1/31/09 11:20pm
"Those who wish to sing always find a song."
Nung nakaraang Biyernes ay umalis ako ng maaga sa opis. Undertime? Sssssh!!! Hindi ah. Naipasa ko naman na yung mga dapat kong ipasa, nagawa ko na yung mga dapat kong gawin, saka lampas na ang uwian ng mga ordinaryong empleyado, saka nakita naman ako nung mga TL umalis... saka... saka...
Basta.
Nag-aya kasi yung kaklase ko nung college. Dinner daw kasama yung mga iba naming naging kabatch. Parang reunion? Hmmm... Tumatanda na ba ako talaga, bakit ba dumadami na ang kilala kong inaaya ako sa mga reunion? Ganun na ba nila ako namimiss?
Dapat hindi na ako pupunta. Friday kasi, maraming marami akong gagawin. Sa sobrang dami di ko alam kung ano ang dapat kong unahin.
Meh.
Sa totoo lang tinatamad lang ako. Kagagaling ko lang sa lakad nung isang gabi. Tapos konti lang din naman ang pupunta. Bukod dun, kadalasan sila-sila rin naman makikita ko. E tapos matagal nang nag-iba ang bandwidth ko kaya matagal ko na rin silang di kapareho ng wavelength (mahabang istorya). Kaya yun naisip ko e baka ma-out of place lang ako dun.
E kinukulit ako nung nag-aaya. Minsan lang naman daw. Naawa naman ako. Baka nga naman di yun matuloy kung di ako pupunta. Haha. Pumunta na.
No comments:
Post a Comment