Matagal tagal na rin akong hindi nagblo-blog kaya maswerte ang lahat ng nominado sa Philippine Blog Awards. Oo, maswerte kayo. Hindi nyo pa ako makakalaban. Pinagbigyan ko kayo at inyo na ang taon na to. Siguro next year di na ako magiging mabait. Kaya kailangan manalo na kayo ngayon.
Para sa taon na ito, ang iboboto ko para sa Blogger's Choice ay si super xienah ng CHIKSILOG. Bakit? E kasi gusto ko pa rin... manalo sya. Wahahaha. Kahit na naalala nya lang ako nung kailangan nya ng boto ko. Parang nung Project Lafftrip Laffapalooza. Kahapon nga lang sya nag-ym ulit. Samantalang lagi naman ako online. Tsk tsk. Tapos nagym lang dahil may kailangan. Kasakit. Haha. Nung huling usap namin sa ym sabi nya "teka. diyan ka lang",
September pa yun. aba, tapos december na nung bumalik at nagym ulit.
Grabe.
Akala ko pa naman nung nabasa ko yung entry nya nung isang araw e panalo na sya. Kaya di na ako bumoto. Hiatus nga ako e. Kaso ang lakas mangonsensya.
Kailangan nya pala ako. :P
Ano pa ba? Iboboto ko sya dahil kahit matagal akong nagpahinga (at nagpapahinga pa rin) sa blogging e lagi ko pa rin dinadalaw yung blog nya. Mula nung superhero pa syang inaapi sa parapnasia at nakaaway ang isang buong barangay, hanggang maging empermera sya at ngayon chiksilog na, nabasa ko ata lahat ng entry nya. Ata lang ah.
Iboboto ko sya kahit bihira sya magpost dun sa chiksilog. At mabagal ang site nya. At madalas syang bitter sa mga post nya. Haha. Iboboto ko sya dahil maayos sya magsulat, iilan na lang ang Tagalog magblog ngayon. Iilan na lang ang nagpapatawa nang hindi raw. Iilan na lang ang wala masyadong ads sa blog na blink ng blink, sakit sa mata. At iilan lang din ang mas deserving manalo ng award kaysa sa akin. Di sya yun. Hahaha.
Pero oy, pwera biro, sya dapat manalo ngayon.
Saturday, December 11, 2010
Thursday, May 20, 2010
Again
Anong nangyari? Ulitan na naman ang blog na ito. Pambihira, ninong.. ituloy mo naman. Ganyan din ginawa mo nung isang taon. Tapos wala pang sampu yung post mo. Ni hindi mo nabuo yung layout mong ubod nang ganda...
Hmmm... Sakit ko na ata ang hindi tapusin ang mga nasimulan... ayaw ko lang sigurong may mga bagay na nagtatapos. Kung iniwan ko sya para bukas, baka pwede pa ring ituloy minsan. alam ko may mga bagay na nawawala kapag iniwan ng matagal. Pero ewan ko ba, kung hindi hinog sa pilit... overripe naman ang mga bagay-bagay.
Hindi ko naman masasabing busy ako sa trabaho palagi. Kasi kapag wala ako sa mood magtrabaho, bahala kayo, magpepetiks talaga ako. Kung tutuusin mas busy pa ako nung nagpapanggap pa akong estudyante. Maraming project, may mga quizzes tapos may dyaryo pa. Minsan pumapasok ako sa klase, exam na pala ni wala man lang akong booklet.
Pero nakakapagblog ako nun. Kulang ang linggo kung hindi ko maikwento sa libo-libo kong mambabasa kung bakit nabadtrip ako dun sa drayber ng jeep kanina, o sa kung anong tingin kong kulang sa pagkabata ng kung sinong bwisit na nagpapahirap ng buhay ko. o sa kung anong latest sa aking masalimuot na buhay pag-ibig (na minsan naiisip ko, parang by choice...)
Napakaraming nangumbinsi sa akin na magbalik sa blogging. Mga tatlo o apat sila. May mga gustong umalis ng microblogging. ewan ko kung bakit. marami atang mas papansin dun o masyadong mga warfreak lahat ng tao. naging big deal ang mga wordart na nung hayskul pa ako huling gumawa. o yung mga picture na kakaiba o kaya NOT SAFE FOR WORK. nauso yung mga reblog-reblog na hindi ko masundan yung mga comment...
nawala na yung mga mahabang kwento. siguro dahil nakakatamad din kasi magbasa ng mahaba. tapos yung ibang blogger tulad ko, gusto nagco-comment pa kayo. e sa tumblr, ni walang cbox (sabi nila pwede raw, pero ala naman akong nakitang naglalagay). kita mo agad kung ilan may gusto sa sinabi... at kung ilan ang disipulo mo.
ako, kaya lang ako may account sa tumblr ay para mauna ako dun sa ninong.tumblr.com.
So ayan, may mga bumalik na ata sa "macro"-blogging. Binuhay ang mga inaagiw nilang blog at datkom. May mga gusto ng reunion. Yung ibang di naman umalis ang sabi lang... nyehehe. Kung magsasalita lang ang mga naiwan nyong blog sasabihin nila, "You had me at my best... and you chose to type wordarts."
Siguro minsan, yung mga bagay na pinaghihirapan itype at pag-isipan... yun ang masarap balikan.

Tuesday, January 12, 2010
Night Sheep
"Night time is really the best time to work. All the ideas are there to be yours because everyone else is asleep." ~Catherine O'Hara
May mga bagay talaga na pag nasanay ka na, mahirap baguhin. 8 buwan na rin akong panggabi sa trabaho. Nasanay na akong natutulog habang tirik ang araw. May mga ayaw sa panggabi, nahihirapan daw matulog sa umaga. Nagiging sakitin. Di ako nagkaroon ng ganung problema. Nocturnal lang siguro talaga ako. Kahit noon pa, napupuyat ako ng walang dahilan. E di mas ok ngayon kasi pinagkakakitaan ko pa yung passive ability ko.
Masarap ang panggabi dito. Mas malaki ang sweldo kasi may night diff, may allowance pa. Malayong-malayo sa kita ng pang-umaga. Mas marami akong nabibigay sa bahay tapos may natitira pa sa akin pambili ng kung anu-ano.
Wala pang bossing. Ako ang team lead sa gabi. Ako ang project manager, ako ang people manager. Ako ang presidente. Akin ang mundo. Kung gusto ko matulog, nakakatulog ako. Kung gusto ko magwarm-up at magbrowse, manood muna ng pelikula, magbasa ng ebook, maglaro ng DOTA (<-noob) walang makakapigil sa akin, wala kahit isa... pwera sa IT department (kasi 24hrs sila).
Oo nga walang social life. Pero wala naman talaga ako nun, kaya di naman talaga yun kawalan. Nakakaalis din naman ako dito kung may kailangan talaga puntahan. At kung papipiliin lang din naman sa pagitan ng social life at salapi e wala tayong magagawa, pera-pera lang yan.
Haay. Kaso ibabalik na ako sa umaga. Babalik sa mga pagiging alipin. Andun ang mga bossing, kanila na naman ang mundo. Balik sa sweldong maliit. Patay ang lifestyle sabi nga nung kasama ko.
Dapat siguro maghanap na ng ibang trabaho.

Tuesday, January 5, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)