Monday, March 2, 2009

Mandatory Post 2

"Wala akong maisip na quote e..." -Nin Ong

Gaya ng maraming pangako at new year's resolution na hindi naman natutupad, hindi ko na naman nagawang magpost nitong mga nakaraang araw ng isang buong buwan. Mag-iisang buwan na rin nung nakasabay ko si Miss sa elevator...

Marami na rin ang naganap nitong nakaraang buwan, yung iba nakalimutan ko na yata. Sa tagal ng panahong di ako naglathala, may mga punchline tuloy na di na ganun kaepektibo dahil tapos na ang okasyon. Sa loob ng isang buwan, may mga korning joke na napanis dahil di ko agad naikwento. May mga pangyayari na akin-akin na lang at di na malalaman ng sambayanang Pilipino.

Isang leksyon para sa hinaharap: Maglathala agad pag nasa mood.

Wala naman masyadong nawala. Kasi konti pa lang ang naliligaw dito at nagpaparamdam ulit. Di ko alam kung dahil ba yun sa layout ko na minadali (na pinalitan ko na) o dahil tamad na ako ngayon magplug at magbloghop.
_____________________

Nabiktima kami ng Friday the 13th. Natutunan kong wag basta basta maniniwala sa ibang tao. Kasi may mga taong walang accountability kapag nagkasisihan na. Sasabihin nya lang, "ay sori ha, nagkamali ako guys. pasensya na..." Ayun, ganun ganun lang, yari na kayo. Nabiktima yung buong team dahil nagbroadcast pa sya, tapos yun pala wala syang alam.

Kapag too good to be true talaga, madalas hindi true. Kapag buffet ang pagkain at maraming natira, dahil konti lang ang nagregister at nagbayad sa pagkamahalmahal na lunch buffet nilang pakulo, tapos pagdating ng hapon may isang taong payat na nakasalamin na akala mong taga-committee tapos sasabihi nyang libre na yun kasi sayang na at may parating pang pagkain, kahit na gutom ka na e wag kang bibigay...

malamang hindi libre yun...
____________________

Naospital pala ang nanay ko nitong nakaraang buwan. Nagvalentine's day ako sa ospital. ok lang naman, ala naman akong lakad, fortunately or unfortunately. Di naman emergency, sa totoo lang kahit Linggo o Lunes sya nagpa-confine ala naman problema. Pero sabi kasi nung doktor nya ASAP. Pero wala pala sya ng sabado at linggo.

Ang layo-layo-layo ng ospital. May ospital kasi malapit sa amin, walking distance lang, pero yung pinuntahan namin e sa quezon city pa. Sa NKTI. Sa paranaque ako. Nung nagcommute ako pakiramdam ko umuwi ako ng probinsya. Lampas isang oras kalahati lang ang biyahe kung walang trapik pero pakiramdam ko talaga ang layo nung pinuntahan ko pag bus ang sinakyan ko.

Hydronephrosis. Secondary to kink blah blah blah. Possible laparoscopic pyeloplasty raw. Hmmm.... syempre dahil Computer Engineer ako (kunyari) e nag-internet ako para malaman ko kung ano yun. Namamaga raw ang kidney ni nanay. Baka raw may bara. Kaya yun ooperahan.

Inabot kami ng mga sampung araw sa ospital. Umabot rin sa daang libo ang bill. May endoscopy pa kasing ginawa atbp. Mabuti na rin na sinagot nung HMO ng company namin yung bill. Dahil sa totoo lang, wala kaming ganung pera. Magagawan naman ng paraan siguro kung sakali pero buti na lang at hindi na yun kailangan.
____________________

Apektado raw lahat ng krisis. Ayun, pati sa amin matindi na ang cost-cutting. Napakawrong timing talaga ng mundo. Mag-iisang taon pa lang ako sa trabaho nagkrisis agad. Di ko pa man din naeenjoy yung ibang perks. Ayun, maraming bagay na hindi ko pa naranasan ay malamang mawala na. Sayang. Ang magandang balita e wala naman natanggal. Pero yun nga, kahit option na makahanap ng mas berdeng damo e lalong lumabo.

Mukhang may dissent sa pagitan naming mga peon at ng immediate management. di namin masyadong nagustuhan ang bagong metrics system nila para basehan ng performance namin. madaling sumablay pero mahirap umangat at ang safe zone kumbaga e one-shot lang ang dating.

Bahala na. Marami ang nagsasabing wala na silang pakialam sa metrics ngayong taon, kasi next year nasa ibang company na sila. Ako, di ko masabi yun.

Baka nga next year andun pa kami lahat.

2 comments:

  1. Ah, mainam naman at nasolusyunan kahit papaano ang nangyare sa nanay mo ninong. Sana ay maganda na ang kanyang kalagayan sa ngayon.

    ReplyDelete
  2. naku, ninong. di ko alam itong pinagdaanan mong ito. sana ay ok na ang nanay mo.

    ReplyDelete