Tuesday, May 22, 2007

Estudyante Blues Part 1: Kindergarten

“All grown-ups were children first, but few remember it.”
~Antoine de Saint- Exupery, The Little Price


SALAMAT.

Maraming salamat sa lahat ng bumati sa akin nung aking kaarawan, kahit nauna ka o sakto o masyado nang huli, salamat. Hmmm… dahil sa dami ng bumati sa akin, naisipan kong iextend pa ang deadline para sa pagpapadala nyo ng regalo. Hehe.

Siguro, tatanggapin ko pa ang mga regalo nyo hanggang June 1, 2007. O ayan ha, binibigyan ko kayo ng pagkakataon upang makahabol pa. Huwag nyo nang sayangin. >_<

Salamat. Lumampas na sa 20 ang comments ko. Haha. I’m fulfilled.

Paabutin naman natin ng 30 ang comments ko!
________________

Hmmm… wala namang nangyayari sa buhay eskwela ko ngayon kundi two words. Impending doom. Wala lang, nakakatamad gawin ang mga dapat gawin. Bumibilis ang mga araw, parang kaka-lunes lang kanina ah tapos linggo na ulit. Tapos lunes na naman.

Pakiramdam ko kakabirthday ko lang kanina e…

May gusto ako sabihin dito pero wag na lang muna… baka lalong mawala. <_>
___________________

Habang naghahalungkat ng mga lumang gamit nung isang araw, natagpuan ko ang aking mga class pictures mula pa nung unang panahon. Binalak itong itago ni nanay pero nakuha ko agad kaya naman ako na ang nagtago. Hehe.

Habang tinitingnan ang mga larawan, pati na rin kung gaano ako ka-ubod ng cute nung bata pa e may mga naalala akong mga bagay. Kaya naman naisipan kong gawan na lang post ang buhay-eskwela ko… hehe. Hmmm….

Bakit hindi natin simulan sa kindergarten?

Alam nyo ba ang ibig sabihin ng kindergarten? Kung alam mo na, kunyari hindi pa… kasi sasabihin ko sayo, ok? Magpanggap ka na lang muna na mangmang para lahat tayo ay masaya.

Ang “kindergarten” daw ay nagmula sa salitang Aleman na ang ibig sabihin ay “children’s garden”. Ito ay antas na pinapasukan ng mga batang edad 4 hanggang 6 na taong gulang (minsan mas bata pa) bago makatugtong na elementary. Minsan tinatawag itong nursery at minsan naman ay daycare, depende sa trip ng may-ari.

Naintindihan nyo ba mga bata?

Sinimulan ko ang aking unang pagtungtong sa paaralan sa St. Francis Academy dito sa Paranaque. Isang sakay lang yun sa jeep mula sa bahay. Tatawid ka, sakay ng jeep, tawid ka ulit ayun na.

Hindi naman sikat yung school, wala nga ako makitang logo e… Sayang. Cute pa naman ng logo nila. Parang crest na nahahati sa tatlo. Tapos sa right side may parang dragon. Yung left side naman nahahati sa dalawa, sa taas isang armor helmet, yung sa baba naman diagonal stripes.

Saka na yung pic...

Hindi ko na maalala kung bakit dun ako pinag-aral. Wala na rin akong maalala sa first day ko sa skul. Sayang. Naaalala ko lang yung minsan pag hinahatid ako ng nanay o kaya ng tatay ko e hinihintay ko pa sila umalis bago ako pumasok ng klasrum. Wala lang, gusto ko sila makita umalis. Kahit pinapapasok nila ako, hindi ako papasok hanggang hindi sila umaalis. Nagtatago pa nga tatay ko minsan sa poste e… Haha. Pero hinihintay ko sya lumabas. Haha.

Hmmm… first time ko sa piling ng maraming bata, dahil ang bahay namin, walang kapitbahay na ka-age-bracket ko. Kaya medyo kinailangan din mag-adjust... Haha... Blah blah blah.

Naalala kong sinasabihan ako ng nanay kong wag patulan ang mga nanunuksong bata. Kapag pinatulan mo raw ibig sabihin totoo. Bakit ganun no? E kaya mo nga aawayin e kasi nga hindi totoo. Asar ako sa mga nanunukso. Yung mga taong bata pa lang e binigyan na ng masamang budhi. Tsk tsk.

Naalala kong nanonood muna ako ng sesame street bago pumasok (insert Sesame Street theme here). Panghapon kasi ako kaya naabutan ko. Bata pa lang hindi ko na talaga talent ang paggising ng maaga. Hehe. Natutuwa ako sa Sesame Street, kahit hindi ko naiintindihan kasi English. Tinitingnan ko lang yung mga gumagalaw galaw na picture. Saka yung mga puppet si Kermit the frog, Big Bird, Cookie Monster, Pong Pagong, Kiko Matsing (teka mali na ata) blah blah blah and blah.

Antagal na nung panahon na yun, badtrip, di ko na talaga maalala. Basta alam ko kahit wala akong sundo hindi ako umiiyak kasi andaming bata. At masaya akong nakikipaglaro kapag uwian. Pag umuuwi ako pinapakita ko ang kamay kong may stamp ni kerokeroppi… ibig sabihin nun 100 ako sa isang seatwork. Lagi ako merong ganun.

Dahil ayoko na kayo bitinin pa e… eto na ang class picture ko… tingin ko eto lang inabangan nung iba… haha. Hmmm… hanapin nyo ako dito. May premyo. Syempre makikita nyo ako. Hehe. Ako ngapala yung pinakacute na lalaki dyan. Bawal kumontra. Hehe. Ang mga naiinggit ay magpost din ng kindergarten class pic sa blog nila.



Nasan si ninong?

Clue: Cute din yung babaeng nasa tapat ko. Di ko na nga lang maalala kung ano pangalan nun.

Isulat ang inyong hula sagot kasama ang pangalan, address, telephone number at suking tindahan, pangarap sa buhay at isang nakakatawang joke kalakip ang kahit anumang proof of purchase mula sa ating mga sponsors tulad ng Yellow Cab, Max's, Aristocrat, Rustan's and many more.

Ihulog lamang ang mga entries sa pinakamalapit na trash bin na nakalagay sa mga piling lokasyon sa buong metro manila. Mas maraming entry, mas malaki ang tsansang maloko manalo. Sali na! See posters and print ads for nothing.
______________________

Hindi ko talaga gusto ang uniform namin. Siguro yung sa mga babae ayos lang, pero yung sa mga lalaki masagwa, mukha kaming mga waiter. Naka-bow tie na, naka-suspender pa. Overkill sa pagkabaduy. Sino kayang topak ang nagpauso nun... Hmmm.

May anomalya nga sa skul namin. Madalas kasing absent ang teacher ko. Alam nyo bang yung nasa class picture namin ay hindi talaga namin teacher. Sa kabilang section yan e. Nagulat nga kami kung bakit sya kasama namin. Haha. Usap-usapan ng mga magulang na janitor daw ng skul minsan ang nagtuturo ng lesson sa amin. Hanep sa tsismis no? Hehe. Kaya naman isang taon lang ako dun.

Nakita nyo na ba ako sa class pic? Maging tapat. Para sa mga sirit na...


hehe

hehe... ay mali pala...hahaha... hmmm.... eto na talaga.


nakita mo na?

Para sa maswerteng mabubunot na tama ang sagot, paki-claim ang iyong libreng papremyo sa pinakamalapit na suking tindahan. hehe.

Monday, May 14, 2007

Debutante

Inside every older person is a younger person wondering what happened.
~Jennifer Yane


today...
i am free
free to fly
free to be what they tell me I cannot be
happy birthday to me
~Bamboo, These Days



Maligaya... maligaya... maligayang... bati.

Kayong lahat ay imbitado sa selebrasyon ng aking kaarawan na gaganapin sa buong Pilipinas ngayong araw na ito.

Dahil malakas kayo sa akin, SKY IS THE LIMIT. Order lang ng order kahit saan. Sa mga hotels, sa restaurants, sa pinakamalapit na mga cantunan at karinderya, lahat ng pwedeng kainan. Espesyal ang araw na ito. Kumain lang kayo ng kumain, tutal kayo rin ang magbabayad e. Hehe.

Dun sa mga meron ng autograph ko, maari na ninyong makuha ang inyong special discounts sa pinakamalapit na suking tindahan, kasama na rin ang sobre kung saan nyo pwedeng ilagay ang inyong monetary gifts. I prefer cold cash, by the way. n_n

Maaari na ring maka-avail ng special discounts sa mga malls (SM, Glorietta, Robinson’s Rustan’s) at fastfood chains ang mga taong may authentic picture ko, depende sa quality ng picture at kung gaano ako kagwapo dun. Hahaha.

Maaari ring makatanggap ng special gifts ang mga taong magcocomment sa post na ito. Wahaha…Mas maraming comment, mas malaki ang tsansang manalo. Ano pang hinihintay mo? Comment na! Hahaha.

Wag maliitin ang dami at yaman ng aking mga sponsors.

Dahil nga malakas ako sa MalacaƱang, e sinabi ko kay GMA na gawin naman nyang special holiday ang May 14, tutal naman minsan lang sa tanang buhay ko ako magiging beinte-uno. Once in a lifetime, ika nga.

Hmmm… pumayag naman sya agad. Baka raw kasi magtampo ako, mahirap na. Yun na lang raw muna regalo nya, saka na raw yung private jet pagkatapos ng eleksyon. Hehe. Kaya kung gusto nyo rin ipa-holiday ang mga birthday nyo e sabihan nyo lang ako, hahanapan natin yan ng paraan. >_<

Ngapala, gusto ko rin sabihing tumatanggap pa rin ako ng regalo hanggang 11:59pm ng May 21, 2007. Kaya kung gusto nyo talagang matanggap ko ang regalo nyo e ipadala nyo na yan AS SOON AS POSSIBLE. Mahirap nang sumabay sa dagsa ng mga regalo ko sa last day, kayo rin.
________________________

Haha. Tama na. Pagpasensyahan na ang debutante.

Bakit nga ba iba ang edad ng “debut” ng mga lalaki kumpara sa babae, ibig sabihin ba nun mas mabilis magmature ang mga babae? Sino naman ang nakaisip nun, at bakit pumayag ang mga lalaki? Kung ako ang masusunod dapat mga 11 years old pa lang, debut na ang mga lalaki. Hahaha.
________________________

Hmmm... dahil beinte-uno na ako, ok lang naman sigurong humiling ng 21 gifts, di ba? Parehas lang ng 18 gifts sa babae. In no particulat order ang mga ito. Hehe.

Una sa listahan ng aking gusto matanggap ay ang SONY PSP.

Align Center

Gusto ko yung kulay puti. Sana may case na rin para di na ako bibili. Haha. Hmmm, naiinggit na ako e… Brick game pa rin lang ang maipagmamalaki kong portable gaming device e. Haha. E sobrang layo lang talaga ng presyo nito sa net savings ko. Di ko kayang bumili mag-isa. Kailangan ko ang tulong nyo. Tulungan nyo akong tuparin ang pangarap ko. (P13000+)
________________

Pangalawa, gusto kong makatanggap ng Wheel of Time: Crossroads of Twilight.

Book 10 na ito, nabitin kasi ako sa book 9 e, tapos ang hirap magbasa ng ebook. Kung tutuusin, kaya itong abutin ng budget ko. Kaya lang, sa ngayon hindi sya priority. E kung maibibigay nyo naman sa akin, e di hindi ko na kailangan problemahin. Sa National bookstore nagkakahalaga ng P335 ang libro na ito. Kung kaya ko itong bilhin, kaya nyo rin. Hehe.

_______________

Gifts 3-10: Tutal 21 gifts ang kailangan kong punuin e lulubusin ko na ang paghiling ng abot kayang mga libro. Hehe. Gusto ko rin ng:

Wheel of Time: The Eye of the World (P335)
Wheel of Time: The Great Hunt (P335)
Wheel of Time: Knife of Dreams (P335)
Wheel of Time: New Spring (P300+)
Harry Potter and the Half-Blood Prince (paperback: P435)
Eoin Colfer: The Supernaturalist (P???)
Artemis Fowl: The Eternity Code (P???)
Ung libro ng ERAGON, gusto ko kasi matingnan kung maganda (P???)

________________________

Ikalabing-isa: isang 2GB na flash disk.

Lugi na kasi ako dun sa 128MB na flashdisk na binili ko 2 years ago sa halagang P650+. Wala nang 128MB ngayon, nahihirapan akong magtransfer ng malalaking files kasi kulang na kulang ang 128MB. At least kung 2GB, di ko na kailangang magburn pa ng cd para lang kumopya ng mga 256MB+ files. Mura na lang ito ngayon, ang isang Kingston 2GB ay nagkakahalaga lang ng P980.

Update: Meron na ako nito kanina lang, eto na ang niregalo ni nanay at tatay. Hehe. Ayos!

___________________

Ikalabing-dalawa: nais kong magkaroon ng cellphone na may camera. Stick figures lang ang kaya kunan ng 3315 ko, kelangan ko pang icreate. Haha. Gusto ko sana maranasan magkaroon ng camera. Kaya ko rin naman bumili nito kung gugustuhin ko talaga, hindi lang talaga sya priority. E kung ireregalo nyo na lang, mababawasan ang aking suliranin. Haha. Di naman ako mapili sa regalo. Ok na sa akin yung pinakamurang celphone na may camera basta NOKIA, maraming arte yung ibang phone e.

______________________

Ikalabing-tatlo: Gusto ko magkaroon ng PS2.

Alam kong may PS3 na pero ok na sa akin ang PS2. Kahit second hand lang. Mahal naman kasi ng PS3. Riddikulus. Di ko na rin naman masyadong magagamit, pero kung mapilit ka at PS3 talaga ang gusto mo ibigay sa akin, sino ba naman ako para pigilan ka, di ba? (P8000+(?))

_______________________

Ikalabing-apat: Digi-cam.

Di ako mahilig sa picture, pero pag may okasyon, syempre kailangan ng mga litrato. Matagal nang sira yung automatic camera naming ginagamitan pa ng film. Wala kasi akong alam sa digital photography kaya basta camera na tamang tama lang ang specs. Di naman kailangan magarbo o sobrang hi-tech. Kahit yung mga P6000 lang or less, ok na yun. Mas maganda kung pwede rin kumuha ng video at malaki ang capacity ng memory card. Hehe. Abusado na ata ako. Haha.

_______________________

Ikalabing-lima: video card.

Ang alam ko, walang video card itong PC kong maganda, kaya laging nagha-hang kapag masyadong maganda ang graphics ng laro. Hmm… hindi ko rin alam kung ano ang maganda, pero bigyan nyo na lang ako nung mga nasa P4000 ata yung presyo, sa pagkakaalam ko e maganda na yun.

________________________

Ikalabing-anim: RAM. Hanggang ngayon, nasa 256 MB pa rin ang RAM namin. Hmm… masasabi kong mabagal po sya, kaya naman matagal ko nang plano bumili ng karagdagang RAM. Wala nga lang budget talaga. Ang sabi sa manual ng motherboard ko, (ngapala, iyon ay ECS 741GX-M na may AMD Sempron processor), mga 184-pin 2.5V unbuffered Double Data Rate (DDR) SDRAM memory modules ang pwede ilagay. Gusto ko sana yung 1GB na SDRAM, mga P4000+ ata yun, more or less. Kahit ipadala mo na lang yung cash, ako na ang bibili. Hehe.

_______________________

Ikalabing-pito: Isang portable DVD player. Yung pangsasakyan, nextbase ata ang brand nun, yung may kasama nang screen…kaya lang sobrang mahal nun, mga P25000 ata. Kaya sige, kahit yung ordinaryong DVD player na lang. Hehe. Ilalagay ko sa opisina namin, sayang kasi yung TV, minsan walang mapanood. E ang laki pa naman ng vacant ko. At least kung may DVD player dun, mapapanood ko yung mga nakaimbak na DVD sa bahay. Sabi nina venz, sa raon daw, mga P2000 lang, meron ka nang matino-tinong DVD player.

_______________________

Ikalabing-walo: Isang laptop.

Sobrang kailangan ko nito, kasi Computer Engineering ako. Haha. Wala lang, maganda ang may laptop kang dala-dala sa school. Gusto ko sana yung mataas ang specs, yun bang kahit Red Alert 2 man lang, malalaro nya nang hindi naghahang. Sana malalaki ang capacity at maganda kung may camera na ring kasama. Hehe. Kahit na yung mga P60000 lang ok na. Hehe. Di naman ako demanding. >_<


Sa ngayon, wala na akong maisip pang ibang regalo. So hanggang 18 pa lang muna. Hmmm, siguro ibabalato ko na lang sa inyo yung natitira pang tatlo, kayo na ang bahalang pumili ng ibibigay, pero maganda kong tatanungin nyo muna ako kasi baka meron na ako nun e. Wahaha. Sabihin nyo lang sa akin kapag ready na ang regalo nyo, at ako nang bahala magbigay ng mga detalye kung paano nyo ito maipapadala sa akin. Ahahaha.

__________________________

Pero sa totoo lang, batiin nyo lang ako e ubod na ng saya ko. Dumalaw lang kayo dito lagi at magcomment at magtag, aba, hindi na ako pagsidlan ng kagalakan.

Kung hindi kayo dumadalaw dito di ko alam kung mapagtyatyagaan kong gumawa ng post na ganito kahaba. Hahaha. Aaaack. Nagiging dramatic na ang post na ito. Hmmm… dapat masaya.

Sana matupad ang mga wish ko. Sana hindi pa rin ako late.Italic