Wednesday, February 4, 2009

Elevator

2/4/09 11:23

"Serendipity is looking in a haystack for a needle and discovering a farmer’s daughter."
- Julius Comroe Jr.

Napaka-boring ng umaga na ito.

Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Nakakatamad...

Nagpa-late na nga ako at lahat, pero pagdating ko sa training room, pang-apat pa akong dumating. Siguro kahit tinapos ko pa yung Super Inggo e pang-apat pa rin akong dadating... mga batas talaga ang mga tao dito.

Wala pa naman si LeadOne. Kahit nga LeadTwo ala pa. Siguro mga after lunch pa yun pupunta dito. Ewan ko kung ano ang ginagawa nila ngayong umaga, baka nasa mga pwesto lang nila at nagchi-chill. Kaso mga slave drivers yun e, mas malamang na nag-iisip yun ng ipapagawa sa amin...

Namimiss ko na tuloy yung cubicle ko. Kung nandun ako, malamang tulog na ako ngayon. Tago dun e.

May itatanong pa naman sana ako kay LeadOne tungkol dun sa ginagawa ko, at dahil wala pa sya, di ko yun maituloy. Kawawa naman ako at wala akong ginagawa. Hehe.

Siguro ang tanging highlight lang ng umagang ito e nakasabay ko si Miss sa elevator. Nakita ko na sya papasok sa building. Kasama nya yung iba nyang kasama sa department. Kaso pagdating sa lobby nakita kong humiwalay sya sa kanila. Ayos. Mukhang magkaka-moment. Kaya naman kahit nauna ako sa kanya e hindi ako sumabay sa paakyat na elevator, sa halip, hinintay ko na lang sya. Kunyari di ko alam na paparating sya...

Pagkakita ko sa kanya, aba, magugulat-gulat pa ako kunyari. Ngiti ako. Hello. Kamusta. Sabi nya naman, "Hello din". Parang nahiya pa. Di naman kasi kami close. Haha.

Sabi ko, "Ang ganda mo ngayon ah, bagay sayo yung ribbon mo." Sabi nya, "Ikaw din parang pumopogi ka..."

Meh.

Ang sabi ko talaga, "Ok sana ang suot mo kaso siguro mas bagay sayo yung bright colors..."

Meh ulit.

Ang sabi ko talaga, "... ... ... ... ..."

Yun lang din sinabi nya.

Pinindot ko yung UP. Dami na naming napag-usapan e. Ayun sakto, pagdating ng elevator, dalawa lang kaming sumakay. Sinara ko agad bago pumasok yung isa. Papapansin pa e.

Pinindot ko yung floor ko. Pati na rin sana floor nya kaso naunahan ako. Sayang. May joke pa naman ako dun. Nabara tuloy. Next time na lang.

Awkward silence.

Bigla na lang narinig kong parang hinihingal sya. Tapos nakita kong humahawak sya sa batok nya at di mapakali. Parang nanggigigil. Kislot ng kislot. Kunyari di ko sya pinapansin. Weird e. Tapos naramdaman kong papalapit sya sa akin. Naamoy ko na ata ang pabango nya... parang may tumutugtog nang jazz sa background... Tumingin sya sa akin... sabay pindot dun sa emergency button...

Parang napanood mo na no? Hahaha. Sayang hindi ako nag-Axe... kaya siguro hindi nangyari.

Awkard silence lang kami hanggang dumating sa floor nya. Mahiyain sya masyado. Hahaha. Di bale maganda pa rin, pagtyatyagaan ko na. Haha.

At akalain mo, may blog post na ako agad.

6 comments:

  1. Akalain mong may comment ka na agad! Haha. Mukhang nagbalik ka na nga ah! Haha.

    Eh bakit kasi mahiyain 'yung babae? Hindi ba dapat ikaw ang unang dumidiskarte?

    At, ang ganda ng quote, Ninong.

    At, inadd mo ako sa Plurk (yata) habang nagko-comment ako dito. Haha. Apir!

    ReplyDelete
  2. @meryl Binigyan ko lang ng pagkakataon... hahaha.

    ReplyDelete
  3. mano po.

    buti ka pa nakakablog ng mga ganyang bagay. amboring ng buhay ko.

    -halavera.com

    ReplyDelete
  4. Haaay, elebeytor moments. Palibhasa 8th floor lang ako dati at bulok pa ang elebeytor samen kaya wala akong moments na ganyan noon.

    Wag mo akong dismayahin ninong, alam kong mas marami ka pang ibubuga kesa sa mga tutuldukan lang!

    ReplyDelete
  5. @ vera
    haha... ang blog naman e pagpapalaki lang ng mga isyu na wala lang naman talaga. hehe.

    @ mariano
    baka may magalit. wahaha. toink.

    ReplyDelete
  6. Si Ninong talaga, MATINIK! Hahaha

    ReplyDelete