Saturday, April 5, 2008

A Good Run

Though I might hate to admit it, it seems that this blog is dead. It had its glory days, it had its good run, but nothing lasts forever. It gained many friends, expanded the horizons of my self-proclaimed influence and even help me have a somewhat short, turbulent but interesting lablayp. It even won me a good sum of money and a 1-year free website that I am currently wasting.

I gave a good effort to keep it alive. But I am finding it hard to post here as the days go by. Maybe it's too long gone to revive it.

I think I need a new one. One of these days.

Thursday, April 3, 2008

Palitaw

Hello Blog!

Namiss mo ba ako? Wala na akong maisip na palusot kung bakit di ako nag-uupdate. Nagamit ko na ata lahat. Marami-raming beses na tayong nag-on at off, daig mo pa ang imaginary girlfriend ko.

Ito na ata ang pinakamatagal nating cool off sa lahat, kung di ko ibibilang yung 1 taon sa pagitan ng unang post ko mula nang magsimula akong magblog hanggang sa pangalawang post ko nang maisipan ko yun ituloy.

Hindi naman tayo nag-away di ba? Bigla na lang walang oras. O kaya naman ay may iba nang pinaggamitan ang oras ko na dati kong inilalaan para sayo. Sana lang girlfriend yun. Sana lang. Haha. Kaso hindi e. Hindi talaga.

Dahil matagal na akong hindi nagkwekwento, pagsasawaan nyo ang nobelang ito.


Mahirap pala magpayaman. Hindi biro biro ang pagkita ng salapi. Akala ko dati mas mahirap magkagirlfriend (teka, kanina pa yung motif na to), pero mas mahirap pala magkagirlfriend talaga. Haha.

Siguro madali lang ang trabaho ko. Buong araw akong nakaupo. Parang patabaing baboy. Tatayo at maglalakad lang ako para kumain. Minsan nga di na ako tumatayo. Tatayo lang ako kapag nakikipagtalastasan (tumatambay) sa mga kasama ko dito sa opish. Minsan di na rin ako tumatayo. Tatayo lang ako kapag gagamit ako ng c.r. Di kasi pwedeng di tumayo.

Mahirap din mag-isip. Marami pa akong di naiintindihan dito sa ginagawa ko. Pero marami na rin naman akong nagegets. Naisip kong may pagkahenyo pa rin naman pala ako. Akala ko kasi pinudpod na ng Mapua ang aking angking galing, kung meron man. Sa totoo lang nahihirapan akong iexplain kung ano ang ginagawa ko dito. Andami dami nilang tawag, EDI mapper, EDI developer, EDI software engineer, etc.
____________________________

Ok naman ang mga tao dito. Mababait naman sila. Di pa rin nawawala ang mga hinaing nila sa mga tao sa taas. Ganun naman ata talaga kahit saan. Lahat may hindi gusto. O kaya lahat ng nasa taas pasaway. Pero ok naman dito. Medyo napahiwalay pala ako sa mga kabatch ko. Kaya yung mga kasama ko mga matagal na dito. Pangit ng pwesto ng cubicle ko.

Nung una ayos, dahil nakatalikod ang monitor ko sa daanan ng tao. Kaya lang nirelocate ako ulit. Sa bandang dulo pero kita yung monitor ko. Nung mga unang araw nahirapan akong kakalingat sa likod kapag magsusurf ako. Hanggang naisipang kong bumili ng salamin. Yung dinidikit sa sidemirror ng kotse, yung maliit na bilugang salamin. Ngayon kita ko na kung may dadaan sa likod ko.

Balik tayo sa pagpapayaman. Naaalala ko yung nakasabay ko nung training. Matagal na syang nagtratrabaho. Kakalipat lang nya dito sa company namin. Tinanong ko kung magkano na sweldo nya. Syempre ayaw sabihin. Di ko naman siya uutangan. Sabi nya na lang "Basta yung sweldo nyo, tax ko lang yun". Aba, di ba steer yun? Anlaki naman ng sweldo nya. Pero sabi ko na rin, waw, ang laki naman. Sabi nya, wala rin daw yun. Habang lumalaki ang kita, lumalaki rin ang gastos.

At tama naman sya. Kapag may pera ka, maraming bagay ang pupuntahan nun. Di nauubusan ng pupuntahan hanggang meron.

Pero di ko kayo bibiguin, papaunlarin ko pa ang Pilipinas. Para wala nang aalis.
___________________________________

Ngapala. Pumunta na ang kuya ko at ang asawa nya ng Dubai. Dun na sila magtratrabaho, at kung papalarin, pupunta sila ng Canada pagkatapos.

Umalis na rin pala yung nakabaliwan ko noon sa Mapua. Nagpunta na ng steyts. Nagmigrate kasama ng pamilya nya. Hanep rin no? Baka mabuti na rin sigurong hindi naging kami. Baka napilitan din ako magmigrate. Pano na lang ang Pilipinas? Pero yung boypren nya andito pa. Susunod kaya yun? Baka magbreak sila. Harr harr.

Nakakalungkot din kahit pano. Kahit di na kami ganun kaclose nung babae. Nagyaya pa siya mag Mall of Asia nun kasama mga dati naming kablock. Pero tatlo lang kaming pumunta na kablock nya bukod dun sa kanya at sa boypren nya.

Ayun, masaya naman sila. Natuwa sila sa akin. Nakalimutan ko nang komedyante pala ako sa grupo na yun sa tagal ko nang hindi sila nakasama. May blog sana ako para sa pangyayaring yan, english pa. Mas maramdamin. Ipopost ko na lang pag nakita ko yung scratch.

Ano pa bang ikwekwento ko? Dahil nga kulang ng tauhan dito sa company namin (napirata ng ibang company), at napakaraming projects, "humiram" ng 30 tao ang company sa Solutions Delivery ng IBM. Hiniram sila for 3 months. syempre may bayad yun. masayang kasama itong mga taga-IBM, mahaharot parang mga bata. maraming pasaway. pero ayos sila. Medyo nakakaasar lang at natapos na ang kontrata nila. Kung kelan halos magkakakilala na kami.

Medyo nalasing na naman nga ako nung isang gabi. Yung mga taga-IBM kasi e. Birthday nung isa nilang kasama. Nagyaya sa bahay. Sabi ko di na ako sasama. Ayaw pumayag. Babae pa naman. Napilitan tuloy ako sumama. Sabi nila kakain lang. Kumain nga pero nag-inom din. Granma lang naman. Pero may videoke kasi. Tsk tsk.

E dito kasi tahimik ako. Alam nyo na, shy type. Nagulat na lang sila nung makailang tagay na, at nang medyo may tama na, hinihingi ko na yung mikropono sa kanila. "Rock star" daw pala ako pag lasing. Kanta ng kanta. Nahiya pa nga ako nun e. Haha.

Ayun lang. La na ako maisip e. Nagttype lang ako ng tuloy tuloy. Nandito pa pala ako sa opis. Bukas pa ako uuwi e...