…silent types ang mga mambabasa ko.
______________________________

Habang tinatype ko ito, nagtampo na naman ang nanay ko sa akin. NAMAN. Wala naman akong ginawang masama e. Nagpapaliwanag lang ako…nagtataas na raw ako ng boses… e kasi naman e…ipinaliwanag ko na parang di naman sila nakikinig, magtatanong ulit e sinagot ko na nga di ba? Siyempre di naman ako ganun ka-patient na tao…lalo na pag may ginagawa ako…pero wala, di nila naiintindihan yun. Walangjo. Samantalang kapag sila ang naiirita wala kang karapatan magreklamo. Di ba unfair yun. Unfair e. Asar. Syempre eto ako naguiguilty kahit alam ko dapat hindi. Dahil alam ko tao lang ako, syempre may mga times na mahirap itago ang pagkairita…lalo na pag parang di ka nila naiintindihan tapos tanong ng tanong e inexplain mo na nga. haay, gulo. Sigurado ako pag inamo ko si nanay…medyo di ako papansinin nyan mga 2 days…samantalang kung tutuusin…naman…naman…haay…minsan talaga ang mundo, hindi pantay makipaglaban. Madaya. Magulo. Asar.
_______________________________

Nakachat ko si **** mga ilang beses pagkatapos ng birthday nya…pero 2 weeks nang hindi. Ok lang. Medyo wala akong pake ngayon. Dahil marami akong ibang badtrip para magpakabadtrip pa lalo…wala lang…wala lang nga e…kulit mo. o sige na nga bibigyan kita ng pahapyaw...

*edit: tinanggal ang pangalan... di ko lang maintindihan kung ano ang ikinagagalit nya... wala naman akong sinabing masama. Ni hindi lumabas na masama sya dito. :( wala lang...


ninong_osprey11:
may gusto sana ako itanong kaya lang di ko alm kung dapat ko pa itanong...
****
: ano un??
ninong_osprey11:
medyo matagal na ito nangyari e...wala lng gusto ko lang linawin...
ninong_osprey11:
ikaw ba tlaga yung nagtext sa cel ko (gamit number mo) nung last year...yung galit ka sa akin dahil makulit ako...at miscall ng miscall pag madaling araw....ummm. un lng.
****
: hmm...secret
ninong_osprey11:
bakit secret pa...

****: wala lng
ninong_osprey11: ngee...
ninong_osprey11: ngeeeeeeee...
****: ehheh
ninong_osprey11: bad ka
ninong_osprey11: uy
ninong_osprey11: sige na
ninong_osprey11: 1 year na akong nag-iisip oh...db?
****:: di ko na maalala eh..
ninong_osprey11: *headdesk (3x)

ninong_osprey11: naayos na ba yung friendster mo?
****: di pa..
ninong_osprey11: wla lang...di ko makita profile mo
****: wg mo ng tignan...hehe
ninong_osprey11: bkt?
****: wa lng
ninong_osprey11: alam mo naman ako..obsessed
****: cra...
****: he!
ninong_osprey11:
****: hmmp
ninong_osprey11: nakakaobsessed ka e...
****: cra ka talaga noh???
ninong_osprey11: kaya kahit profile lang...pwede na
ninong_osprey11: tingin ko rin e
****: tumigil ka nga
****: cra
ninong_osprey11: may mga taong sadyang baliw...
ninong_osprey11: hahaha
****: alam ko...baliw din kc ako
ninong_osprey11: o yun naman pala e
****: anong un nmn pala??
ninong_osprey11: yun nmn pala e..baliw ka din...e di ok lng n baliw ako
****: ngak...
ninong_osprey11: haay...bkt mo nmn nasabi n baliw ka?
****: there are things n ginagawa ko na iam not suposd 2 do
****: haha
ninong_osprey11: like...
****: oi...have to go home..galing pakong Sm...antok nako eh...
ninong_osprey11: huh? ah..cge. ?_?
****: cge po till here na lng po muna ulit...nyt

corny no?
_______________________________

May iba pa akong pinoproblema ngayon…at malaki syang problema…at maraming mga tao ang apektado. Asar pa, hindi ko pwede ikwento dito dahil baka masabihan ako ng “get out of my face”…with matching amylase spray…

Ikwekwento ko na lang yung nabasa ko sa Wheel of Time ni Robert Jordan. Sa kwento may grupo ng mga babae na ang tawag ay Aes Sedai. Mataas sila sa lipunan, minsan mataas pa sa mga hari at reyna dahil kaya nilang mag-channel ng One Power. In short, kaya nilang magmagic.

Isa silang society na may hierarchy…ngayon ang tawag sa lider nila ay Amyrlin Seat. Ngayon nagkagulo ang mga Aes Sedai dahil nagkaroon nang rift nung nag-“coup d’ etat” ung iba at tinanggal sa pwesto yung amyrlin seat. Nahati sila sa dalawa. Ngayon yung mga rebel aes sedai wala silang amyrlin seat. Ayaw naman nila irecognize yung amyrlin seat na bago dahil yun nga yung lider ng kudeta.

Ngayon base sa rules nila hindi kailangang Aes Sedai para maging amyrlin seat. May levels kasi bago maging full aes seadai…magiging Novice ka muna tapos Accepted bago Aes Sedai. So in-assume ng mga gumawa nung rule na amyrlin ka aes sedai ka muna kaya di nila nilagay sa rules na kelangan full aes sedai yung magiging amyrlin.

Pero yung mga rebel kasi hati rin sila…may kanya-kanyang agenda. So nagkaroon ng iba-ibang kandidato para sa amyrlin…pero naisip isang party na bagaman mas marami sila, wala silang malakas na representative na ilalaban sa amyrlin…kaya pumili sila ng taong alam nila na malaki ang tsansa manalo (kahit na Accepted pa lang yun) at kaya nila makokontrol dahil nga Accepted pa lang yun samantalang Aes Sedai na sila. At nanalo nga yung representative nila. Pero kung akala nila na makokontrol nila sya dahil mas marami silang alam kaysa sa kanya, nagkamali sila. Dahil handa siya matuto.

So kung marunong kang mag-“read between the lines”, alam mo na ang problema ko…Accepted pa lang kami. Pero di kami ignorante. Sana.

Ang gulo na naman ng mundo ko! Wala pang babae nyan…tsk!

Tuesday, October 31, 2006

The Gift of Silence

Sometimes i feel like i'm all alone
Wondering of what have i done wrong.
Maybe i'm just missing you all along
When will you be coming home
Back to me?

There were times i felt like giving up.
Haunted by memories i can't give up.
Wish that i never let you go and slip away,
Had enough reasons for you to stay.

Can you feel me,
See me falling away.
Did you hear me,
I'm calling out your name.
'cause i'm barely hanging on
Baby, you need to come home
Back to me.

Sleepless nights,
'cause you're not here by my side
Cold as ice,
I feel deep down inside.
Maybe i'm just missing you all along
When will you be coming home
-Back To Me
by Cueshe


Caveat: I apologize for this post already. Her birthdays always make me feel…cheesy. Or maybe desperate. Whatever. This post is once again in English. I have never been out of the edge yet.

Happy 20th Birthday to you.

We are getting old, you and I. And for a long time, I have been doing this nonsense over and over again. Some people never learn. Or maybe some people just don’t want to. I don’t know why I’m still doing this but I guess some things are done for no other reason except that you feel like doing them.

It has been eight years since I first saw you. Eight years since I first saw your face. Although I have known you for quite some time, I admit I do not really know you that well. You are a puzzle whose pieces keep showing up and disappearing altogether that I find it hard to figure you out. But still, I try.

We have not been able to talk to each other in person that long. In reality, all the time we’ve talked in person could be shorter than the span of one whole day.

I regret the 10 months that I’ve had you as my classmate. And I regret the one whole year that followed when I exhibited how foolish I am after you’ve left. I should have talked to you more and got to know you better instead of acting like some spy and trying to get information about you without arousing attention. I should have replied to those darn letters. I should have…

I should have made everyone KNOW that I liked you, more than anyone else in my entire existence yet. I should have made the whole world know, if I could. Maybe that would have changed everything. I would have been another person entirely. I should have taken every opportunity to carve myself some place right there in your heart.

I know that nothing I can do can change the pattern my life has already woven. And nothing I know can bring you back to me. ‘Coz I never did have you before. And I may never will.

If you could just do me a little bit of a favor and get out of my entire life without making me feel incomplete, I would appreciate it very much.

And ill never bother you again. I’ll give you my gift of silence in return.

Saturday, October 21, 2006

Orchid Mode

"An idle mind is the devil's workshop"
- anonymous

(ginawa ang draft habang nasa classroom...)

These past few weeks, I could have given anything for the same remote control like the one adam sandler used in Click. I would have given anything for some sort of autopilot to take care of my daily activities just so my body can stay at the classroom yet my being can be elsewhere doing something else.

Daydreaming, as well as astral projections, is out of the list though, since I still have to feint attention or else the professor will have my guts skewered in front of everyone.

Having not enough sleep doesn’t help either, since instead of one enemy, I now have two. Not only do I have to fight intense boredom emanating from the four flaming walls of the classroom, but I also have to fight waves of sleepiness that attack me during lecture hours. Grrrr…

My body clock is in a mess. I am attuned to sleeping way, way past midnight and waking up at least by nine o clock in the morning… And I cannot sleep early. I waste more hours trying to get myself to sleep early than sleeping itself… And this term, I HAVE TO WAKE UP BY 5:00 AM! That’s an average of four hours stolen from me. And I get very irritated sometimes, I feel cheated of what is due. I feel like a drunk the whole day, lightheaded and very drowsy.

And let me attest to the fact that classrooms during lectures are very, very conducive to sleeping…especially those air-conditioned rooms, ah…paradise for the sleepyheads. I’m not lying if I tell you that I sleep longer at the TNB office than at my own bed. Sometimes I even sleep longer while riding the fx than hugging my pillow.

Yet there are so many things to do…and I feel like I do not have enough hands to do each one. Two hands can only do so much. ninong cannot do everything.

That is one hell of an alibi to justify why I am in orchid mode. Maybe it should have been parasite mode but I think the word parasite is too strong a word, especially when it is applied to me. Haha. If you have heard, orchids and trees employ a symbiotic relationship called commensalism wherein one party benefits from the other. But unlike parasitism, the other party is not harmed by the symbiosis. Likewise, I benefit from the work of my groupmates, but I don’t think I harm them in any way. I will help them should they require it, but since they do not ask, I assume they can do it themselves.

Being an editor is no easy job. NO EASY JOB. Sir ean can attest to that. And I do not envy sir ean for being the features editor. As sports editor, I only manage two pages while he manages at least four to five pages. I don’t know how he finds the time, but if I have to do his job and everything else, you can just kill me now and be done with it. Allow me to rest in peace.

See this blog post? It’s in English. I rarely do English blogs anymore but when I do them, I’m a bit on the edge of breaking down. Also, editing and writing articles, just grows on you, I guess. If you do them for the better part of your time, it grows on you. And this software-engineering-lecture-class-powerpoint-reporting-projected -on-the-wall-thingy-done-in-front-of-me is putting ME at wits end. I hope the 10:30 bell rings right now. If boredom can kill anyone, I am dead a long time ago. Bummer.

I am not complaining on being an editor, anyway. I mean, I prioritize this thing among anything else. And it has been one of my principles in life that when choosing between what you like to do and what you have to do, you chose what you like to do first. To hell with everything else. Although there are exceptions, especially during hell week and some special deadlines, I abide with this way of life.

Oh and by the way, I will take that scholarship anytime.

Monday, October 16, 2006

Distracted

How come great minds like us are not so lucky in love yet love like there are no other people to love anymore?
– tina (hana ga-eul)

Haha. Masaya si ninong ngayon.

Nakachat kasi nya si Jo….

Palagay nyo ba magaling lang talaga siyang tyumempo? O malakas lang talaga siya tsumamba?

Alam ko hindi ko na dapat ikinakatuwa ang mga ganitong bagay… it was hopeless from the start. Pero wala akong magagawa kung natutuwa ako. Saka minsan lang ako matuwa bakit ba makikialam pa kayo… Pakiramdam ko para akong aso, na natutuwa sa konting buto…pero ang asong ito ay masaya. At mababaw lang naman akong tao… kung di makukuha, fine. Beggars can never be choosers, sabi nila. Siguro tama yun.

Wala lang, natuwa lang ako dahil ung chat na nangyari kagabi ay kapareho ang ambience sa text marathon na nangyari noon sa amin last year… iba yung pagkakausap namin.

Matagal na kasi akong parang may kausap na tuod. Bumabato sa hangin. Kung hindi sya sasagot (na madalas mangyari), yung sagot nya puro period. Parang walang continuity, parang ayaw nya ako kausapin. Nung mga panahong yun, di ko alam kung wala lang ba talaga siyang masabi, o itinataboy nya lang ako...

Hindi ko rin alam kung apektado ba siya sa taong nasa paligid nya, kaya ganun. Kasi kagabi, mag-isa lang siyang nag-internet. Unlike before, lagi siyang may kasama.

I’m not expecting anything. I’m just taking in whatever comes to me. Kung meron e di ok, kung wala, magrereklamo siguro ako, pero ok lang. may mga bagay na habang tumatagal, natatanggap na lang ng sistema natin…

Kaya nga masaya ako e. I’ve missed those kind of conversations…

tanungin mo ako kung anong ginawa ko…well, nilagay ko lang naman sa Microsoft word yung pinag-usapan namin tapos si-nave ko sa file. These rare things should be documented para sa akin. Gaya nung mga importanteng text. Kasi may mga bagay na gusto kong binabalik-balikan. Kahit masakit.

Thursday, October 12, 2006

Shooter's Bounce: Complete and Unabridged

due to insistent "public" demand, ipopost na ni ninong ang first offering ng shooter's bounce. pero medyo may catch. kasi malamang hindi ito yung lalabas sa dyaryo... ewan ko. medyo di nila ata nagustuhan e...pero para sa akin ok na ito e. ewan ko ba. nahihirapan na ako, actually. but still...
_________________________

Commending the Effort

When nobody around you seems to measure up, it’s time to check your yardstick.
- Bell Lemley


I guess I have no outright talent in naming things to christen my column with names like Coffee Scented Keyboard or even Soda Brew. I have been wringing my head dry to find an apt name for this column ever since I found out that I was the new sports editor. I know I could have used anything from Onomatopoeia to Ninong’s Special Grill and people would not even care. But since this is my first column, I just wanted it to sound like something special.

But alas, I do not have the luxury of time in my hands. I do not have forever to think of some magical name to put beside my picture and have you all mesmerized by the sheer creativity of it. Like any ordinary Mapúan, I have hundreds of things to do and thousands of alibis not to do it. Fortunately, I can cook up some profound and insightful reason to explain why you are reading a column named Shooter’s Bounce instead of some other witty column name. My reason may even leave you believing that my column name is no accident.

In basketball, not every shot attempt will make the ball hit nothing but the net. There are times when the shot will miss and hit nothing but air. And there are times when the ball will dance above the rim, bouncing its jig, before sinking through the hoop. The last bounce that knocks the ball in the basket is what they call the shooter’s bounce. It is the bounce that makes all the difference, and I hope my column can do the same. There you have it, a reflective introduction before the main event.

A lot of power goes with writing for the public, that is, if people read what you write. Otherwise, I might as well type nonsense trash here for all the good that it might do. I know a good lot of people do not read the Sports section of The New Builder. A lot of people just do not care nowadays. I’m just gambling that since you see a different picture up there, you might care to read a few paragraphs and hear what I have to say.

One reason why people do not read the Sports news is because our varsity teams had not won any NCAA Championships lately. Not all Mapúans are interested in second, third or even fourth placers. They will commend champions not runner-ups. But I believe this is a crooked way to view reality. Because in reality, not everyone are leaders nor are everyone topnotchers.

Let us say Mapúa has around 15 courses. Simple mathematics tells us that there are 15 top 1 students for every batch. Five batches bring a total of 75 top 1 students in their respective courses and batches in Mapúa. If Mapúa has a 10,000 student population, what do you called the other 9,925 students?

Well, you call them runner-ups.

What does being a runner-up mean? Does it mean that we lost? I do not think so. Losing happens when people give up. Being a runner-up just means there are people above us that we have to beat. It means there is still room for us to get better. But in order for us to get to the top, we need to improve not only our habits but also our perspectives.

Since all of us here are runner-ups in our own ways, we should learn to appreciate the effort that our varsity teams have poured in their respective sports disciplines. They gave us something to be proud of. The least we can do is give them some credit for what they did. You can start by caring for their achievements and reading the news that concern them. If they did not fulfill your expectations, stop berating them. They deserve some respect. And they deserve to have it from you.

The first half of the NCAA is over and I salute our athletes for what they had achieved so far. It is not an easy task to maintain last year’s performance despite the pressures and the indifference of the student community. Thus, I commend your efforts. And if I can convince one or two Mapuans to commend you as well, then my privilege of writing here is not in vain.

Thursday, October 5, 2006

Nakalimot na ba si Ninong Magtype?

"...we try hard to hold it off in our hands, but it sifts through like soft drifting sand..."

Ang sagot sa tanong na yan (see title) ay hindi.

marunong pa rin magtype magtype si ninong... else wala nang update-update...

pero magbibigay ako ng ilang dahilan kung bakit wala pa ring update.

1. mayroon akong draft sa bahay pero hindi pa sya tapos...at wala akong oras tapusin yun.

2. maraming kailangan gawin sa skulpaper at kung magbloblog ako e baka sabihin ng iba na napakarami ko namang time...nakakapag-blog pa ako.

3.tatlong araw na akong magdamag nasa skul...masagwa ang sked at napakadaming design..maaga akong gumigising (5:15 am), at masama ang loob ko dahil parang nadadaya ako... itutulog ko na nga lang, kailangan ko pang ipasok sa skul!!! grrr! sayang sa oras...

4. nasabi ko na bang wala akong time? ayun, wala nga akong time...


kaya pasensya na po...matapos lang ang mga palaisipan ko sa buhay lalo na ang darating na october issue baka makahinga na ako ng konti... kasi alam naman ng lahat ng tao na lahat ng mga first-time sa isang posisyon ay kelangan laging may patunayan sa mga tao sa paligid nila...

ayoko man ng may nag-eexpect sa akin... failure is not an option.

Tuesday, September 19, 2006

Waah...Nagpapanggap si Ninong

"oh yes, I'm the great pretender"

Tuesday na ngayon, at nandito ako sa bahay ng kaklase ko. bakit? gumagawa ng project na due rin ngayong araw na ito...dahil may topak sa ma'm mali-mali...at kung kulang pang pahirap yun, exam rin namin sa kanya bukas...

powerpoint presentation ang ipinapagawa nya sa amin. at syempre last week nya pa ibinigay. pero dahil kagaya ko ang mga groupmates ko, andito kami ngayon, nagpupuyat. i mean, dalawa lang pala kaming nagpupuyat. ung dalawa hindi sumama...nasa mga bahay nila at naghihilik ang mga puwit...pero marami naman silang nagawa nung linggo kaya ok lang...

ay, hindi pala ok.

ung isa, sya yung may may-ari ng bahay. e babae, atsaka boyfriend rin nya yung kagrupo namin na kasama ko ngayon, kaya may privilege siguro siya na matulog...at tulog na sya. nagpapagising daw, pero nasa kabilang kwarto naman...e pano naman kaya namin gigisingin yun?

yung isa dito na gumagawa, tulog naman sya nung linggo habang gumagawa yung iba. siya na raw ang bahala sa powerpoint...ayos lang. sya na nagpresenta e...fine. atsaka napakacomplikado nya gumawa ng presentation...napakaubod ng sobra sa dami ng effects...parang flash na nga e.

ok naman. ang ganda nga e. ang problema matrabaho...samantalang pitong oras na lang bago kami umalis dito sa bahay nung kagrupo namin...kasi may exam yung babae ng 8:00.

si ninong gising pa...pero wala talaga syang ginagawa. walang nagsasabi kung anong gagawin nya... hindi naman siya makakagawa ng powerpoint kasi ginagawa na nung isa lahat...sa laptop.... pero may desktop pa dito...itong gamit ko oh...

haay... pano kaya ako makakatulong sa mga hindi humihingi ng tulong?

kaya eto nagreresearch na lang si ninong ng tungkol sa irereport namin...copy paste ng copy paste saka konting edit...pero malamang sa hindi, hindi rin naman ito gagamitin...what a waste

nagpapanggap si ninong...

Monday, September 18, 2006

Mag-isa sa Mall of Asia

Dahil sa sobrang pagkatoxic ng nakaraang hell week, lalo na nung biyernes at sabado, napag-isip-isip ko na maglakwatsa naman pagkatapos ng huling exam ko nung sabado. Tutal wala naman klase dun sa isang subject ko, alas tres pa lang pwede na ako umuwi.

Medyo badtrip pa nga ako pagkagaling ko dun sa huli kong exam. Dun kay Ma’am Mali-mali. Ewan ko ba kung ano na naman ang nakain nya at napakainit na naman ng ulo nya pagpasok sa klase namin. Baka naman nag-away sila ni “bestfriend”, ewan ko lang. pero walangjo naman, kami na naman ang napagbuntunan.

At yung exam nya? Anak ng baka. No comment.

Kaya alam ko kailangan kong magsaya. Kung hindi, mabuburo na naman ako sa pagkabwisit sa mga nilalang na tila walang ibang hinangad sa buhay kundi ang gawing impyerno ang mga silid-aralan kapag bwisit sila sa sari-sarili nilang buhay! Tsk tsk.

Narinig ko sa radyo nung isang araw na sale daw sa Mall of Asia. September 16-18. Matagal na rin yata akong di nakikipag-bonding sa alter ego ko habang nasa mall kaya naisipan naming tunguhin ang asia mall.

Nakarating ako sa SM mga bandang 4:30 na. Naglakad-lakad. Medyo may mga alam na akong lugar kasi pangatlong beses ko na doon…pero mukhang mas marami na ngang stores ngayon ah. Kasi nung june pa ako huling nagpunta nun. Nung may susunduin sana ako sa San Juan de Dios…hmmm…

Pero sa totoo lang, hindi talaga ako mahilig sa mga damit…o kaya mga sapatos. Kung bibigyan mo ako ng P1000 pocket money at papakawalan mo ako sa isang sale sa mall, malamang sa hindi, libro lang ang bibilhin ko...o kaya laro sa PC. Kaya naman kahit lampas raw sa 700 ang mga stores sa Mall of Asia, bookhunting lang talaga ang ginawa ko dun.

Sa totoo lang nakakalungkot din mamasyal sa mall kapag mag-isa ka lang. Pero ok lang, hindi naman lahat ng tao makakasabay sa trip kong pagbu-book hunting e. Saka maganda ang view ng manila bay mula sa Mall of Asia. May orchestra pang tumutugtog sa background… Astig.

Masakit sa paa ang paglalakad, pero ang daming mabibili ng mga taong mahilig magshopping…

Napadaan ako sa comic alley, sale ng mga vcd at dvd ng mga anime. P20 daw ang isang cd. May GTO, Full Metal Alchemist, Samurai 7, Bleach, Fruits Basket, blah blah blah… Kung hindi siguro ako TNB, bumili na ako. Pero dahil alam ko na konting tiyaga at tiis lang sa paghihintay sa download, P6.00 lang talaga ang bawat cd…hindi man lang nangati ang kamay ko na bumili.

Dumaan ako sa powerbooks. Mahal ang mga libro dito, pero nakakatuwa sila kapag may SALE, kasi laging meron akong nabibili na ikatutuwa ko talaga.

At meron nga. Isang WOT Book 8: The Path of Daggers ni Robert Jordan. Ito ang isa sa mga kinaadikan kong basahin na book series sa ngayon. Ang normal price ng libro sa national bookstore ay P375.

Pero yung librong nakuha ko, kahit medyo tattered (pero kayang kaya ko irestore) ay nagkakahalaga lamang ng P75.00! Nung nakita ko nga yung libro e dinampot ko kaagad, baka may mauna pa sa akin…nag-iisa lang kasi yun.

Bukod diyan, may nabili rin akong libro sa Fully Booked. Talismans of Shanarra ni Terry Brooks. Maganda pa ang condition nung libro, mukhang bago pa. ang original price nito sa national bookstore ay P350. Nabili ko ng P50. Hehe.

Kaya naman kahit mag-isa ako sa mall of asia…masaya pa rin. Fin.

Sunday, September 17, 2006

Setting Standards

If you try to do everything, you end up finishing nothing.

Ang dami-daming gagawin...at lahat sila patong-patong na lang lagi tuwing last two weeks ng bawat term. Siguro dapat ring sisihin ang mga prof dahil nagkakaroon ng conspiracy ang mga ito na pagsabay-sabayin ang lahat ng mga requirements. Parang hobby na nila ang papiliin ang mga estudyante nila kung ano ang subject na mas pipiliin nilang ipasa.

Asar.

Lima ang lecture ko ngayong term, at nung Friday at Saturday, lahat sila may exam. At yung mga topic tungkol sa compiler, mem/io saka ang “paborito” kong controls hindi ko naman gets...

Kaya kinakabahan na naman ako...parang ang hirap hirap hirap hirap hirap hirap na talaga ipasa ng mga subjects ko sa higher years...lagi akong napapaisip kung makakahanap pa ba ako ng trabaho nito pagka-graduate samantalang ang bababa ng grades ko?

Siguro. Pero baka bilang callboy. Ehem. Este call center boy pala.

Wala naman akong nakikitang masama sa pagtratrabaho sa call center...kung tutuusin, pabor sa akin yung sked dahil lagi rin naman akong puyat. Saka feeling ko naman marunong naman akong mag-ingles. Yun nga lang hindi ako masyadong slang saka parang hindi naman maganda ang boses ko sa telepono...

Pero sayang naman yung “pinag-aralan” ko dito sa Mapua. Sana pala kung magko-call center ako, nagcallboy na ako ng maaga. Baka mayaman na ako…hehe. Baka lang.

Pero sa totoo lang nakaka-discourage talaga ang pagkakaroon ng 5.00. kapag hindi na ako na-discourage, mas dapat na akong kabahan siguro. Kasi ibig sabihin wala na akong pakialam...ibig sabihin, para sa akin, wala na talagang kwenta itong mga ginagawa ko.

Wala pa naman ako sa ganoong point…wala pa.

I don’t like being measured against other people’s standards. I am what I am, and up to now, I still like what I am, one way or another. I don’t care if I don’t measure up to your standards of what you think I should be. But it would do us a lot of good if you would stop patronizing me.

Thursday, September 14, 2006

Sacrilege

“Nuclear launch detected. Nuclear launch detected”

Hindi na siya nahiya. Inulit nya pa rin ang paglapastangan sa aking ikalawang tahanan dito sa Mapua.

Tila may fetish talaga siya sa mga digicam… may balak ba siyang magtayo ng photoshop? At bakit ang lakas naman ata ng radar niya…alam nya kung saan nakatago?! Grrr. T******a mo! Gago ka.

Hindi mo ba alam ang repercussions ng mga ginagawa mo … … lahat kami dito naghihinala sa isa’t isa. Dahil lang hindi mo makontrol ang pangangati ng mga sinumpa mong palad.

Palibhasa wala kang pakialam. Sana mabulok yang mga kamay mo habang nakakabit pa diyan sa katawan mo. Hindi ka na nahiya. Umaasa pa rin ako na sana hindi ka builder.


SANA HINDI KA BUILDER…

Palagay ko tagalabas pa rin ang kumuha nun gaya nung sinabi ni sir ray…kasi yung mga digicam nawawala na may interval sa pagitan ng gabi at umaga…. Mas malamang sa hindi may pumapasok sa office kapag gabi na…

Atsaka kahit buksan nya lahat ng cabinet para maghanap ng camera, hindi naman natin malalaman... nalalaman lang natin ng binubuksan nya yung particular cabinet kasi may nawawala dun. Pero assuming na hindi nya alam kung saan nakalagay, tapos inisa-isa nya yung mga cabinets...di ba pwede ring mangyari yun?

Parang mas plausible pa yun kaysa sa isiping taga-tnb mismo ang nangunguha di ba?

Haay. Inulit mo pa kasi ng inulit…pinagmumukha mo kaming mga tanga dito samantalang wala naman kaming ginagawang masama sa’yo. Masaya ka na ba? Kulang pa ba yung dalawang digicam? Ilan ba talaga ang kailangan mo? Bwisit!

Ang ikinaiinis ko ay idinamay mo pa kaming lahat sa kalokohan mo! lalo na yung mga bagong staff. Hindi mo ba alam na maiinit kami sa mata dahil sa iyo. Sana mahuli ka, gag^! Nakakahiya ka! Grrr…

Hats Off


“If the means be just, the conduct true, applause, in spite of trivial faults is due”
--Alexander Pope

Takamiya: Sa palagay mo sino sa kanila ang mananalo?
Eiji Date: Hindi ko masasabi. Pareho kasi silang magagaling na boksingero.
Takamiya: Sus!!! Masyado kang showbiz! DUN AKO SA DEHADO!!! Pustahan pa tayo e.
--Knockout (tagalog dubbing)

_______________________________

Dahil may klase pa ako ng six pm kahapon…hindi na ako nakapanood ng NCAA Final Four games sa Araneta Coliseum. Kung tutuusin dapat libre ako dun, kaya lang hindi ako maka-absent ng probstat e. Si sir tingkayad kasi medyo mahigpit sa attendance… tsk!

Medyo lumulutang na ako pagkagaling sa ERC (see previous post)…dahil apat na oras lang ang tulog ko. Dapat pagdating ko sa bahay matutulog na nga ako kahit mga isang oras lang. Pero first game pala ang Mapua Cardinals.

Ang kalaban ng Mapua? San Beda…ung team na may 13-1 win loss card. Ano ba ang sa Mapua? 7-7. Tila dehado tayo...

Kaya naman, naiisip ng iba na tambakan na naman ang labanan. Kasi hindi pa natatalo ng Mapua ang Beda this season, at bukod diyan laging napakalaki ng lamang ng Beda. At kung moral support naman ang pag-uusapan, e halos kasing pula ng dugo ang audience sa araneta sa dami ng nakapula.

Teka, ano ba talaga ang kulay ng Mapua?

Anyway, naisip kong mapanood nga sandali ang laban. Dahil isa ako sa mga taong gustong gusto na nakakapanood ng mga upset. Malay mo maka-upset tayo kahit isa lang. hehe. Make those people bow before we go down.

Dun ako sa dehado.

At nahirapan din ang Beda kahit paano. Ang ganda ng laro ng Mapua nung 1st half. Sa sobrang ganda, kahit yung mga announcer hindi makapaniwala. Kung lagi tayong natatambakan ng Beda nung mga nakaraang laro, aba, lamang pa tayo ng pito pagkatapos ng 1st half.

Ayos sana kung hanggang 1st half lang ang laro. May game 2 pa sana sa biyernes.

Paano nangyaring lamang ang Mapua? Hindi kasi tayo masyadong nag-tres…sinugod nila ng sinugod yung basket kahit nandyan pa si Ekwe o wala….tapos nagpapakamatay sila sa bola… sabi nga nung announcer, Old School Basketball. Bakit? Kasi noong mga 1960’s wala namang three point shot e…lahat ng tira kahit gaano kalayo, two points lang lagi. Kaya ang mga player nun, mas madalas puro malapitan ang tira.


Ang nangyari kasi sa mga huling laro natin, lalo na yung sa PCU, walangjo, tira sila ng tira ng tres… buti sana kung pumapasok…e hindi.

Sabi nga nila victors write the history…kung natalo ka, ikaw ang mali… kaya kapag tumira ka ng tres at pumasok yun, bida ka. Pero kung hindi pumasok, well, ikaw talaga ang mali sa paningin ng mga tao. No excuses.

Ang problema lang, napakaraming shooter ng san beda. Ang daming three points…o kaya mga long two points. Napakaswerte pa ni Al-Jammal... Syempre maiinggit tayo, tumira rin tayo ng mga ganun…ayan na…malapit na kasi ang endgame… at hanggang ngayon, hindi pa rin tayo magaling sa endgame. Kaya lumamang din ang Beda, less than three minutes ata ng last quarter.

Pero nakahabol pa rin tayo, dalawa nga lang yung lamang ng Beda nung last minute e…salamat sa tira ni Gonzales. pero sabi ni coach nung timeout…”we go for the win. Magthree points kayo. Ke-pumasok ke hindi, we go for the win”. Hindi ko alam kung bakit napakatapang ni Coach. Siguro dahil gusto nya sumugal.

Hulaan nyo kung sino ang titira ng tres…si dela Peña. Bakit kaya siya lagi ang tumitira kapag last seconds na? No offense, pero hindi naman sya nakakashoot ng three points kapag last seconds na …di ba?

Pero ayun, pinasa ni sean co kay dela Peña ang bola. Kaya lang parang tae yung binato ni Co, kasi dumulas sa kamay ni dela Peña yung bola, tumama pa sa mukha nya. Ayun naagaw pa. Tapos na po ang laro. Bye Bye Finals.


Sabi nga nila kapag wala ka sa sitwasyon akala mo kung sino kang magaling at nakikita mo ang lahat. Parang kapag may naglalaro ng chess. Makikita mo yung mga nanonood mahilig magcommentary…palibhasa kasi hindi sila naglalaro…

Kaya bago nyo sabihing napakahambog ko naman, my hat is off for the cardinals for their performance today. Hindi man nila nakuha yung game, hindi naman nila binenta na halata. Pinahirapan muna nila ang Beda bago nila pinagbigyan.

Tutal 1978 pa huling ng Finals ang Beda, nakakaawa naman sila…kaya ayun pagbigyan na lang natin. Next year tapos na ang sixteen years. Matatapos na ulit yung jinx.

Kahit dehado, malay mo, baka magchampion na ulit tayo…
_____________________________

Sayang at hindi namin nakuhanan ng pic si Efren Bata Reyes nung dumalaw sya sa isang bilyaran dito sa intramuros last July. Nanalo pa naman siya ng World Pool Championship ngayon…haay. Patunay lang na hindi pa siya laos, gaya ng paniniwala ng ilan. Mayroon pa siyang maibubuga…Go idol! Hehe.

Fluorescein Angiography

“The eye is the window of the soul.”

Tunog ronibats ang post na ito. Medikal.

Ang pamagat ng post na ito ay hindi tumutukoy sa scientific name ng fluorescent lamp, o kaya sa isang makabagong species ng bulaklak mula sa Mars… ang fluorescein angiography ay isang medical procedure kung saan ini-xray ang mga blood vessels para makita kung may mga hemorrhage ba dito or something…

Yun ang meaning ng angiography. Ang fluorescein ay isang crystalline compound (C20 H12 O5) na parang dye at isinaksak sa ugat para kapag ginamitan na nung scanner, mas makikita ng malinaw yung mga ugat sa mata.

Ngayon, lalo kong napagtanto kung bakit hindi ako nagmedicine. Dumudugo na nga ilong ko habang tina-type pa lang yung meaning ng title. At medyo hindi stable ang sikmura ko sa mga ganyang bagay.

Kahapon kasi, sinamahan ko ang nanay ko sa Eye Referral Center dun sa may T.M. Kalaw, Manila. Papatingin po siya ng mata. Si nanay kasi matigas ang ulo (mana ata ako sa kanya), hindi nagpapatingin kahit may nararamdaman na...

E diabetic sya…type II. Yung diabetes miletus. Hereditary kasi mayroon ang mga tita ko saka si lola. E may nararamdaman na sya sa mga mata niya…ayun, nung hindi na kayang tiisin saka nagpatingin sa doctor. Tsk tsk. Hirap talaga magpalaki ng magulang minsan. Hehe.

Maraming komplikasyon ang mga taong may diabetes. Lalo na yung mga hindi mahilig magpatingin. Isa na rito ay yung pagkabulag ng mata. Kapag lagi raw kasing mataas ang asukal mo sa dugo (blood sugar), pumuputok yung mga maliliit na ugat mo sa katawan. At dahil karamihan ng maliliit na ugat ay matatagpuan sa mata…kailangan talaga mapanatiling mababa ang blood sugar mo…

(Sandali, dumudugo na naman ata ilong ko…)

Anyway, gumising ako ng six ng umaga para samahan si nanay sa Manila. Dapat dadalhin ko na yung bag ko, para diretso na akong pupunta ng skul. Pero dahil naisip ko naman na six pa ang klase ko, at baka matapos naman kaagad yung fluorescein angiography na, makakabawi pa ako ng tulog sa bahay.

Nakarating kami sa ERC ng 7 am. Maghihintay pa raw kami hanggang nine, dahil kesyo may “meeting” daw yung mga doctor…syempre si nanay naasar…bakit daw magmemeeting e oras ng trabaho…

Medyo iritable ako habang naghihintay para sa f.a. Kasi parang sinumpong na naman ako ng allergy…na hindi ko pa rin alam kung saan ko talaga nakukuha, pero tulo ng tulo ang sipon ko tapos hatsing ako hatsing. Grrr….

Bukod dyan. masama rin ang loob ko dahil bitin ako sa oras ng pagtulog ko… dapat 8 hrs ang itutulog ko, pero mukhang hindi ko rin pala mababawi…

Fast Forward. Bumaba na rin ang BP ni nanay matapos uminom ng gamot. Kinakabahan ata, paano ba naman umabot ng 210/110 ang BP nya…samatalang high blood na sya sa 140/110. (*nosebleed ulit*)

Sabi nung doctor, kumuha daw ako ng upuan para makita ko yung pagscan sa mata ng nanay ko…hmmm, medyo 10:30 na ng umaga…haay…palibhasa yung mga tao dun yun na yung trabaho nila kaya hindi na sila nagmamadali…tsk tsk…napakabagal nila kumilos…

Ipinatong ni nanay ang baba (chin) nya sa aparato…tapos yung “xray” na gamit nung doctor parang digital camera na nakakabit sa computer…kinuhanan si mama ng close-up. Tapos isang colored pic sa may cornea ata yun o retina.

Ang gara. Napakasqueamish ng pakiramdam…biruin mo kapag inilapit nung doktor yung camera dun sa…dun sa…yung ano…ah eh, yung itim na part ng mata…pupil ata yun…para kang nakadungaw sa bintana…hindi ko akalain na ganun pala yun.

Ang galing. O_o

nakita ko yung ibang mga ugat sa mata ni nanay, para nakadrowing sa isang dingding na kulay orange… at yung mga ugat, PUMIPINTIG pa! ang gara…sheesh.

Tapos parang may mga spot dun sa “wall”, maliliit lang. sabi nung doctor, hemorrhage daw yun saka may sinabi pa siyang term na nagsisimula sa letter c…parang caxvdlehjlthwioth ata yun, di ko nagets e.

Tapos may isinaksak na dye sa ugat ni nanay…yun ata yung fluorescein. Tapos naging grayscale na lang yung camera…pero mas kita na yung mga ugat saka yung mga spots. Tapos ayun, picture-picture na.

Parang mga mug shot nga e…sasabihin nung doctor, “tingin sa kanan, tingin sa kaliwa, tingin sa taas, tingin sa baba…” paulit-ulit, gusto ata makakuha ng magandang anggulo…

Blah blah blah blah blah…

To cut the story short, dahil nga puro patagal yung mga tao dun sa ERC, dahil nasa operating room pa raw yung doctor na pipirma nung results dahil hindi raw mailalabas yung results ng walang pirma nung doctor.

Kaya naghintay pa kami ni nanay, pataas-baba sa elevator na parang malaglag kapag dumaan ng fourth floor…si nanay nga ang lakas na magparinig, asar na asar na e… e balak nya pang pumasok sa trabaho… pero ayun, inabot pa rin kami ng 1:30 bago nakuha yung results.

Hindi rin ako nakatulog. Kelangan ko pa umuwi ng bahay dahil wala akong dalang gamit.

Ayun ending na! =)

Tuesday, September 12, 2006

Hell Week Na!

May bagong hard disk na kami…binili na ni kuya noong last last week. 160Gb. Nakakalula kasi kung tutuusin, yung pinagtyagaan naming hard disk ng 5 taon, 20Gb lang yun. Wahaha.

Hindi ako ang nagkabit. Huhu. Yung officemate ng nanay ko. Nilagyan nya ang pc namin ng bagong photoshop at illustrator (yung CS). Pero nawala naman yung Pagemaker saka yung Flash. Pero salamat kay sir ean at nalagyan ko na ulit.

At nawala rin yung 1.5Gb kong folder…lahat ng mga documents, e-books, anime, pictures at “scandals” na nandun, ayun, wala na dito sa bagong hard disk. Tsk Tsk. 40% lang ata nung folder na yun ang may back-up ako. Tsk tsk. bye scandals. Haha!

Gusto ko sana maglagay ng games dito…pero lahat ng games ko dito sa bahay, pati na rin yung mga galing kay sir ean di ko mapagana…pati yung kay sir ray na visual basic di ko pa rin maiinstall. Tsk tsk…

Nailagay ko na yung Fable dito galing kay sir namre, pero parang nahihilo ako sa graphics…nagha-hang kasi yung pc namin. Napag-alaman ko na yung RAM ko ay 224MB lang…kaya nahihirapan magload yung game. Kaya medyo masakit sa ulo.

Sabi pwede ko raw taasan yung virtual memory…tutal 97GB pa ang free sa drive C ko…pero hindi ko alam kung gaano ba dapat kataas ang virtual memory…nilagay ko yung minimum sa 512MB tapos yung maximum sa 1024MB, pero kung tataasan ko ba yun, mas malalaro ko yung game? Saka bibilis ba ang pc ko?

Help ninong! Text COEKB?BKTTaNGaK? (space) HELP (space) Your Message, then send to 0922#7#35#4! (Pakiscratch na lang sa screen yung # sign. Hehe)


Tumulong sa mga mapagpanggap na computer engineering students! Magtext na!
_________________________

Sa palagay ko hindi ko ata “calling” ang pagiging COE… biruin mo 4th year na ako at malapit nang grumaduate (sana…) pero hanggang ngayon hindi ko pa rin masyadong naiintindihan yung sarili kong pc.

Bukod diyan, ang mga nagustuhan ko lang ata na major subjects ko ay yung computer fundamentals, saka C++ programming. Saka…ano..yung ano…yung…yung may ano… yung parang ano… haay…wala na ata. Haha.

AYOKO ng mga subjects na may kinalaman sa hardware…ayoko ng Logic, ayoko ng Microprocessors, ayoko ng Memory / IO, ayoko ng Assembly, ayoko ng Electronics, ayoko ng Circuits, ayoko ng Control Systems!

Ayoko rin ng mga may mahahabang calculations, ayoko ng Numericals, ayoko ng Calculus, ayoko ng Advance Math, ayoko ng Differential Equations, ayoko ng CONTROL SYSTEMS! Grrr…

Pero mukhang mamalasin ata ako ngayong term…malamang magkikita pa rin kami ni Controls sa mga darating na terms…kung hindi maaawa sa amin yung prof ko na kamukha ng bokalista ng Kamikaze!

Haay. Lima ang lecture ko ngayong term. At mukhang 2 subject ko lang ang may pag-asa…yung iba, nakabitin pa silang lahat…

Haay…medyo nagpapasaring na nga sila sa bahay e… pano ba naman yung kapatid ko masama na ang loob nya kapag sampu yung mali nya sa isang quiz nya. SAMPU! Samantalang ako, masaya na ako kung medyo malapit na sa passing percentage ang score ko. At ang masakit, bihira na lang din mangyari yun.

Mas nakakagulat pa nga kapag pumapasa ako sa exam
____________________________

Hindi naman talaga ako palaaral kahit noon pa. Nung six years old nga ako sabi ko sa kuya ko kahit tumanda na ata ako hindi ko pa rin mame-memorize ang lupang hinirang… Napakadaming words!

Hindi ako mahilig magmemorize. Malakas ang tiwala ko sa stock knowledge ko…yung kapatid ko kasi hindi sya komportable kapag hindi nya alam yung lahat ng detalye. Minsan tuloy hindi ko alam kung maiinggit ba ako sa kanya o maawa. Kasi parang pinapagod nya lang ang sarili nya.

Ayoko kasi ng masyadong nagpapagod para sa isang bagay na hindi ka naman sigurado. Baka masayang lang ang pagod mo. Sayang ang effort. Ilang beses nang napatunayan sa akin ng tadhana na mali ang ganitong pananaw. Pero anong magagawa ko, matigas ang ulo ko. Ayoko makinig. Naya yolut orup detsub! Tsk!
_____________________________

Ang dami-daming gagawin…pero parang kulang lagi ang oras…samantalang napakabagal ng oras kapag lecture…haay. Bakit ganun?
____________________________

Nagpalit na si sir ray ng kanyang layout. Nagulat ako pagbukas ko sa blog nya…mukhang sumali na rin sya sa TNB Battle of the Blogs… hehe.

Pero mukhang malayo pa ako sa patimpalak na iyon…ang tagal ko nang hinahanap sa memory warehouse ko yung html lessons ko, kaya lang hindi ko na sila makita… sinunog na ata sa utak ko nung nagclean-up wizard ako last last year. Haay.

Kaya si ninong ay nag-aaral ulit ng html…atsaka yung CSS (Cascading Style Sheets) para makapagpalit ng medyo maganda-gandang lay-out. Baka sakaling dumami pa ang fans niya dito. Hahaha.

Kaya lang, ang problema…gusto rin nya matuto ng Flash, ng visual basic, ng paggamit ng layers sa photoshop…tapos finals pa nila next week…tapos ngayong lingo na ang last lecture week ng term…ibig sabihin, ito na ang Mapua Hell Week para sa 2006 First Term! Grr…

Mayroon akong dalawang quiz sa probstat sa biyernes (take home yung isa), dalawang games saka isa pang quiz (Friday)sa compiler, tapos isa pang quiz sa controls sa sabado, tapos isa pang quiz sa mem/io, sa sabado rin. Tapos isa pang takehome quiz daw sa pricomm. Tapos may powerpoint presentation pa na dapat gagawin para sa mem/io to be passed next Wednesday. Tapos may mga portfolio pa yung mga subject ko na yan saka yung finals pa…

Ano bang tingin nila sa amin?


Tao lang po ang karamihan dito sa Mapua, hindi mga balawis…

And I can only do so much!

Thursday, September 7, 2006

Fire in the Hole!

"...because although the truncheon may be used in lieu of conversation, words will never lose their meaning..." --V, V for Vendetta

I could have posted an entry yesterday at the TNB office, much to the clamor of my “fans” (TNB chapter)..hehe. However, due to the fact that “other people” were behind my back, engrossed in watching San Beda hammer Letran in the NCAA eliminations, I had an inkling that they might see what I might type…and well, I don’t like people watching me “pour my heart out”. It’s a private matter to me, at least until I post it here, and then you can stare at it forever if that’s what you really want…

While surfing the net for flash tutorials, I came across a good Flash site, and some thought it to be my blogsite…which is a miracle really. I’m not even familiar with Flash yet. Or CSS for that matter. How can I make anything as complicated as that? I am determined to learn though. And I will, mind you. Anyway, I don’t know whether I heard right, but one of the comments that reached my ears didn’t sound good.

I was bloody well annoyed with those “innocently-given-but-nevertheless-offensive” remarks about blogging spewed out by one of those “other people”. If I didn’t flaming guard my tongue, I may have lashed out.
The Dratsab.

I don’t really bloody care if you don’t want to read any blogs, but leave the bloggers alone. If you don’t want to bloody hear us tell how our bloody pet just died then shut up and LEAVE us alone. And keep your flaming thoughts to yourself. I don’t bloody need them.

Saturday, September 2, 2006

Nasa Mobius Strip si Ninong

Joe: I don’t wanna want something I can lose.
Tina: There’s nothing you can’t lose…but no one can take your desire away from you. No one.
-- Glory Road

______________________________

Producer: Ano na ang mga kaganapan?

Director: Sinusubukan namin mag-damage control…pinapasali namin sya sa mga activity ng org nya…katulad nung isang araw, MS1 nila…dati active sya dun e…

Producer: E ano ang nangyari…?

Director: Wala…wala daw siya sa mood…kesyo tinatamad daw sya… pina-care of lang nya dun sa ibang members yung mga dapat na pipirmahan nya… haay…bababa na naman ang ratings natin nyan…wala na namang nangyayari…

Producer: Sigurado ka bang walang kinalaman si Writer dito…

Director: Hindi ko masabi e, pero sa kontrata nya kasi pwede sya maglihim ng plot kung gusto nya, kaya hindi ko talaga masabi…baka magulat na lang tayo…pwedeng tumaas bigla ang rating, pero pwede ring mawala na ang buong show…depende rin yun sa kanya…

Producer: Wala ba tayong magagawang paraan para maibalik si jocelyn dito sa show? Mukhang ayaw siya tigilan ni ninong e…hindi ba natin maibibigay ang gusto nya?

Director: Kung alam ko lang kung paano…matagal ko nang ginawa.
_______________________________

Kung kinausap ko ang mga bato gaya ng pagpupumilit ko na makausap ka, matagal na siguro akong may mga katropang bato…

Hindi ko naman gusto na manggulo e…kung masaaya ka dyan, e di magpakasaya ka. pero sana lang hindi mo ako kina-cut off. You wouldn’t even reply. Parang nawala ka lang ulit na parang bula. Pero ang problema, nandyan ka naman talaga e, hindi ka naman nawawala…hindi mo lang ako pinapansin. Na parang hindi na ako nag-eexist. Na parang ako naman yung nilamon ng lupa…

You’re not making any effort to acknowledge my existence. Ako naman itong si gago, ang kulit-kulit talaga… titigil lang sandali pero di rin magtatagal andito ulit…naka-mobius strip. Sh^t. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang ginagawa mo sa akin. Cold shoulder treatment? Wala naman akong ginawang masama ah. Kahit kaibigan na lang, hindi ba pwede yun? Ang magkaibigan nagtetext naman ah, kahit hindi madalas. Kahit di na gaya nung dati.

I just wish na maalala mo…hindi pa ako nilalamon ng lupa… andito lang ako…
_______________________________

Hmmm…guess I’m back where I started. Oo na…tama nga ang iniisip mo. Kapag minamalas nga naman talaga, pati ako nadamay na sa sarili kong “mobius strip”. Tsk tsk. Kahit anong gawin kong move on…eto pa rin ako…ayaw ko pa rin bumitaw…tange tange…

Nung nanalo ako sa essay writing contest last year…tungkol din sa infinity yung title ko…kasi nga Mapúa at 80 ung topic nun…may number 8…di ba symbol of infinity yun? Kaya eto ako, pabalik-balik…kumbaga sa compiler…recursive, kumbaga sa control systems parang naka-feedback loop, kumbaga sa geometry…parang nasa mobius strip.

Haha!

May nakita ako sa forwarded e-mail ko kahapon, at kahit di naman ako fanatico pagdating sa mga horoscope, parang tama naman sya…well, read for yourself.
___________________________

Taurus (Apr 21 - May 20)
You are stubborn and like to hold onto things, not wanting to let go of anything or anyone. You are slow to anger, but when you do get worked up to a rage -- everyone step aside! You also have a selfish streak and can be quite sneaky as well. And although people may see you as helpful and agreeable, you sometimes have an inner struggle wanting the approval of others while sticking to your own opinions. You also tend to be suspicious of others and question their motives.

Advice:
Stop being mean and try to be nice. Learn to forgive and let go of your past disappointments. Learn from your mistakes and have faith in yourself and others as well.
___________________________

Tama nga…ayaw ko nga bumitaw…siguro ayoko talaga makalimot. Kahit yung mga taong nang-away sa akin, ako pa rin ang nakipagbati… ako yung taong makikita mo na naghahanap ng mga kaklase nya nung grade 1 sa friendster para makontak lang ang mga taong nawala na sa buhay ko…

ako yung taong naghahanap sa mga taong nawawala kahit wala na silang pakialam sa akin makita ko man sila o hindi. Ni testimonial man lang hindi sila makapagbigay… hindi man lang nila maappreciate yung effort ng paghahanap ko…tsk tsk. Ako yung taong gusto sana sa libing ko, nandun lahat nung mga taong nakilala ko…hahaha. Ako yun.

I keep remembrances. Nagtatago ako ng mga sulat…nagsusulat ako ng text sa notebook kapag maganda yung message (baka kailanganin sa biography ko balang araw…wahaha). Oo, isinulat ko lahat ng natanggap kong message sa kanya nung text marathon…kasi siguro naramdaman ko, hindi naman talaga magtatagal yun…ganun kaimportante sa akin ang mga alaala…

Hindi rin ako nagagalit…naiirita, oo…pero nagwawala…hindi naman masyado…nag-iipon ako e, kapag napuno…dun lang talaga ako gumaganti…nakita nyo na ba ang toro pag nagalit…yun na yun.

“And although people may see you as helpful and agreeable, you sometimes have an inner struggle wanting the approval of others while sticking to your own opinions”… kung masugid kayong fan ng blog na ito…maiintindihan nyo kung gaano katama ito…

At dahil matigas ang ulo ko (stubborn), akala nyo ba makikinig ako sa advice na yan? Hahaha. I guess not. I may have to do it…but I don’t need to like it.
_________________________

Badtrip ang exam nung isang araw sa mem/io…so ok, hindi ka nga magaling magturo ang lakas pa ng loob mo magbigay ng mga questions na kahit ikaw hindi mo masagot ng maayos…tapos pag di namin nasagutan akala mo kung sinong magaling samantalang naka-open notes ka naman…badtrip…wala pa akong naipapasang quiz dun ah…at mukhang malabo pa itong isa…haay naku…
_________________________

Happy birthday sa kuya ko kahapon, thirty six years old na sya. Alam kong hindi naman nya mababasa ito…wala rin akong balak sabihin sa kanya na may blog ako…

I’m not too forward with my family. May mga bagay na hindi ako komportableng sinasabi sa kanila…too close for comfort…saka parang naririnig ko na ang sasabihin ng kuya ko, “saka na yang mga ganyang bagay, mag-aral ka muna…”.

Haay, parang hindi sila dumaan sa ganitong mga kaganapan…hehe.

Natapos na ung exam ko sa probstat…madali lang daw yun sabi ni sir “tingkayad”. Pero isa ako sa mga huling lumabas…nahirapan ako…nag-aral naman ako, pero naging careless na naman ako…sabi kasi sa problem x is at least ten…ginawa ko x=1,2,3,4,5,6,7,8,9,10…

tanga. Dapat x=10, 11, 12, 13….hanggang 20…

hindi ko natapos yung exam. Kulang na kaagad ako ng 20 points.

Mahirap din yung sumunod na exam sa compiler…pero kapag may kinalaman sa programming at least kahit paano, medyo nakakapa ko yung mga dapat gawin…siguradong hindi mataas ang score ko dun pero palagay ko papasa ako sa quiz.

May exam na naman ako sa controls ngayon. Tungkol sa mga bagay na wala akong ka-ide-idea…sabi sa akin nung isang araw may ot daw yun, pero wala naman silang makuha. Wala na naman akong maisasagot dun. haay...bakit pa kasi inimbento ang subject na un!!! grrr!!
______________________

Medyo nabuhay na naman ang pagblo-blog sa TNB… ewan ko ba kung ano ang nakain nila at biglang nagsiusbungan ang mga bloggers dito. Hehe. Lately ko lang din nalaman na may blog si sir ray…kung hindi pa tinanong ni namre, hindi ko talaga malalaman. sensya na po.

Si sir ean, nagpalit lang ng ng banner…fwoosh!!! Tumaas agad ang fan base…hehe…within two days magkalayo na ang mga stat counter namin. Haha. Si sir namre, kakablog lang nya two weeks ago pero lampas one hundred visits kaagad…pati yung mga nag-exam sa qualifying exams fan na rin ni namre… wow…nakakainggit…

Samantalang yung mga ibang taong nagbabasa dito sa blog ko, hindi naman nagpaparamdam. Huhu. Buti pa yung mga taga-TNB, alam ko nagbabasa sila dito. hindi nyo ba alam na one of the reasons kung bakit ako nagblo-blog ay para sa feedback…para sa comments?!

Kung nagblo-blog lang ako dahil gusto ko lang magsulat e di nagsulat na lang sana ako sa notebook, bakit kailangan ko pa i-post dito? Para sa comment. Dahil kahit anong gawin kong pagkausap sa notebook, hindi naman ako sasagutin nun e… atsaka yung mga taong kinukwentuhan ko dati, hindi na nila ako kinakausap…

Naglagay na nga ako ng tagboard diyan sa tabi…magttype lang kayo ng konti…wala pang 10 seconds, tapos na yun. Please lang...shower me with your presence...

Wala lang. nainggit lang ako…madami kasi nagkokoment sa iba…haha. sabi nga ang mga taurus daw may selfish streak…aminado ako meron din ako nun.

Hmmm… baka kailangan maglagay na rin ako ng flash dito.
___________________________

Wednesday, August 30, 2006

Besotted

“We accept the reality of the world with which we are presented. It’s as simple as that.”
– Christoff, The Truman Show


(ginawa ang draft 3:30 ng hapon)

Producer: ang hindi ko maintindihan, ay kung paano pa rin nakita ni ninong ung mga bagong pic… dapat hindi na nya nakikita yun, wala na sa paylist natin yung jocelyn na yun ah.

Director: Hindi ko rin nga maintindihan e. ginawa naman namin lahat ng pwedeng magawa. Na-block na namin ang friendster sa Mapúa…kahit gumamit pa sya ng proxy servers hindi pa rin sya makakalog-in…ni hindi na nga nya naisip na pwede pa rin makita yung mga profile kahit di ka naka-log in…

Producer: E pano nangyari yun?

Director: National heroes day kasi nung linggo, kalahati lang ng staff ang available. Nagkataon namang qualifying exams ng tnb…binigyan na nga namin sya ng option na sumama sa pamilya nya para pumunta ng batangas dahil birthday ng tita nya, pero nagproctor pa rin siya para sa exams…

Producer: e bakit hindi na lang sya umuwi pagkatapos nung exam? hindi na natuloy yung lakad nila sa videoke di ba?

Director: Oo. Pina-cut off pa nga namin yung exam kay sir ray e nung nine o clock para maaga ang uwian...tapos usually walang fx kapag linggo pero pinuno namin ng fx yung tapat ng city hall para may masakyan siya pauwi…

Producer: e bakit hindi pa rin sya umuwi?

Director: sabi nya nasa cabuyao pa rin yung mga tao sa bahay nila. Wala rin siyang susi kaya hindi rin daw sya makakauwi. Saka nakapagpaalam na sya, dahil akala nga niya matutuloy yung videoke…saka umuulan pa nun. Ayaw nya talaga umuwi!!!

Producer: bakit umuulan? Akala ko ba kontrolado na natin yung panahon?

Director: timing na timing, nasira kasi yung weather controller natin…inatake ng isang batalyon ng naka-iron curtain na Apocalypse at tatlong Demolition Truck nung linggo…TATLO!!! …nagbabakasyon pa naman si Tanya. Sa palagay ko ayaw talaga ng Soviet Libya na magtagumpay ang show na ito…hmmm…

Producer: huh?!

Director: wala po.

____________________________________
Medyo wala ako sa mood nung mga nakaraang araw…para akong maysakit…gusto ko lang matulog ng matulog…maaga ako natulog kanina…one ng madaling araw. Oo maaga na sa akin yun, normal ko na kasing tulog ay 3:30…kapag walang exam… Kapag may exam mga two pa lang inaantok na ako…ewan ko, ganun talaga e. mas maraming masarap gawin lalo na kapag may iba kang dapat gawin.

Medyo nagkamali pala ako dun sa nilagay kung quote galing sa click dun sa last entry ko…hindi yun yung exact words na ginamit…pero walangjo, ano pang magagawa nila…yun din naman ang meaning e…so what? Sue me.

Medyo magaling na ako ngayon. Hindi na ako nasasakal.

Madami akong exam sa mga darating na araw…bukas sa mem/io, tapos sa Friday compiler at saka probstat, tapos sabado…badtrip…lahat mahahaba ang coverage…haay naku…kailangan mag-aral, kailangan mag-aral, kailangan mag-aral…grrrr…

Tinext ko sya nung Monday…haha…tanga tanga ko talaga…ang kulitkulit ko, pano ba naman nagulat ako nung nagring ulit yung number nya…kasi matagal na yung unattended e…kahit alam ko hindi naman siya magrereply. Napakatanga talaga…haha. Di ko na kailangan ng sermon nyo…alam ko na yun. Ang problema lang ayoko lang talaga makinig…wahaha. Hahaha.

I still can’t accept my reality. Siguro minsan…haay bakit ba kailangan matigas ang ulo ko…grrr…I just try to be indifferent…walang pakialam, hindi tinatablan…pero wala din e….tinatamaan pa rin.
______________________________

“…ayoko sana…kung ikaw ay mawawala…mawawasak lamang ang aking mundo, oh……ngunit anong magagawa…kung talagang ayaw mo na…sino ba naman ako para pigilan ka…”
– Halik, Aegis

Yan ang pang-videoke…hehe. Haha.

TINANGGAL NA YUNG PIC...BELAT


I remember myself doing a pose like that (without the peace sign) back in first year high school. Haha. Akalain mo... Kapag ginagawa ko yan noon sa klase, nakikita ko syang nakatingin sa akin, nakangiti (blush)…nakakatuwa… hahaha. wahaha. hahaha. Kapag ginawa ko pa yan ngayon, sh^t...masagwa na siguro…

Everything changes…every thing can be lost.
______________________________
Walang kinalaman:

Kakapanalo lang ng JRU laban sa San Sebastian sa NCAA Basketball. Akalain mo, nanalo pa sila…pero wala na rin naman…tanggal na rin sila pareho sa Final Four. May laban pa ang Mapúa…sa San Beda…malay mo manalo sila…sana manalo…

Teka…baka late na ako…may klase pa ako ng six… makapagbihis na nga.

Ciao.


Monday, August 28, 2006

Asphixiation

Morty: Hmmm…interesting.

Michael: What is?

Morty: …that a beautiful woman like her will fall for such a slob like you…

--Click

Warning: May topak na naman ako bigla…kaya kailangan i-post ito.

____________________________

Dahil mabait si sir ean, nandito na naman ako sa kanilang condo sa españa towers..nagdodownload sa kanyang bearshare software kahit alas dos y medya na ng umaga…kung umuwi ako sa bahay kanina…malamang gising pa rin ako ngayon…pero dahil wala naman kaming internet malamang nagbabasa lang ako ng Wheel of Time.

Special thanks sa mga tunay na nakatira dito…napaka-hospitable nyo po. Hehe.

At dahil libre naman ang internet dito kapag madaling-araw…aba…nilubos-lubos ko na…nag-friendster ako…

What a mistake…

___________________________________

Anyway…kahapon po ang Qualifying Exams para sa aming skulpaper…ang The New Builder…I would have liked to give you the details pero hmm…mukhang ayoko gawin yun ngayon…baka next time na lang…I certainly lost my happy aura…dahil na rin sa katigasan ng ulo ko.

Medyo wala sa mood ang aming editor-in-chief kanina…pinatunayan nya lang ang sinabi na ni anonymous noon, ang mga taong magaling magpayo sa iba ay nahihirapan sa sarili nyang problema…I am not into details but I guess he lost the love of his life (for now?).

Hindi ako masyadong nakikinig sa kwento nya…kasi tuwing may nawawalan, kahit ako tinatablan e…kasi nawalan din ako…baka yung nawala sa akin ay ung love of my life din (as much as I hate to admit and as much as I want to forget). Gusto ko lang sabihin na kahit may dumating nang iba, I never felt anything stronger than what I felt for her.

Meron ba naming tao napagtyagaan mong hanapin ng limang taon (more or less), na ang tangan mo lang na alaala ay yung class picture nya kung saan mas malaki pa ang beinte-singko sentimong barya kaysa sa mukha nya at yung tatlong sulat na may scotch tape sa likod dahil halos mapunit na kakabulatlat?

Oo kahit salbahe na sya, at medyo mahirap syang intindihin…dahil iba yung sinabi nya dati sa akin dun sa mga sinabi nya sa iba…pero nagbubulag-bulagan lang ako…baka naman ayaw ko lang makita.

Kanina habang exam…naisipan ni sir namre na i-share sa amin ang talent ng kanyang si Janalie (na balita ko ay isa sa mga “fan” ko dito sa blog…hello)…at kahit alam ko na yun kung paano gumagana dati (nung debut ni Mariko), masasabi kong mas malinaw yung interpretation nila ni Namre.

I can therefore recommend na sumideline sila sa may quiapo kahit once a week lang dahil sa kanilang Talent.

Kung tatanungin mo ako kung sino ang gusto ko, isang pangalan lang naman ang unang lalabas e…j...o...c...e....and so on and so forth... Ang problema…ayoko na sana syang gustuhin… ayoko na talaga... pagpapahirap lang sa sarili yan e. Hindi naman din ako pabor sa self-torture e... kaya nung tinanong ako ni Jan…sabi ko,

“wala akong gusto e…”

denial na naman.

Pero dahil sabi nga nila imposibleng wala akong gusto…yung unang pangalan na pumasok sa utak ko ang “ikinatok” ko sa baraha…

At ang resulta: apat na alas…ibig sabihin daw nung pagkaka-arrange nun, malapit kami nung babae…pero walang indication na mahal nya ako…at ako raw ang may problema.

Ngayong napag-isip isip ko na…yung first part po nun ay applicable sa aming “relasyon” noong last year. One of the bestest three weeks of my life…pero kung tatanungin mo ako ngayon…ni ha ni ho…wala po e. nagpalit na nga sya ng number e. at hindi nya naman binibigay sa akin…

Yung last part malamang tama yun…ako pa rin yun as usual.
__________________________

Kung gusto nyong malaman kung bakit ako tinopak sa pagfrie-friendster…pota, chineck ko na naman kasi yung sinumpang account nya…haay, kulit…para akong uminom ng gamot sa lagnat pero naligo naman ako sa ulan…ayan, may sakit na naman ako.

Ang dami na naman nyang pic…mukhang may trabaho na nga sya e…sa Telford (kung ano man yun) tapos may mga grad pic…at masasabi ko talagang kahit saan mo sya ilagay, kitang-kita talaga sya…haay…grabe…pictures lang, nagkakaganito na ako…pota talaga oh. Napaka-pathetic. Ayan naglapse na naman ako…may asphixia na naman dahil sa kanya...

asphixiate: to deprive a person or animal of oxygen, or be deprived of oxygen, usually leading to unconsciousness or death

Badtrip. Parang Pringles, Once you pop, you can’t stop…and I can’t stop, kahit wala nang laman.
______________________________

Sana hindi na lang sya ganun kaganda…baka mas nagkapag-asa pa ako.